Chapter 19- His Last Day

2.7K 18 4
                                    

Kim's Point of View

This is my last chance. Last day na ni Xian dito sa Pilipinas, bukas aalis na din siya. Ang lungkot ko. Para akong matatanggalan ng puso. Ganoon siguro kung mahal na mahal mo yung tao. Kung umalis kaya si Xian, magiging sigurado pa ako? Sigurado na siya ang mahal ko? Kase feeling ko iiwanan niya ako dahil sa totoo, hindi niya ako mahal. Although alam ko na ang tatay niya ang rason, hindi ko matanggap, at hindi ko iyon masabi sa kanya. May tinatago kaya ang bestfriend kong to?

Alam kong wala akong karapatan na magdemand dahil bestfriend lang niya ako. Alam kong sinabi niya sa akin na mahal niya ako, at sa totoo lang, ngayon, I'm thinking twice about his love for me. Sinabi sa akin ni Xian na ako ang rason kung bakit wala pa siyang girlfriend. So ibig sabihin noon, ako ang gusto niyang maging girlfriend, diba? Pero ba't ayaw niyang sagutin ko siya? Tinanong ko naman siya kung posible ba na magkarelasyon kami, ang sabi niya naman, mahal niya ako, pero wag daw muna. Gusto niya, pag naging kami, nandito siya para sa akin. May point nga naman siya.

Alam kong napaka-selfish ko. Kase sabi ni Xian, sinabi na niya sa akin lahat ng dapat niyang sabihin. Nakita ko naman ang sincerity niya nung sinabi niya iyon. Sinabi niya sa akin lahat ng kailangan niyang ipaliwanag, iexplain, basta lahat-lahat. Nung nagkuwentuhan kami, napa-isip ako. Guilty ako. Hindi ako naging fair sa kanya. Hindi ako nag-open up. Hindi ko nasabi sa kanya na nanliligaw sa akin si Gerald. Effort naman ang binibigay niya, kaso wala ng talab, kase si Xian na nga ang nilalaman ng puso ko. At ang totoo? Hindi talaga gusto ni Robbie si Toni, sabi kase ni Robbie, ginawa niyang cover-up si Toni para hindi mapansin ng iba na ako talaga ang gusto niya. Sabi pa niya naiinggit daw siya kay Xian, sana daw naging mag-bestfriend kami para ganoon din ang trato ko sa kanya. Naawa ako kay Robbie, dahil kinaya niya iyon. Alam kong mabuting tao si Robbie, pero hindi ko siya kayang paglaruan, dahil may mahal na akong iba- si Xian. Mas naaawa naman ako kay Toni, dahil all this time, akala niyang siya ang apple-of-the-eye ni Robbie, pero ako pala. Doon ko narealize kung bakit ako ang tinutulungan niya sa lab, hindi yung research partner niya, na minsan nagpapahuli siya sa library para maka-usap lang ako, mga ganoong bagay.

Anyway, wag ko munang isipin iyon, kailangan kong magready. May dinner kase kami mamaya sa bahay nila Xian, final blow nga daw sabi ni Tita Menchu. Mga 5:00pm kami susunduin ni Xian, umaga pa naman kaya okay lang. Ihahanda ko na lang ang mga gifts ko para sa kanya. Hindi ko makakasama si Xian ngayon dahil may farewell party pa siya kasama yung mga relatives niya, ayaw ko namang sumama dahil alam kong family dapat iyon diba, hindi naman ako manggugulo.

Xian's Point of View

Nakaready na ang bahay, kanina pang 8:00am. Ngayon, 9:00am na, siguradong pa dating na ang mga iyon. Habang naghihintay, itext ko muna si Kim.

To: Kim

Hey, I already miss you! I'll pick you up at around 5:30pm later, is that okay?

From: Xian

Nagreply naman siya agad.

To: Xian

Ang bilis naman, miss mo na ako? Haha! Akala ko 5:00pm?

From Kim

Ako naman, agad-agad pag dating kay Kim at sa cellphone.

To: Kim

Sabi kase ni mommy, ayaw niya kayong paghintayin ng matagal para kumain. So, okay lang ba na 5:30pm?

From: Xian

Pumayag naman siya. So mamayang 5:30pm ko na sila susunduin.

Nag-ring na ang doorbell. Visitors. Nandiyan na sila. Binuksan ko na ang pintuan. Pinapasok ko lahat ng kamag-anak ko.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Where stories live. Discover now