#26

57 9 3
                                    

It's been a week, grabe! Parang isang taon akong hindi pumasok sa university!




Paano ba naman, sinunod talaga ni Bley ang utos ng nurse na one week akong magpahinga sa bahay! Ayan tuloy palagi silang nakabantay. As if mababalik naman yung oras para makasali ulit ako sa Sports Fest.





Parang first day ko ulit! Atsaka naninibago ako sa paligid, palagi kasi akong kinukulong nila Bley sa bahay. Nakakainis!




"Hi Sheen! Are you really okay?" tanong sa'kin ni Ms. Adams, ang dati naming prof. "Ah, opo!" masigasig 'kong sagot dahil close naman kami kahit papaano. So, kalat pala talaga sa buong university ang nangyari sa'kin?





"If you need something, lapitan mo lang ako sa faculty. Okay?" paninigurado naman niya, nakaisip tuloy ako ng kalokohan na sasabihin ko sakanya. Paalis na sana siya pero agad 'ko siyang tinawag, dahilan para lumingon siya sa akin.





"Ma'am!" sigaw ko ulit, saka lumapit sakanya. "Ano 'yon?" masaya niyang sagot pabalik saka inayos ang mga hawak niyang documents. "May kailangan po pala ako," pakunwareng nahihiya ako sa sinasabi ko.





Agad naman nanlaki ang mata niya, iniisip niya siguro na hindi ako nagdalawang-isip doon sa sinabi niya. "Ano ba 'yon? I'll do it for you." sagot naman niya, mukhang seryosong seryoso siya.





"Kailangan ko po yung....." pa-suspense 'kong sabi saka ngumiti. "Yung?" tanong naman niya saka tumingin sa akin ng diretso. Hala! Baka mapahiya ako dito kapag hindi siya tumawa.





"Kailangan ko po yung pagmamahal niya," natatawa 'kong sagot. Hindi naman ako nabigo, dahil natawa din siya sa hirit ko. "Pagmamahal niya ba kamo? Easy lang 'yan, Sir Jeremie!" natatawa pa din niyang sabi habang ako biglang nanigas dahil sa binanggit niyang pangalan.





dugdug-dugdug-dugdug.





Sir Jeremie? As in siya? May alam ba si Ma'am Adams? Hala! Baka pati sa mga profs namin umabot na ang usap-usapan? Nakakahiya! Kailangan ko na talagang magpa-transfer.





At bakit kay Jeremie siya hihingi ng pagmamahal? E, hindi naman siya ang tinutukoy ko? Naramdaman ko naman na papalapit na siya dito sa puwesto namin kaya nagsimula na akong magpanic.






"M-ma'am, bakit niyo po siya tina--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakalapit na si Jeremie sa amin.






Naka-black shirt siya at gray shorts na pang-basketball. May banda din ang noo niya para hindi bumaba ang buhok niya. Mukhang kakatapos lang ng practice nila dahil pawis na pawis siya.






"Bakit Ma'am?" hingal na hingal niyang tanong pero nam-maintain pa din niya ang pagiging gwapo. Napayuko nalang ako ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa, buti nalang at naka-school uniform ako ngayon.






"Ah kasi pina--" naputol agad ang sasabihin ni Ma'am Adams dahil sumabat na ako sa usapan nila. "Mauuna na po ako," nakayuko 'ko pa 'ding sagot saka ngumiti ng pilit.






"Akala ko ba kailangan mo ng pagmamahal niya? Sir Jeremie---" naputol na naman ang sasabihin niya dahil baka kung ano pa ang isipin ni Jeremie! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Pinagpapawisan na din ako sa sobrang kaba!  "Ah Ma'am biro lang po 'yun!" pambabawi ko pa saka tumawa.






Nakatitig lang sila sa'kin, tinitignan kung okay ba talaga ako dahil sa inaakto ko. Maya-maya pa tinuloy niya ulit ang sinasabi niya "Sir Jeremie, pinapabigay ni Mr. De Jesus ang mga documents na 'to. Kailangan daw para sa evaluation,"





Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now