#32

80 8 1
                                    

"Only group 4 got the correct answer," agad kaming napahiyaw ng malaman namin na tama ang sagot. Imbis kasi na magkaroon kami ng quiz, nag-suggest sila na gawin nalang quizbee. As of now, wala pa 'din kaming mali na sagot.




Nagpatuloy pa ang quizbee hanggang sa difficult round. Sa huli, kami ang highest at sumunod naman sina Coldeen. Sobrang dikit kasi ng laban at kinailangan pa namin magkaroon ng tie-breaker.




"Saan punta?" tanong naman nila Bley sa akin. Masama 'bang ayusin ang mga gamit? Kailan pa ba pinagbawal 'yon ha? "Sira, inaayos ko lang." sagot ko naman habang kinukuha ang cellphone at wallet ko sa bag.





"Himala?" gulat nilang tanong dahilan para tapunan ko silang dalawa nang masamang tingin. Masaya kaming lumabas at dumiretso agad sa canteen. Noong una, niyaya ko sila mag-milktea pero kailangan daw nilang magtipid. Duh? Silang dalawa magti-tipid? Kailan pa?






"Ayaw niyo talagang bumili?" tanong ko ulit sakanila. Ang panget naman kasi kung ako lang ang umiinom, sila hindi. Umiling naman sila bilang sagot at umupo doon sa pinaka-malapit na upuan. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ilibre silang dalawa.





"Oh!" galit-galitan 'kong sabi sakanila atsaka nilapag yung dalawang milktea. Agad naman nilang kinuha 'yon at ngumisi pa. Binuburaot lang yata nila ako eh! "Alam mo, kung hindi lang talaga kame nagtitipid para sa--" naputol ang sinasabi ni Ayenn dahil nagsalita si Bley.





"Nagtitipid kami kasi balak namin magpa-party after graduation," dahilan naman niya atsaka ngumiti kay Ayenn. Huh? Magtitipid para sa binabalak nilang party after graduation? Ang yaman yaman kaya ng mga magulang nila!





Sobrang bored ng kasunod na subjects, wala din naman kaming nagawa kaya nakinig nalang ako. Halos pumikit na ang mata ko dahil sa paraan ng pagtuturo ni Mrs. Ringor. Imagine, apat na manila paper at punong-puno ng sulat. Nakakahilo tuloy mag-take down notes dahil maliit pa ang pagkakasulat.





Pagkauwi ko ng bahay, balik sa dati ang routine ko. Wala na kasing panibago na event ang magaganap. Kinabukasan, maaga ang pasok namin, hindi rin ako gaanong makatulog dahil sa mga naganap this past few weeks. Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung ano ang nararamdaman ko.




"Who can give me a short recap of our discussion last meeting?" tanong naman sa amin ni Jeremie dahilan para matauhan ako. Ngayon nalang ulit siya nakapag-turo sa amin dahil puro events ang inaasikaso nila.




"Sir, wala na po akong matandaan. Puro kasi events ang ganap," sagot naman ni Aeron, agad nagtawanan ang mga kaklase ko. Totoo naman kasi, kahit ako wala na rin akong matandaan sa mga lessons namin.




"Sir mag-laro nalang tayo Basketball," reklamo naman nila saka tumawa ulit. Wala namang reaksyon doon si Jeremie at tinitingnan niya lang kami isa-isa. Kamusta na kaya siya noong iniwan ko siya doon sa party? Sana okay na siya kahit papa-ano, nako-konsensya kasi ako.




"Sir, bakit po kayo umuwi agad sa party niyo? tanong naman ni CJ at nagsimula na namang umingay ang classroom namin. So after namin mag-usap umuwi siya agad sa bahay niya? Mukhang nasaktan ko yata talaga siya ng todo.




"Sino yung mga consistent honor student dito?" tanong naman niya dahilan para kabahan ako. Although, marami naman kaming honor student pero iba talaga mag-isip mga kaklase ko.




Agad naman silang napatingin sa'kin, 'wag nilang sabihin na ako ang sa-- "Sir, si Sheen po." turo naman nila, walang-emosyon naman akong tumayo atsaka sinagot ang tanong niya.




Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now