#7

97 9 1
                                    

Ilang oras na akong nakatunganga dito sa sala habang nanonood ng k-drama. Hanggang ngayon hindi pa din ako mapakali dahil dun sa bouquet at basket ng prutas. Inisip ko naman ng mabuti kung kanino galing iyon.



Baka naman kila Bley 'to galing at balak nila akong pagtripan? Pero ang labo eh, hindi naman sila gagawa mg kalokohan lalo na't school hours. Ilang oras na din lang naman at uwian na namin niyan. Mas mabuti pa ay antayin ko nalang sila at sabihin sakanila ang nangyari kanina.





Ilang episodes pa ang tinapos ko at napag-isip isip ko na lumabas at pumunta sa grocery store para bumili ng kakainin namin mamaya. Tinext ko din sila na umuwi muna sila at kumuha ng gamit para bukas dahil dito kame matutulog at sabay-sabay kaming papasok bukas. Tuwang-tuwa na tumawag sa akin si Bley habang tumitili.

[ Are you sure diyan kami matutulog? ] tanong niya na para bang di siya makapaniwala. "Oo, kaya magdala na kayo ng gamit niyo na para hanggang bukas dahil magwawala tayo dito" masaya kong sagot sakanya at tumili-tili pa siya sa kabilang linya.




[ Okay, okay. Early dismissal daw mamaya. Sayang at wala ka dito, Andito na din pala ang teacher natin. Sige na see you later ] pagpapa-alam niya saka binaba ang linya. Nandito naman ako ngayon sa meat section at iniisip kung ano ang dapat 'kong bilhin.




Naisip ko sana na mag-barbeque na lang kame, pero sagabal 'yon dahil sa labas pa kami magluluto. Makaka-abala din kami sa mga kapit-bahay. Bandang huli ay bumili nalang ako ng drumsticks at mga coatings na barbeque, cheese at sour & cream para sa flavor nila. Bumili din ako ng apat na soju para masaya ang usapan namin mamaya kekeke.




Medyo late na ako nakauwi dahil sobrang dami ng mga bumibili sa grocery store. Agad ko namang sinimulan ang paghuhugas ng mga drumsticks at nilagay sa lalagyanan para ready-to-cook na pag dumating sila. Biglang nag-vibrate ang phone ko at lumabas ang notification sa ig.






@isaiahxx started to follow you.






Aba at tinotoo nga niya, finollow nga niya ako. Hindi ko naman pinansin ang notif na 'yon at nagpatuloy sa paghuhugas ng lulutuin namin mamaya. Napangiti nalang ako dahil pagnanasaan pala namin 'to ni Bley mamaya hihi.





Sa sobrang inip ko ay nilagyan ko na ng seasonings ang drumsticks at pinasok sa ref. Bumalik ako sa dining table at sinimulang i-stalk si @isaiahxx hindi naman ako nagkamali sa pagi-imagine sa itsura niya. Pakshet! Ang hot niya sa profile. Naka-red t-shirt siya at white shorts habang nakasandal sa kotse at nakatingin sa malayo. Naka-shades din siya kaya hindi ko makita yung mata. Moreno, matangos ang ilong, sexy body at kulay brown ang buhok.




Bigla akong napatingin sa kamay niya at napahawak ako bigla sa dibdib ko, myghad! Maugat! Bigla tuloy akong kinabahan sa naisip ko chos.








Kung titingnan mo ang profile niya, para siyang artista. Perfect na perfect ang figure niya pero bakit naghahanap siya sa omegle ng kausap at kaibigan? Bored lang ampeg?


Madami din naman siyang followers na kabaliktaran ng mga following niya. 20 lang ang nalalagay sa following niya at isa na ako doon! Myghad! Special ba ako sakanya? Ang assuming mo Sheen!




Hindi din naka-private ang account niya kaya makikita mo agad ang mga pictures niya doon. Mukhang hindi ko na mahihintay pa si Bley at ako na lang muna mag-isa haha.



Pinindot ko ang pinaka-latest na picture niya at omg 1,000,000 hearts? Ganto ba kalakas ang charisma niya? Wala siyang caption at tanging smile lang lang niya ang nagdala doon sa picture. Nakahiga siya sa damuhan at topless.




Truth in your Eyes (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora