Chapter 20- She Interferes

2.6K 16 5
                                    

HEY GUYS! SORRY FOR NOT UPDATING SO LONG. BUSY KASE AKO, LALO NA SA SCHOOL. MARAMI KASE AKONG RESPONSIBILITIES. PERO NASULAT KO NA ANG CHAPTER 20! SANA MAGUSTUHAN NIYO TO. ANYWAY, TELL ME WHAT YOU GUYS THINK, OKAY? READ, COMMENT, AND BE A FAN :)) THANKS, GUYS!

Kim's Point of View

Hay, miss ko na si Xian. Sabi niya hapon na raw siya makakarating doon. Isang araw daw ang biyahe niya, so bukas pa siya makakarating doon. Anyway, sinabi ko naman sa barkada na samahan ako sa outreach program ng youth group na sinalihan namin, kaso lang, marami sa kanila, may mga plano na. Lahat sila pupunta muna sa ibang bansa para magbakasyon muna. Ako naman, hindi nakapagbook ng flight ko kaya hindi ako makakasama, besides, sabi ni papa, habang bakasyon, dapat daw matutunan kong ihandle ang business. Kaya next week, ako ang maghahandle ng Yellow Cab sa mall. Anyway, atleast sasamahan ako ni Robbie. Hindi din siya nakapagbook ng flight kaya hindi rin siya nakasama. Mamayang 10:00am, nandito na iyon sa bahay para sunduin ako. 8:30am na, kailangan ko ng maghanda.

Naghanda na nga ako, at pag tingin ko sa baba, kausap na ni Robbie si Kathryn habang nanunuod sila ng TV. Ngayon, hindi na si Xian ang naghihintay sa akin sa sofa, iba na. Paano ko kaya makakaya iyon? Na iba-ibang tao ang maghihintay doon sa sofa para sa akin. Dati kase, pag tingin ko sa baba, si Xian na ang nandoon. Ngayon, hindi na. Hindi ko naman ipinagpapalit si Xian, pero ano ba ang magagawa ko? Wala nga siya dito diba? Paano na ako niyan? Hay nako.lumalabas na ang galit ko kay Xian dahil nga iniwan niya ako dito mag-isa. Xian, sana totoo nga ang mga sinabi mo. Sana nga mahal mo ako. Alam kong kaya kitang hintayin, pero ako, mahihintay mo ba?

Bumaba na ako sa sala.

"Hi, Robbie.", sabi ko.

"Oh, Kim. You're ready?", tanong niya.

"Yeah, ready na ako.", sagot ko kay Robbie.

"Let's go?", tanong niya.

"Tara!", tugon ko.

Nagpaalam na ako kay nanay at kay Kathryn at umalis na kami.

Pumunta na kami sa orphanage. Doon kase kaming lahat magkikita-kita. Sumali ako sa youth group na ito dahil gusto ko naman makatulong sa mga taong naghihirap. Kawawa naman sila. Hindi sila nakakakain ng Mcdo o ice cream man lang. Kaya ngayon, mararanasan nila iyon. Kasali kase ang Selecta at Mcdo sa mga sponsors namin, kaya matitikman na rin nila iyon.

Nakarating na kami doon at 11:00am. Nagsimula na ang outreach program. Kami ni Robbie ang nagturo ng dance steps sa mga bata. Ang saya talagang tumulong sa mga kapwa Pilipino na naghihirap. Nakikita ko din naman sa mga mukha nila na masaya sila. Kahit mga laruan na give-away, gustong-gusto nila. Nakakakatuwa. Nagbigay din ang Yellow Cab at Dairy Queen ng donation sa orphanage. Nabigay si papa ng 200,000 pesos para sa kanila.

Marami pang mga presentations. May kantahan, sayawan, drawing contest, at marami pang iba. Marami din sa mga youth group members ang nagvolunteer na tumulong sa mga bata, kaya naman marami kaming nagawa.

Nakarating na ako sa bahay ng 6:00pm. Hinatid ako ni Robbie. Atleast kahit wala si Xian, meron pa rin akong mga kaibigan. Pasalamat nga ako na kaibigan ko pa rin si Maja, Enchong, at Robbie eh. Sila ang mga close friends ko. Kasama doon si Xian, kaso wala siya dito ngayon. Dibale, sabi niya naman babalik siya diba? Iyon na lang ang hihintayin ko.

Maya-maya, tumawag sa akin si Celine. Alam ko na pareho ang flight nila ni Xian, kaya nagulat ako.

"Hello? Celine?", tanong ko.

"Hi, Kim. Nasa Hong Kong stop over na kami. Mamaya aalis na kami papuntang America.", sabi ni Celine.

"Mabuti naman. Oh, ikaw ah, alagaan mo ang sarili mo diyan.", sagot ko.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Where stories live. Discover now