#38

58 6 4
                                    

Jeremie's POV


"How are you so sure na hindi magagalit sa akin si Sheen?" seryoso 'kong sabi sa kaibigan niya, they're inviting me to her 18th birthday as last dance.



"I know her Sir, mahal ka pa 'non!" pampalubag loob naman ng isa ko 'pang estudyante.



Mahal pala huh?



"Okay, I agree. Just send me the time, date, location and theme." agad akong tumayo at tinawag ang waiter para tanungin kung magkano ang nagastos namin.



"Thank you, Sir!"



"Welcome,"



I just can't imagine.. Me and Sheen are having a relationship for real!? Siguro ito na ang last chance ko, at hinding hindi ko na sasayangin. Can't wait to be with her for the rest of my life.



Sheen's POV



It's already 8 AM when I woke up. As usual, wala ni-isa sa amin ang kumilos para pumunta sa beach. "Tara na kasi," singhal ko pa atsaka sila pinagsisipa pababa sa kama.



Tulog-mantika talaga sila kahit kailan.



"Mamaya nalang, 'di naman aalis yung tubig diyan."




"Kapag 'yan umalis, sasampalin kita Ayenn." inaantok pa nilang sabi atsaka umayos sa pagkakahiga.



Mukhang wala akong magagawa kung hindi lumabas mag-isa. Agad akong naligo at nagsuot ng red bralette at white shorts. Nagtext na din naman ako kay Jeremie, nagpaalam na maglilibot lang sa labas at bibili ulit ng souvenir.




I even took a photo para i-send sakanya. Just in case na hanapin niya ako sa paligid.




"Kuya, how much is this?" I was asking the price of the bracelet. It looks cute, dolphins at waves ang nakapalibot doon. Bibili nalang ako ng dalawa, para couple kami.



"What the f!"



I stopped from looking souvenir when someone snatched my ice cream! Napaka-walang modo! Puwede ko naman siyang bigyan ng pera pamibili eh!




"Ikaw?!" pagkalingon ko sa likod, habang kinakagat ang apa.




"Ako?" inosenteng sabi naman niya atsaka pinagnasahan ang ice cream. "What the hell--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila ko siya palapit sa'kin.





"What. The. Hell. Are. You. Doing. Here. Isaiah?" kulang nalang at pasabugin ko siya dito ng granada dahil sa sobrang inis. Napasapo tuloy ako sa noo ko ng pumasok sa isip ko na nandito pala si Jeremie.




"Im here... For work? Duh!" depensa naman niya saka tuluyang inubos ang ice cream ko.




I have no choice but to deal with him. Manhid ba siya? Hindi ba niya gets mga inaasta ni Jeremie kapang nandito siya sa tabi ko?





"I am meeting some clients, it's my free day. Come with me, I'll treat you." nagdadalawang-isip pa ako kung sasama sa offer niya. Well, he's not somehow stranger to me. Pipilitin ko nalang na hindi sila magkita.





I helped him to pick some souvenirs for his co-workers. "Bibigyan ko pa ba yung epal namin na kasama?" he asked out of nowhere.





"You mean bida-bida?" he nodded then picked a necklace with surfboard pendant. "Bagay sayo 'to, eto nalang souvenir ko para sayo." agad naman niyan sinuot sa'kin, without asking my permission.





Truth in your Eyes (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt