#13

68 8 0
                                    



"Sis dalian mo!" sigaw sa akin ni Bley habang nag-lalakad sa hallway dahil late na kami pumasok. "Kasalanan mo 'to e! Dapat saturday na lang tayo nag-puyat" paninisi ko sakanya atsaka umirap.


Sa oras na 'to, hindi na kami pwedeng mag-turuan dahil parehas na kaming late. "Okay so pag-tinanong tayo kung bakit late, ang sabihin natin may dinaanan tayong relatives mo sa hospital okay?" pag-bibitaw naman niya ng instructions sa akin.



Ayaw ko pa sanang pumayag dahil madadawit na naman ako, pero no choice ako dahil late din naman ako. Kami lang dalawa ni Bley ang late ngayon, hindi kasi sumama sa amin si Ayenn dahil busy na naman daw siya.



Pagka-bukas pa lang namin ng pinto, agad napunta sa amin ang tingin nila. Napahinto din si Jeremie sa pagdi-discuss. "Sorry we're late" panimula ni Bley, halos hindi sila kumurap dahil para kaming naka-gawa ng malaking kasalanan.


Nasa likod lang niya ako dahil wala akong skills na makipag-usap ng ganoon sa mga profs ko at classmates. Napatingin naman ako sa relo ko, shemay! 30 minutes late na pala kami sa subject niya!


"Any valid reason?" tanong naman ni Jeremie sa amin dahilan para kabahan ako. After two-months, makaka-usap ko na naman ba siya? Sana hindi. Naramdaman ko naman na siniko ako ni Bley dahilan para ako naman ang mag-salita.


"Ikaw na, nahihiya ako" bulong ko sakanya sabay tapik sa balikat niya. Wala din naman siyang nagawa dahil hindi na ulit ako kumibo. "Ahm Sir, yung relatives po kasi ni Sheen dinaanan namin sa hospital" mahinahon niyang sagot, halatang tinatago 'yung kaba.


"Take your seat" maikli niyang utos sa amin atsaka nag-patuloy sa pagdiscuss. Nang maka-upo kami, tahimik lang ako at hindi maka-kibo. What if itanong niya kila Mommy at Daddy kung sinong relatives namin ang nasa hospital? Pakshet, malaking-gulo ang pinasok ko kung mangyayari 'yon.



Lunchbreak ngayon at nandito kame sa canteen. Kaming dalawa lang ngayon ni Bley dahil hindi daw sasabay si Ayenn sa amin, busy na naman daw. "Ang busy naman palagi ni Ayenn" reklamo niya habang kumakain ng adobo.


Napa-tango nalang ako at sumubo ng kanin. Hindi na nakaka-panibago sa amin na kami lang dalawa, dahil ginagawa na 'to madalas ni Ayenn. Siguro ay bebe-time nila ngayon hahaha.


Naisip ko din na i-kwento ngayon kay Bley ang mga nalaman ko kay Ayenn kaso hindi pa siya fully-detailed at baka fakenews ang mai-pakalat ko! Sasabihin ko nalang sakanya kapag kilala ko na kung sino ang lalakeng 'yon.



Last-subject na namin ngayon at uwing-uwi na talaga ako! Hindi kasi kumpleto ang sleeping hours ko kaya pagkatapos ng lunchbreak ay lutang ako buong hapon. Wala 'rin nag-process sa utak ko kahit isa!


"Ms. Guevarra" pagtawag sa akin ni Ms. Ferrer dahilan para matauhan ako na nandito pa din pala ako sa loob ng classroom. Agad naman napunta sa akin ang atensyon nila. Baka iniisip na niyan ng mga kaklase ko na attention-seeker ako.


"Y-yes po Ma'am?" kinakabahan 'kong tanong dahil baka ipa-explain niya sa aking ang tinuro niya ngayon. Napatingin nalang ako sa mga kaklase ko dahil tinatawanan nila ako ngayon! May nakakatawa ba?

"Kanina ka pa nakatayo diyan, Is there any problem?" tanong ulit ni Ms. Ferrer sa akin. Tiningnan ko naman ang sarili ko at kanina pa pala ako nakatayo sa kina-uupuan ko! Ibig-sabihin habang iniisip ko ang uwian ay kanina pa ako nakatayo?! Myghad, anong ginagawa mo Sheen!


"Lutang yata siya Ma'am" side-comment naman ng isa 'kong classmate. Hanggang ngayon ay inaantay pa din nila ang response ko. Medyo natawa pa sila dahil sa reaction ng mukha ko. Para akong natatae dito.


Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now