#15

62 8 1
                                    

Jeremie's POV



"Wala ka bang masasakyan? Hatid na kita" pag-yaya ko sakanya habang nakasakay pa din ako sa sasakyan ko. She was still wearing her uniform-- P.E uniform.




Her face looks confuse, she was looking at the back. Sinisigurado niya yata na siya ang kausap ko. Nang masiguro niya na walang tao sa likod niya agad siyang humarap. "A-ako? No thanks, mag-aabang nalang ako ng jeep" sagot naman niya habang naka-ngiti at bumalik ulit sa pagc-cellphone.




Hanggang ngayon hindi pa din talaga siya nagbabago. Nothing changed from her. From her looks, styles and personality. Siyang-siya pa rin.



"Wala ng sasakyan na dumadaan dito papunta sa condo mo kapag ganitong oras" I tried to speak casual, but it seems like I was nervous. Kilala ko si Sheen, kunware lang 'yan pero deep-inside iniisip niya na kung lulunukin ba niya ang pride niya o maghihintay siya sa wala.





"I said no thanks" maikli na sagot niya atsaka lumipat ng pwesto, halatang nainis na sa akin.




Bumaba naman ako sa sasakyan para umorder ng coffee. Iniwan ko din na bukas ang 'yon, baka kasi mag-dalawang isip siya. "Two Latin Coffee please," pag-order ko atsaka umupo sa table na malapit sa counter.





Ilang minuto pa ay dumating na ang waiter at inilapag 'yon sa table. Agad ko namang kinuha atsaka lumabas sa stall. "Argh" mahinang bulong ko dahil umuulan na pala ngayon.





Tumakbo ako papunta sa kotse at agad pinaandar 'yon. Tumitingin din ako sa paligid kung nandoon pa ba si Sheen. Nakita ko naman siya sa gilid ng isang maliit na tindahan at nakasilong, inaakap pa ang sarili dahil nababasa.






Bumusina ako sabay baba ng bintana. "Get inside," utos ko sakanya at dali-dali naman niyang sinunod. Sa wakas at makaka-usap ko na din siya.






Pagkapasok niya ay agad ko siyang inabutan ng towel na galing sa backseat. "Here," sabay bigay ko sakanya ng towel. Agad naman niyang kinuha 'yon dahil basang-basa na siya.




Pinatay ko din ang aircon dahil panigurado lalamigin siya, baka ako pa ang sisihin niya sa huli. "S-salamat" nauutal niyang sabi atsaka nagpunas ulit. Ngumiti lang ako sakanya bilang sagot at tumingin ulit sa dinadaanan, masyado na kasing malakas ang ulan.





Bigla tuloy akong naka-isip ng paraan para makausap ko pa siya ng matagal. Agad 'kong hininto ang sasakyan atsaka umayos ng upo. "W-why did you stop?" tanong niya sa akin, halatang kinakabahan na siya.





"Masyado ng malakas ang ulan, hindi ko masyadong maaninag ang daan. Baka maaksidente tayo" pagrarason ko sakanya. Nararamdaman ko na naiinis na siya sa akin, kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti. Agad akong humarap sa bintana para hindi niya makita ang pagngiti ko.





"Fuck," bulong naman niya habang nagpupunas pa din ng ulo. "Ah, eh, ibabalik ko nalang sayo 'to sa lunes" pagsasalita naman niya. Napatingin na lang ako sakanya saka tumango bilang sagot. Natatawa pa din ako dahil ayaw na ayaw na talaga niya akong makasama.





"Coffee," turo ko sa kape atsaka lumingon sakanya. Nagulat pa yata siya dahil sa pagsasalita ko. "Ah, mamaya" sagot naman niya atsaka tumingin sa bag niya kung may nabasa ba sa ulan.




"King-ina naman oh, bakit ngayon pa" mahinang bulong niya, halatang ayaw niyang iparinig sa akin ang mga sinasabi niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pag-uusap na 'to. Matagal-tagal na kasi kaming hindi nag-uusap.




Truth in your Eyes (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora