Chapter 47- So Much For Happy Endings

1.8K 27 7
  • Dedicated kay everybody that read and supported my story
                                    

Hello po sa inyong lahat! First of all, I would just like to start by saying thank you for all those who supported this story that is coming to an end. Thank you for the unwavering support that you have givne to me (whether by voting or commenting or being my fan). Please do me a favor and give me your comments on this chapter. I really really need it. Please? Nagmamakaawa po ako.

A lot of this is taken from several stories. I'd like to give credit to all of them. Hindi po sa akin lahat ng chapter na to. Hehe. :)

Anyway, this is dedicated to all of you out there who has read this story. This story was only possible because of you guys.

Sana po, suportahan niyo yung bago kong story "Love is Intricate". Hehe.

READ. VOTE. COMMENT. BE MY FAN.

I love you all! :) 

Kim's Point of View

Eto pala yung feeling ng kinakasal. Yung ninenerbyos ka dahil lahat ng mga tao nakatutok sayo. Yung natatakot ka na baka may mangyari na mali, lalo na pag iniisip ko na nandito si Camille at baka may gawin siya para mapahamak kaming lahat. Yung excited ako na finally eto na yung araw na magiging Mrs. Lim ako. Yung ang saya ko dahil hindi na ako makapaghintay na maging mag-asawa na kami. Lahat iyon, nararamdaman ko.

Halos dalawang buwan namin to pinaghandaan, medyo nagka-delay kase because of our hectic schedules. Pero come to think of it, I've been preparing for this all my life. Buong buhay ko, ka-abang abang para sa akin ang wedding day ko. And today, it's finally here.

Lumabas na kami ni daddy sa kotse at naghintay sa labas ng simbahan. Pag nagsimula na ang music, saglit lang ay bubukas na din ang mga pintuan ng simbahan and I will be walking down the aisle in my wedding dress seeing Xian smiling at me.

"Are you ready, Kim?", tanong sa akin ni dad.

"I'm a little nervous, dad.", sagot ko sa kanya while putting my hand on his arm.

"There's nothing to be nervous about, anak. Today is your day. Isipin mo lang iyon.", tugon ni daddy while holding my hand with his other hand.

"Thanks, dad.", sabi ko.

"Alam mo, anak, everything went so fast. Parang kahapon lang, you were the little girl riding on my back for a piggy back ride. Parang kahapon lang, you were the little girl crying over a missing barbie doll. Parang kahapon lang, you were the little girl asking her daddy to carry her around. Ang bilis ng panahon, anak. And I'm very sorry sa lahat ng shortcomings ko. I know, as a father, na marami akong pagkukulang sa iyo. Atleast now, I'm assured na hindi magiging ganoon si Xian sayo. I know how much he loves you, anak. Mahal na mahal ka niya na kinaya niyang maghintay.", pahayag ni daddy. Dito pa lang, naiiyak na ako, how much more when I'm inside?

"Dad, alam mo naman na kahit kasal na ako kay Xian, I will still always be your little girl.", panigurado ko sa tatay ko na medyo sentimental na din.

Napangiti ang daddy ko.

"I know, anak.", sagot ni dad, this time, nakikita ko na ang mga luha na handa ng bumagsak.

"I love you, papa.", sabi ko sa kanya.

"I love you too, Kim.", tugon ni dad.

And with that, nagsimula na ang mga wedding bells and the music played in preparation for me to walk down the aisle. Maya-maya lang, bumukas ang malalaking pintuan ng simbahan, revealing the red-carpeted aisle with petals of pink roses.

Humigpit ang pagkahawak ko sa braso ni daddy. All the emotion is getting to me. Parang humihina na ang mga tuhod ko sa kaba. But I managed to smile with tears of joy. Nandoon ang mga magulang namin na talagang sentimental, siguro mahirap i-accept na malalaki na kami at ikakasal na at soon, magkakasariling pamilya. Nandoon yung mga kaibigan namin na naging witness ng pagmamahal namin ni Xian, in both good and bad. Nandoon yung mga ibang guests na hindi ko naman talaga kilala, pero invited by our other guests. Nandoon yung mga pulis na hiniram namin ni Xian, just in case something dangerous happens, handa kami. Nandoon yung pari na handang i-seal ang vows namin ng future-spouse ko. At nandoon si Xian, ang lalaking pangalawa kong pinakamamahal (first pa din si daddy). At doon lumaki ang ngiti niya. It was him. It was both of us. We were happy. This is why I fell in love with him.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon