#35

67 6 3
                                    

"Yaya, pakilagay nalang lahat ng gifts sa kuwarto ko." pag-uutos ko sakanila habang diretso akong kumuha ng tubig sa refrigerator. It's been three days simula noong na-surprise ako para sa 18th Birthday. Matagal-tagal pa naman ang klase, kaya dito muna ako.





Nang maipasok na nila lahat, agad akong dumiretso sa kuwarto ko. Excited na kasi akong buksan lahat ng mga regalo nila, especially the gift that he gave to me. Pero mamaya ko na bubuksan yung sakanya, para mas exciting. Hindi ko akalain na darating kami sa ganitong point ng buhay.





Inuna 'kong buksan ang mga regalo ng mga relatives at family ko. As usual, branded clothes, shoes, accessories and perfumes ang regalo nila. When it comes to fashion, ako kasi ang kilala nila bilang 'maarte'. Well, I don't care maybe they see me as maarte but for me that was my style-- my comfort zone.





Kanina ko pa pinag-iisipan kung ilalagay ko ba sila sa instagram story ko. Nakakaawa naman kung hindi ko ilalagay at pasasalamatan mga gifts nila sa'kin, baka sabihin nila masyado akong rude. Isahang pictures nalang lahat ng 'yon since family ko naman sila. Understood na naman siguro 'yon.




thankyou so much fam!!!! love y'all <3




'Yun nalang ang nalagay ko atsaka nagbukas na ulit ng ibang regalo. Grabe, para akong bata-- hindi ko alam kung ano ang uunahin sa sobrang dami. Bandang huli, binuksan ko nalang ang mga regalo ng old and new friends ko. Karamihan sakanila, hindi ko na gaano ka-close. Sino ba kasi ang mga nag-invite 'don, hindi naman kilala ni Mommy yung iba 'kong friends ko eh.







Most of their gifts are accessories and make-up kits. Dapat hindi na sila nag-abala, kakabili ko lang kasi ng make-up kit ko. Medyo matagal-tagal pa, bago ko magamit ang mga regalo nila. Like what I did kanina, nilagay ko sila sa ig story at minention ko pa isa-isa. Baka kasi magtampo sila kapag hindi ko nilagay ang mga names nila.






After that, nahagip ng mata ko ang regalo sa'kin ni Britney at Mike. I was a little bit disappointed kasi maliit lang siya na box. Kahit kailan talaga, napaka-kuripot ng dalawang 'to-- nakuha pa nilang maghati sa regalo na 'to.






Halos mabanas ako sa kakatanggal ng gift wrapper, sobrang kapal! After five minutes, doon ko palang nabuksan. Pambihira, kapag naman hindi ko nagustuhan 'to, ibabalik ko sakanila. "Oh my god!" sigaw ko pa nang makita ko ang regalo nila sa'kin.






I didn't expect this, sobrang tagal pa nito pero nagawan na nila agad ng paraan! Nakakuha sila ng VIP ticket sa concert ng BLACKPINK with backstage pass pa. Kinusot ko pa ng dalawang beses ang mata ko para malaman kung nanaginip ba ako, pero hindi! Shemay! Makikita ko sila ng malapitan and at the same time makakausap! Whaaa! The best gift ever!






Agad 'kong nilagay sa ig story ko atsaka minention sina Britney at Mike. Nilagay ko din ang buong story kung paano ko binuksan ang regalo nila.







Whaaa i didn't expect this. omg, im crying thankyou so much for this. at first, i was kinda disappointed to both of you-- paano ba naman kasi ang liit liit ng gift niyo tapos share pa kayo, pero this is enough. tinupad niyo pangarap ko. iloveyou mfs!!







Halos maiyak ako sa tuwa dahil sa natanggap ko sakanila. I can't believe na magagawan nila ng paraan para makakuha sila ng VIP ticket plus backstage pass. I'm so lucky to have them both, actually all of them!





Sinunod 'kong buksan ang regalo ni Bley. It was somehow heavy, may ginto ba 'to? Agad 'kong hinila iyon, papunta sa'kin. Manipis lang ang gift wrapper niya kaya agad 'kong nakita ang laman. Myghad! Mas lalo akong naiyak dahil sa nakita ko. Whaaaa! complete album ng BTS at TWICE simula debut nila!





Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now