#11

101 9 1
                                    

Andito kami ngayon sa restaurant na pagma-may ari ng parents ni Britney. Ang sabi namin ay maglalasing nalang kami pero hindi daw siya pinayagan kaya dito nalang kami sa restaurant nila.







Sikat na sikat ang restaurant nila dahil nanalo ito sa international cooking contest last year. Naging matunog ang restaurant nila pagdating sa iba't ibang specialty nila sa steak. Madami din naman silang naging customer dito na artista at ang iba naman ay sa ibang bansa.






"Di 'ko enjoy" pagmamaktol ko at sumandal sa upuan. Tahimik lang dito at parang nasa formal ka na meeting. "Ako din, hayaan niyo babawi ako next time" pagbawi naman ni Britney sa amin. Si Mike naman ay busy sa pagkain habang may ka-text sa cellphone niya.





"Kabastusan Mike" reklamo ko saka umirap ng tumingin siya sa akin.





"May lumalandi lang sa akin" pagmamayabang naman niya atsaka itinago na ang cellphone.




Nag-usap lang kami about sa mga future namin. Kung magkikita pa ba kami after 10years or what. Natawa naman sila sa sinabi ko na wag silang mag-alala dahil papadalhan ko sila ng pera pag nag-fail silang makamit ang pangarap nila. Pag sila ang nakakasama ko, palagi akong napapabuti. Ewan ko ba kung baket napapasama ako dahil kina Bley at Ayenn.





Mayroon din KTV ang restaurant nila sa second floor, exclusive lang daw 'yon sa mga VIP. Pumunta kami doon at kumanta ng kung anu-ano. Wala din naman nagbabawal sa amin kahit gaano kami kaingay since soundproof iyon.





Maingay na tawanan at sigawan lang ang maririnig mo sa amin, kung hindi kami nag-aasaran sa mga past ex namin ay nagpapa-soundtrip lang kami. Kung minsan naman ay naglalaro ng hep-hep hooray. Mag-mukha man kaming isip-bata pero nag-eenjoy ako dahil sila ang kasama ko.





Nag-suggest si Britney na kumuha daw kami ng kahit anong pagkain sa baba at sabihin namin na pinapautos niya. Anak naman siya ng may-ari ng restaurant na ito kaya sinulit na namin ni Mike. Aba patay gutom yata kami hahahaha.





Pababa na kami sa hagdan ng may maaninag ako na parang familiar sa akin. Nakatalikod siya, naka-white polo at slacks. May kausap din siya doon sa table nila habang sineserve ang order nilang pagkain.





Hindi ko talaga maalala kung saan ko nakita yung likod na yun pero familiar talaga. Dumiretso naman si Mike sa kitchen, siraulo talaga siya hindi man lang ako hinintay. Naiwan akong tulala dito sa baba ng hagdan. Ayaw maalis ng atensyon ko sa lalaking 'yon.





Dumiretso muna ako sa comfort room para ayusin yung sarili ko. Naka off-shoulder lang ako at mini-skirt. Aba, ang usapan kasi ay maglalasing at hindi magd-dinner. Naghilamos din ako at nag make-up ng light lang.






Pagkalabas ko, hinanap ko agad si Mike sa kitchen pero wala na daw siya doon. Nauna na daw siya at isusunod na lang daw nila ang mga pagkain. Sinabi ko din na magdala sila ng best-selling ice cream nila, hindi naman sila makatanggi dahil kaibigan ako ng may-ari nito hahahaha.





Pagkalabas ko ng kitchen, paalis na ang mga kausap nung lalakeng 'yun. Hindi ko pa din nakikita ang mukha niya, gwapo kaya siya? Siya yata ang magbabayad sa mga kinain nila kanina. Mayaman.





Maya-maya pa lumapit sakanya ang waitress at inabot ang bill. Nagbayad naman siya at saktong pupunta sa men's comfort room. Chance ko na 'to para makita ko ang mukha niya. Agad-agad akong bumalik sa women's comfort room atsaka inantay siyang pumasok sa kabila. Magkatabi lang ang comfort room ng babae at lalake dito kaya imposibleng hindi niya ako makikita.





Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now