#6

121 8 2
                                    





Kasalukuyan akong nagpapahinga ngayon sa kama ko. Iniisip kung totoo ba talaga ang mga nangyari kanina o sadyang malikot lang talaga ang isipan ko. Ilang beses na din akong nagpagulong-gulong sa higaan at pinilit na matulog pero pilit na bumabalik ang mga nangyari kanina sa isip ko.






Napatingin naman ako sa cellphone ko na nakapatong sa drawer. 3am na pala at hindi pa din ako nakakatulog. Inisip ko naman ng mabuti ang mga nangyari kanina at inaasahan na hindi sana ito maka-apekto sa akin para bukas






"If I'll start to pray and beg Jesus, will you choose to stay with me?" tanong niya sa akin na lalong nakapag-pabilis ng puso ko. Hindi ko na din napigilan ang mga luha at sakit na tinatago ko. Agad akong napatingin at sasagutin na sana ang tanong niya nang biglang bumukas ang pintuan at tinawag nito si Jeremie.




"Jeremie! Bro!" masayang sagot nito at dali-daling pumunta sa puwesto namin. Natauhan naman si Jeremie at agad na inasikaso ang tumawag sakanya. "Hey Bro, andito ka? Anong sadya mo?" nakangiting tanong niya sa kaibigan niya na para bang walang nangyaring eksena kanina.




Inayos ko naman din ang sarili ko at nagpaalam ulit na mag-cr. "Excuse me, magc-cr lang a-ako" mabilis kong pagpapa-alam saka tumalikod. Nakita ko naman sa peripheral view ko na nakatingin sa akin si Jeremie na para bang gusto niyang malaman yung isasagot ko.






Pagkarating ko sa comfort room hindi na nagdalawang-isip yung mata ko na bumigay. Tuloy tuloy na luha ang lumabas sa mga mata ko. Na para bang bumalik lahat ng sakit, lahat ng mga alibis niya sa akin dati. Ilang minuto din akong nasa cr para kahit papa-ano ay kumalma at umayos ang itsura ko. Pagkalabas ko, nakita 'kong nakaupo na sa table namin 'yung lalaki. He's wearing white polo and black pants. Kagaya ni Jeremie, gwapo din siya. Ang pinagkaiba lang nila ay masyadong jolly ang awra nung lalakeng 'yon kumpara kay Jeremie na palaging tinatago ang nararamdaman.





Lumapit na ako sakanila saka ngumiti, napatitig nalang ako sa table dahil may soju ng nakalapag hindi naman alam ni Jeremie ang gagawin niya dahil nasa eksena na ngayon ang lalakeng 'to. "Wait, is she-" hindi na natapos nung gwapong lalake ang sasabihin niya dahila sumabat agad si Jeremie. "Tristan, meet Sheen. She's my student." mabilis na sagot nito at tinignan pa ng maayos yung Tristan.






"Hi Sheen! I'm Tristan, close friend ni Jeremie" pagbati naman niya sa akin at sabay in-offer ang kamay niya. Ngumiti naman ako atsaka nakipag-shake hands sakanya. "I'm Sheen nice to meet you".





"So anong ginagawa niyo dito ng student mo?" tanong ni Tristan habang kumakain. Magkatabi sila ngayon ni Jeremie at ako naman ang nasa harap nila. Seryoso lang, ang awkward ng situation namin ngayon argh! "Well, napag-usapan lang naman yung mga upcoming activities and assignments para sa section nila" sagot niya atsaka sumubo ng pagkain.





Naiilang na talaga ako at gusto ko ng umuwi pero paano? Na sakanya pa din 'yung phone ko. Sa aking palagay ay Engineer 'tong si Tristan. Halata sa itsura niya at sa pananalita niya na Engineer ang trabaho niya. May kakilala pa kaya siyang ibang Engineer? Baka gusto niya ako pakilala? Chos.






Ilang oras din silang nag-kwentuhan habang ako naman ay tahimik na nakikinig sakanila at minsan ay ngumingiti. Madami din akong nalaman kay Jeremie nung time na hindi na kami nagkikita. Paano ba kasi, eh napakadaldal ng lalaking 'to. Some of his words are also related to Engineering, and I think my guess was correct. He was an engineer. Engineer na sobrang masayahin.






Truth in your Eyes (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ