#23

77 8 3
                                    

"Jeremie?" nagtatakang tanong ko habang papalapit sakanya sa mga halaman na nasa tapat ng unit ko.



He was wearing navy-blue polo and black shorts with sneakers. Busy pa din siyang nagdidilig at nung makalapit ako sakanya, doon pa lang siya tumayo at inayos ang sarili.




"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis, nakakahiya. Nilagay naman niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng shorts niya saka tumingin muna sa'kin ng ilang segundo.




Nakaramdam naman ako ng pagka-ilang at agad akong umiwas ng tingin sakanya. "Palagi mo 'bang dinidiligan ang mga 'to?" tanong niya sa'kin saka tumingin sa mga halaman na nakadisplay sa tapat ng unit ko.




Ano 'bang pake niya? Atsaka, bakit sa'kin napunta ang tanong? Hindi niya pa sinasagot ang tanong ko! "Every morning," sagot ko naman sakanya saka umirap.



"Dapat dalawang beses mo silang dinidiligan sayang naman bina-- nevermind," sagot naman niya sa'kin saka umupo ulit para tignan ang mga halaman isa-isa. Buset! Bakit mas alam niya pa sa'kin kung kailan ko gustong diligan?



"Ano nga ulit 'yung tanong mo?" tanong niya sa'kin saka tumayo at itinabi ang maliit na balde na pinaglalagyan ko ng tubig.




"Bakit ka nandito?" tanong ko ulit, naiinis na talaga ako.



"Wala ka kasi nung nagcelebrate kami ng team mates mo noong Buwan ng Wika. Atsaka, may dinaanan din kasi ako na site malapit dito sa condo mo at sakto nakita kita na kagagaling mo lang sa labas kaya---" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil nagsalita na ako.




"Straight to the point," bara-bara ko sakanya saka tinanggal ang emosyon ng mukha ko. Para tuloy akong strict na teacher dahil sa inaakto ko.




"Fine. Lalabas tayo," maikli niyang sagot saka tumingin ng diretso sa mata ko. Ngayon, siya naman ang seryoso!



Lalabas? As in lalabas kasama siya? Nababaliw naba siya? Baka nakalimutan niya na hindi kami okay? Ilang minuto din akong natulala dahil sa sinabi niya.




"Busy ako," pagrarason ko saka binuksan ang pinto ng unit ko. Mabilis 'kong isinara ang pinto pero mas mabilis siya! Agad niyang hinarang ang braso niya dahilan para maipit.





"Tsk," napa-singhal siya ng maipit ang braso niya sa pintuan. Agad-agad ko namang binuksan ang pinto saka tinignan kung malala ba ang pagkaka-ipit.




"Hala! Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko saka pinisil-pisil ang braso niya dahil namumula na!




Dugdug-dugdug-dugdug.



Bigla akong nagising sa katotohanan ng maisip ko na hinahawakan ko na pala ang braso niya! Peste! Ang lawak na ng ngisi ni Jeremie ngayon.



Wala akong choice kung hindi papasukin siya sa loob ng condo ko. Kumuha din ako ng bimpo at yelo sa ref para may ipangdampi siya sa braso.



Mukhang isa lang ang putanginang paraan para makabawi ako sakanya ....


Wala akong choice kung hindi pumayag sa offer niya na lumabas kami!




D-diretso na sana ako sa kwarto para maligo pero tinawag niya ako. "Saan ka pupunta?" tanong niya habang dinadampi-dampi ang bimpo na may yelo sa braso niya.



"Diba sabi mo aalis tayo?" tanong ko sakanya pabalik, siya naman ngayon ang natuwa dahil sa sinabi ko.




Hindi ko na hinintay ang sagot niya at diretso akong naligo sa banyo. Medyo tinagalan ko din dahil baka mainip siya at umalis nalang bigla. Pagkalabas ko, namili muna ako ng susuotin 'kong damit.



Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now