Chapter 11- Assuming It's a Date

3K 21 2
                                    

Xian's Point of View

Mainit yata ngayon, ang ganda ng sikat ng araw. Siguro may magandang mangyayari ngayon, sana nga. Parang ang ganda kasi ng araw na ayaw ko masira yun.

Anyway, nandito na kami ni Daniel sa bahay nila Kim at Kathryn. Sakto yata ang pagdating ko, pababa na si Kim. Tumayo ako para batiin siya.

"Hi, Kim!", sabi ko.

"Hi, Xian! Wait lang ha, tapusin ko lang to.", sabi niya sa akin habang inaayos ang bag niya.

"Sige, ok lang naman. 10:56 am pa lang, napaaga yata kami.", sagot ko.

Ang cute niya talaga tingnan. Nakasuot siya ng floral summer dress na sakto naman sa weather dahil mainit nga ngayon. Nakalugay ang buhok niya, kaya mas lalo pa siyang gumanda. Kahit isang taon pa lang kaming mag-bestfriend ni Kim, masasabi ko naman na iba na din ang pinagsamahan namin. Sa kanya ko lang actually sineryoso ang friendship, feeling ko tuloy, umikot na ang mundo ko sa kanya. Tama ba yun?

"Ate, nasaan si Kathryn? Hindi ba sasama?", tanong ni Daniel kay Kim.

"Teka, tatawagin ko.", sabi naman ni Kim.

Umakyat ulit si Kim at kumatok sa kuwarto ng kapatid niya. Maya-maya ay lumabas na din si Kathryn sa kuwarto niya. Bumaba na sila pareho.

Si Daniel, halos hindi na maalis ang tingin kay Kathryn na nakasuot din ng summer dress, striped naman ang sa kanya. Mukhang natatakot na yata si Kathryn sa mga titig ni Daniel. Awkward naman kasi yun. Hindi pa nga binabati si Kathryn, haaay nako itong pinsan ko, sige na Daniel, make a move!

"So, saan tayo pupunta?", tanong ko kay Kim.

"Kayo? Saan niyo ba gusto?", sabi naman sa akin ni Kim.

"Ate, sa mall nalang tayo, lahat nandoon na.", sabi ni Kathryn kay Kim.

Pumayag naman kami ni Daniel. Hindi na daw kami magkocommute, pumasok ang driver nila ngayon, kaya no worries.

Nakarating na din kami sa mall. Lunch time na, kaya medyo maraming tao. Dinala kami ng magkapatid sa Italian restaurant, hindi pa kami ni Daniel nakakakain doon. Mukhang hindi na namin kailangan pumila, pinareserve yata nila ang table for four. Kaya dumiretso na kami sa loob. Umupo na kami sa table.

"Kumain na ba kayo dito?", tanong ni Kim.

"Ako, hindi pa. Ewan ko lang kay Kuya Xian.", sabi ni Daniel.

"Hindi pa din, siguro masarap talaga dito. May pila pa sa labas eh.", sabi ko naman.

"Oo, masarap nga dito. Siguro gutom na kayo, eto, magorder na kayo.", sabi ni Kim sa amin habang binibigay ang menu.

Nagorder kaming apat ng mushroom soup, pizza, pasta, at fried chicken. Masarap nga doon. Masaya din, may music pa talaga habang kumakain ka. Nagkuwentuhan din kaming lahat habang kumakain. Pagkatapos namin ubusin ang pagkain, tumunog ata ang cellphone ni Kathryn. Binasa niya yung text message at tsaka nagsalita.

"Ate, baka mamaya, pagkatapos nito, alis na ako, may project pa pala ako. Kapartner na daw ni Julia si Diego kaya mag-isa ko nalang gagawin yung project ko.", sabi ni Kathryn.

"Ay, talaga? So iiwan mo nalang akong kasama silang dalawa?", sabi ni Kim.

"Oo. Ok lang naman yun diba?", biro ni Kathryn.

"Ok lang naman. Kaso mas masaya kung kasama ka.", sabi naman ni Kim.

Biglang nagsalita si Daniel.

"Ako, wala pa namang partner. Kung okay lang sayo, tayo nalang. Tutal pareho naman tayong hindi pa nagsisimula diba?", sabi ni Daniel.

"Oh sige. Sigurado ka bang wala kang partner?", tanong ni Kathryn kay Daniel.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Where stories live. Discover now