Chapter 18- Graduation and Farewell Party

3K 24 9
                                    

Kim's Point of View

Ngayon na ang hinihintay kong araw sa buong highschool life ko. Ngayon na ang graduation ko. Ang saya ko, parang hindi talaga matatanggal ang ngiti sa mukha ko. Pero, malungkot din pala, ibig sabihin, dalawang araw nalang bago umalis si Xian, bestfriend ko. Higit pa siya sa bestfriend, actually, kase mahal ko siya. Siya na yata ang taong ayaw ko talagang mawala sa buhay ko. Sinabi niya nga sa akin na mahal niya ako, at alam niya naman na mahal ko rin siya, kaya ang sabi ko, maghihintay ako para sa kanya, sa pagbalik niya. Alam kong marami kaming pagdadaanan pag-alis niya, siguro magkakaroon ako ng mga manliligaw, siguro magkakagusto siya sa bagong babae, pero kung meant to be talaga kami, ede kami talaga pag dating sa huli. Ngayon pa nga lang eh marami na akong manliligaw, kaso ayaw ko pa. Siyempre, isang dahilan si Xian, pero isa na rin ang pag-aaral ko, ayaw ko madistract. Ayaw kong sabihin na mahihirapan kami ni Xian, pero ganoon ang buhay diba? Hindi naman palaging masaya. Sa mangyayari, gusto ko nalang maghintay para sa kanya. Aaminin ko, umaasa ako, pero umaasa din naman siya. Naghihintay lang kami para sa isa't isa. Naniniwala ako sa kasabihan na "True Love Waits", at sana, siya na nga ang true love ko.

Tinuntulungan ako ni Celine ayusin ang sarili ko. Magaling kase siya pagdating sa beautifying, yun ang habit niya. Kinulot na niya ang buhok ko, bagay daw kase sa akin. Sinuot ko na ang white dress na bigay sa akin ni mommy at daddy para sa graduation ko. Sinuot ko na rin ang 3 inch white heels ko. Tinernohan ko ng danggling earrings na bigay ni Celine sa akin galing sa America. Gusto niya picture-perfect daw. Nilagay ko na sa kotse kagabi ang mga graduation gifts ko para sa mga kaibigan ko, siyempre si Xian, Maja, Matteo, Enchong, Erich, Toni, at Robbie. Last time na namin together, eto na rin ang mga remembrance ko para sa kanila. Talagang for real na to. Talagang maghihiwalay na kami. Dibale, hindi naman lahat. Mag-aaral pa naman ako sa Ateneo, pati si Enchong, Maja, at Robbie. Atleast, may friends pa ako. Pati yata si Sarah at Gerald, dito pa rin. Ang pinakamalungkot na pag-iisipan ko ang pagkakahiwalay namin ni Xian, pupunta siya sa kabilang parte ng mundo. Sabi niya naman sa kanta, love has no distance, kaya kakayanin namin to. Pero napapa-isip din ako minsan, paano kung hindi kami magkakatuluyan? Paano kung laro-laro lang to para kay Xian? Gusto kong isipin na seryoso si Xian sa akin. Kaya niya ba akong saktan? Paano kung dare lang, or sinabihan lang siya na gawin niya yun?

10:00am ang start ng graduation, pero siyempre dapat nandoon ako ng mas maaga para makapagkuwentuhan pa, mag-picture, alam mo na. Kailangan namin umalis ng 9:10am, para nandoon na ako at 9:30am. 9:00am na at nakaready na kami ni Celine. Si Kathryn, nag-aayos pa. Si mama at papa, nasan na ba sila? Hindi pa ba sila nakahanda? Pumasok ako sa kuwarto ng mga magulang ko.

"Ma, Pa, paki bilisan naman po. Dapat umalis tayo ng 9:10am para nandoon na ako at 9:30am.", sabi ko.

"Anak, saglit nalang to. Aayusin ko lang ang buhok ko, nakaready naman na ang papa mo eh.", sagot ni nanay.

"Sige po.", sabi ko at nakita kong tapos na si nanay sa pag-aayos.

"Anak, para to sa iyo.", sabi sa akin ni nanay, sabay abot sa akin ng maliit na box.

"Ano po ito, nay?", tanong ko habang binubuksan. Isa itong silver bracelet. Ang ganda, alam kong kay nanay ito eh.

"Silver bracelet iyan, anak. Iyan ang paborito kong bracelet, para siyang lucky charm. Bigay din sa akin iyan ng lola mo nung nag-graduate ako sa highschool, kaya ngayon, binibigay ko na siya sa iyo.", sabi ni nanay at kinuha na ang bracelet at sinuot sa akin.

"Salamat po, nay. Ang ganda po niya.", sabi ko at niyakap si nanay.

Natapos na silang lahat magready at naka-alis na kami ng bahay at 9:10am.

Xian's Point of View

Sinabi ko naman kay mommy na dapat maaga akong makapunta sa hotel kung saan gaganapin ang graduation namin. Alam niya naman na may special performance ako para sa classmates ko. Maaga talaga kaming nagprepare. Sinigurado ko na nasa kotse na rin lahat ng gifts ko para sa barkada, lalo na yung kay Kim. Ang sarap ng feeling na mag-gragraduate ka na, kaya lang may halong lungkot dahil sa malapit kong pag-aalis.

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum