Chapter 10- Pay back

2.8K 23 3
                                    

Kim's Point of View

Nandito na kami sa bahay ni Kathryn, hinatid kami ni Xian at Daniel. Ang saya din pala ng prom. Ano kaya ang nangyari kung hindi ako pumunta sa prom? Siguro nandito lang ako sa bahay na nag-aaral. Ang laki rin ng utang ko kay Xian dahil tinulungan niya akong tapusin ang mga projects ko para lang makapunta sa prom. Talagang pumupunta siya sa bahay pagkatapos ng klase hanggang gabi para lang tulungan ako, kailangan ko bumawi sa kanya. Bukas, Sabado naman, siguro hindi naman siya busy, yayain ko kaya siyang lumabas?

May kumatok sa pinto ng kuwarto ko.

"Sino yan?", tanong ko.

"Ate, si Kathryn to.", sagot ni Kathryn.

"Pasok ka, Kathryn.", sabi ko.

Pumasok na si Kathryn sa kuwarto ko.

"Ate, ang saya pala ng prom no?", sabi ni Kathryn na umupo sa kama ko.

"Oo nga eh.", sagot ko.

"Ate, kamusta na kayo ni Kuya Xian?".

"Okay lang kami.".

"Ate, ang sweet niya naman. Kinantahan ka pa niya. Ate, ano nga ba talaga ang nangyari sa inyo ni Ate Sarah kanina at galit na galit siya sa iyo?", tanong ni Kathryn sa akin.

"Sabi niya sa akin, hindi daw ako gusto ni Gerald. Eh kahit kailan hindi ko naman yun sinabi, at hindi ako nag-assume.", sabi ko kay Kathryn.

"Eh, Ate Kim, paano niya ba yun nasabi?", tanong ni Kathryn.

"Kase una akong tinanong ni Gerald na maging partner niya sa prom, pero hindi ako pumayag kasi dapat, tatapusin ko yung mga projects ko. Nung sinabi ko kay Gerald na hindi ako pupunta, tinanong na niya si Sarah. Kaya yun.", sagot ko ulit kay Kathryn.

"Grabe naman siya umasta. Dibale, Ate. Kalimutan mo na yun."

"Oo nga. Eh ikaw? Kamusta naman yung prom mo with Daniel?", biro ko kay Kathryn.

"Alam mo, Ate, ewan ko din sa mokong na iyon.", sabi ni Kathryn.

"Bakit naman?".

"Kanina lahat ng mga tao sumasayaw. Kami lang yata ang hindi sumayaw, hindi daw kasi siya marunong. Tapos, bilang kapalit, lumabas kami ng hotel. Kinuha niya yung gitara ni Kuya Xian sa kotse tapos kinantahan niya ako ng original composition daw niya. Ayun, ewan ko ba sa kanya, purkit pumayag ako na maging bestfriend niya, hindi naman ibig sabihin pwedeng ganun-ganunan nalang diba?", sabi ni Kathryn na medyo galit.

"Alam mo, talaga yatang sweet ang pamilya nila.", biro ko.

"Ate, ano ba?", ganti ng kapatid ko.

"If I know, nagustuhan mo rin ang paghaharana niya sa iyo.", sabi ko naman.

"Well, maganda yung kanta. Pero kahit na, gusto niya si Julia eh, siyempre hindi ko kakayanin na saktan si Julia, diba?".

"Gusto niya si Julia?", tanong ko.

"Oo, Ate. Halata ba? Palagi silang magkasama noon. At kahit bestfriend ang tawag namin sa isa't isa, hindi pa kami kasing close niyo ni Kuya Xian noh."

"Ano ba yung title nung kanta?"

"Hinahanap-Hanap Kita.", sagot niya.

"Naks. Title pa lang, mukhang maganda na ah.", sabi ko.

"Ate, tigilan mo na nga ako. So, nakakakuwento na ako sa iyo, kuwentuhan mo naman ako tungkol sa inyo ni Kuya Xian.", excited na sabi nitong kapatid ko.

"Ayun. Hindi ko na nga rin alam eh. Napaka-sweet niya minsan, na hindi naman yata ginagawa ng mga normal na mag-bestfriend.", sabi ko.

"Like what?"

Ang Sinisigaw ng Puso (KimXi)Where stories live. Discover now