#5

130 9 0
                                    

Sa sobrang dilim ng paligid, wala na talaga akong makita. Hindi ko na din alam kung ilang hagdan pa ba ang hahakbangan ko pababa. Nararamdaman ko sa sarili ko na last ko na 'tong tinutungtungan 'kong hagdan at sahig na ang kasunod.





Napasobra naman ang hakbang ko at hindi ko namalayan na may isa pa palang hagdan na aapakan! Shit! Nagpagulong-gulong ako sa sahig dahilan para magdulot ng malakas na kalampag sa sahig. Tangina ang sakit. Sobrang sakit ng likod pucha! Asan na ba kasi ang nagbabantay dito!? Bakit hindi man lang sindian 'yung ilaw?!




"Aray!" 'Yan nalang ang nasigaw ko matapos 'komg gumulong gulong sa sahig. Maya-maya pa biglang bumukas ang mga ilaw at tumambad sa harap ko si Jeremie nakatingin sa akin sa sahig.





"O-okay ka lang ba?" nagp-panic na tanong sa akin ni Jeremie habang ino-offer niya ang kamay niya. Naka blue t-shirt siya ngayon at black pants, nagpalit siguro siya ng damit para hindi ma-expose ang pagiging teacher niya at hindi na din siguro siya ma-issue sa mga estudyante niya.






Nakadapa pa din ako dito sa sahig at tinititigan lang siya. Kailangan ba talagang mangyari sa akin 'to?! Napakasama mo naman sa akin tadhana huhu. Agad akong tumayo at pinagpagan ang uniform ko. Hindi ko din hinawakan ang kamay niya bilang suporta sa pagtayo ko, baka bumalik pa ang nararamdaman ko chos.





"Yes, I'm fine" formal kong sagot sakanya at ngumiti pero deep inside sobrang sakit ng harapan ko isama mo pa ang tuhod at kamay ko pakshet! "Uhm shall we go?" tanong naman niya sa akin dahilan para mapunta ang atensyon ko sakanya. "Wait, ang sabi mo mag-uusap lang tayo" naguguluhang tanong ko sakanya.







Sabi ko na nga ba, hindi magandang ideya ang siputin ko siya baka kung anong gawin niya pa sa akin.





"Uhm gusto mo bang dito na lang tayo mag-usap? I'll treat you, sakay ka na sa kotse" sagot niya sa akin at dali-daling pumasok sa kotse. Seryoso ba siya? Wala akong time makipaglokohan ngayon lalo na't masakit talaga ang katawan ko.





Balak ko sanang umupo sa likod pero binuksan niya agad yung kabilang pintuan dahilan para doon na ako umupo. Sobrang lakas pa din ng kabog ng puso ko baka may mangyaring hindi maganda sa akin. Sawa na po ako maging marupok huhu baka bumigay pa ako.






Natauhan ako ng paandarin niya na yung kotse. "Saan mo gustong pumunta?" tanong niya sa akin habang inaabante yung kotse. Napaisip naman ako sa sinabi niya, hmm? Saan nga ba maganda pumunta? Teka! Bakit ba bumabalik ang dating ako? No Sheen! Hindi pwede! Bawal bumalik ang dating ako.





"Ewan ko." yan nalang ang nasagot saka tumingin sa bintana. Sobrang dilim na din at parang uulan pa yata. Shems! Wala pa man din akong dalang payong. "Okay, ako nalang pipili ng pupuntahan natin." sagot niya sa akin habang nakangiti at umalis na sa parking lot.





Ilang minuto din kaming natahimik dito sa loob. Kung contest lang ang pag-tahimik namin dito sigurado panalo na kame! Hindi din naman ako kinabahan sa mga direksyon na dinadaanan niya dahil pamilyar ang mga daan na 'to.





Binalak ko din na i-chat si Bley na 'kapag hindi ako nakapasok bukas, si Jeremie ang may kasalanan' pero parang ang oa ko naman yata at isa pa kilala ko si Jeremie. Hindi siya ganoong tao, malaki ang respeto niya sa mga babae at malaki din ang ano niya hehe.







malaki ang puso ano ka ba.







Hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako habang nasa biyahe. Bakit ganon? Ang komportable pa din ng pakiramdam ko sakanya? "Andito na tayo." sagot niya at tumingin naman ako sa paligid. Umuulan na at hindi ko din maaninag kung saan kami pumunta, tinignan ko ang orasan ko at 7:00 na ng gabi. Myghad anong oras kaya ako makakauwi neto?








Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now