Walang Physics ngayon kaya 11 ang pasok namin. Nakahiga pa din kami ngayon sa lapag. Ilang minuto din akong tulala bago ako bumangon. Tulog pa din si Bley at humihilik pa, habang si Ayenn naman ay nagluluto na ng agahan namin. Hanggang ngayon ay diko pa din nakakalimutan ang nangyari kagabi.







may ka-iloveyouhan si Ayenn sa cellphone kagabi.





Bumangon na ako at dumiretso sa kwarto ko para hilamusan ang sarili ko. Nagpalit din ako ng damit dahil kagabi pa 'yon. Nakaligo na din si Ayenn. Napaisip naman ako kung ano oras siya bumangon.




Pagkatapos kong maghilamos naabutan ko sa dining table si Bley na tulala. Sabog sabog din ang buhok niya at may muta pa. "Maghilamos ka nga, ang dugyot mo" pag-uutos ko sakanya at hindi pa din siya kumikibo. Lutang pa din ba siya?




Tapos ng magluto si Ayenn at inaayos ko na ang mga plato na gagamitin namin. "By the way Sheen, may assignment tayo sa Calculus. Kopyahin mo nalang mamaya kase wala ka naman kahapon nung nagdiscuss" pagsasalita ni Ayenn dahilan para mapangiti ako.




"Jinjja? Whaaaaa kamsahamnida!!" yan nalang ang nasabi ko atsaka umakap sakanya. Makikigroup-hug din sana si Bley pero agad kaming kumawala dahil hindi padin siya naghihilamos hanggang ngayon.




"Mga bastos!" asar na sabi ni Bley atsaka dumiretso sa banyo. Sabay naman kaming natawa ni Ayenn at nagpatuloy sa pag aayos sa dining table.





Katapos naming kumain ay gumayak na sila at inayos ang mga gamit nila. Habang ako naman ay busy sa pagkopya ng assignments ni Ayenn.




May mga familiar na solutions don pero halos hindi ko maintindihan ang iba. In-explain din naman sa akin ni Ayenn kung paano nakuha 'yon at binigyan pa ako ng mga examples kung paano is-solve incase daw na magtanong si Mr. Fuega kung bakit may assignment ako.




***

Almost 5 minutes nalang at mags-simula na ang klase at sakto lang kaming nakadating dahil wala pa ang prof namin. Naapakan kanina ni Aeron ang sapatos ko dahil sa kakamadali niya sa hallway. Kaupo ko ay agad akong kumuha ng tissue at sinimulang punasan ang sapatos ko, Lagot ka sa akin Aeron tignan mo!




Naramdaman ko namang bumukas ang pinto at tumayo na ang mga kaklase ko. Ang lakas ng impact ni Mr. Fuega sa mga classmates ko ah? Kinalabit din ako ni Bley na sign na tumayo din ako. Agad nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang nasa harap naming lahat






Si Tristan.







"Good Morning Class" formal na bati niya. At lahat sila ay bumati maliban sa akin na gulat na gulat pa din. Hindi ko pa din pala naik-kwento kila Bley ang nangyari sa pag-uusap namin ni Jeremie nung isang araw. Paano ba kasi puro tawanan lang ang inatupag namin.



Totoo nga ang sinabi nila, iba yung awra ng prof namin sa calculus. "Who's absent?" tanong neto. Wala namang sumagot ni-isa sa amin. Hala natatakot ba sila kay Tristan? Eh ang jolly ng lalake na yan eh. Bigla namang nagsalita si Coldeen, ang class mayor namin. "Sir, I think no one is absent today" confident niyang sagot atsaka umupo sa pwesto niya.



"Good. Bring out your assignments" sabi naman niya at agad agad sumunod ang mga kaklase ko. Nilabas ko na din ang assignment ko at pinasa sa nagc-collect.



Balak ko pa man din lapitan mamaya si Mr. Fuega dahil gusto kong mag-sorry dahil absent ako sa first day ng meeting namin sakanya. Pero bigla nalang umurong ang sarili ko. Dahil ba kakilala niya si Jeremie? "Sino yung absent kahapon?" tanong niya dahilan para mapapikit nalang ako sa hiya.






Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now