Chapter 3- Jealousy

3.8K 29 2
                                    

Pagdating ng umaga, maagang nagising si Kim, naunahan pa niya ang alarm clock niya. 5:30am sila nagigising ni Kathryn kahit na 8:00am ang oras ng pasukan nila. Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. Nakita niya na naghahanda na ng pagkain si Ate Aira, ang katulong nila sa bahay. Dumiretso si Kim sa kuwarto ni Kathryn at ginising ito.

"Kathryn, gising na. Uy, Kathryn!", sabi ni Kim.

"Teka lang ate, five minutes lang.", sagot ni Kathryn.

"Anong five minutes? Bumangon ka na nga diyan!"

"Ok, ate. Babangon na. Maliligo na.", sabi ni Kathryn.

Umalis na si Kim sa kuwarto ni Kathryn para maghanda na rin sa school. Si Kathryn naman ay nagsimula na din sa paghanda. Halos sabay silang natapos. Bumaba na sila sa kusina na nakabihis at nakaligo na. Sinimulan na nilang kumain ng breakfast nila na pancakes at sausage. Pagkatapos, hinintay ng dalawang magkapatid ang kanilang tatay na maghanda para sa office dahil siya ang hahatid sa kanila.

Sa bahay naman nila Xian.

"Xian, anak, gumising ka na! Sabi mo 6:00am ka magiging! Eh, 6:35 na!.", sabi ni Mama Menchu.

"Ha? Eh, hindi pa naman nagriring ang alarm clock ko ah.", sabi ni Xian na nagsimula ng bumangon.

Papunta na si Xian sa kuwarto ni Daniel para gisingin ito. Pagpasok niya, nakita niya na wala sa kama si Daniel.

"Daniel?", malakas na sigaw ni Xian.

"O, Kuya Xian! Nandito na ako sa sala.", sagot ni Daniel.

Lumabas si Xian sa kuwarto at tumingin sa baba. Nakita niya na nakahanda na si Daniel at handa ng kumain ng breakfast.

"O, kuya, ngayon ka lang gumising? 6:40am na. Maligo ka na! Baka malate pa tayo sa school niyan.", sabi ni Daniel.

Binilisan naman ni Xian maghanda para sa school at bumaba agad para kumain ng breakfast. Kumain si Daniel at Xian ng mabilisan para hindi malate. Nagsipilyo sila pagkatapos at pumunta na sa kotse.

Pagdating ni Kim at Kathryn sa school, pumunta sila agad sa classroom.

Nakita ni Kathryn sa classroom si Julia. Tinabihan niya si Julia at kinausap.

"Hi, Julia! Good morning!", masayang sabi ni Kathryn.

"Hi, Kathryn!", sagot naman ni Julia.

"Uhm, ano bang pwedeng pag-usapan?", tanong ni Kathryn.

"Uy, alam mo, feeling ko, gustong gusto ka ni Daniel.", biro ni Julia.

"Huy, hindi no. Kayo nga diyan ni Daniel, palaging magkausap.", ganti ni Kathryn.

"Ha? Hindi no. Kaibigan ko lang siya.", sabi ni Kathryn.

"Ang dami niyo pang pinag-uusapan no. Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?", tanong ni Kathryn.

"Ah wala, may mga tinatanong lang siya tungkol sa klase at sa school.", sabi naman ni Julia.

"Ah, ganoon. Talaga lang ha.", sagot naman ni Kathryn.

Pagdating naman ni Kim sa classroom, umupo ulit siya sa inupuan niya kahapon. Tiningnan niya kung nandoon na si Enchong, pero wala pa siya. Bigla namang nagvibrate ang cellphone niya. Nakita niya na may text message siya. Binasa niya ito.

To: Kim

Baka malate ako ngayon, late kasi dumating yung driver. Pero siguradong pupunta ako sa klase. Hintayin mo lang :)

From: Enchong

Sa isipan naman ni Kim. Buti naman pupunta na siya sa klase.

Biglang tumabi ulit sa kanya si Gerald. Kinulit-kulit muna siya.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Where stories live. Discover now