Naiintindihan ko naman kong bakit siya naiinis. Ako rin naiinis din ako dahil sa ginawa niyang pag-takwil saamin ng hindi manlang kami inintindi. Pero masisisi ba namin siya?

Gusto niyang malaman ang nakaraan niya pero pinag-kakait namin iyon dahil ayaw naming malaman niya iyon...sa ngayon. Pero ang ipinag-tataka ko lang talaga ay kong bakit niya biglang tinanong ang bagay na iyon. Hindi naman siya ganiyan noon. Hindi siya nag-tatanong ng nakaraan niya dahil ang alam niya ay alam na niya ang buong nakaraan niy pero hindi. May kulang at may hindi tama sa nalalaman niyang nakaraan. May halong kasulingan ang mga nalalaman niyang nakaraan. Alam kong mahirap sa kaniyang ang sitwasyon niya ngayon pero sana ay intindihin niya muna kami kong bakit hindi muna namin sinasabi sa kaniya ang totoo.

"Basta-basta nalang siyang nag-bibitaw ng salita ng hindi niya pinag-iisipan! Ikaw kasi Dad! Masyado mong ini-ispoil ang bunso mong anak. Kong anong gusto niyang makuha agad mong bininigay kaya ayan! Natutong mabuhay ng nakukuha niya ang mga bagay ng walang kahirap-hirap! Argh! Bwisit!"inis na inis na wika ni Cassigy. Nagulat naman si Dad sa sinabi ni Cassigy sa kaniya kaya napakamot nalang ito ng ulo. Napailing-iling nalang ako.

"Malay ko ba'ng mag-tatanong siya ng ganiyan eh hindi naman nag-tatanong noon eh. Atska bakit ako lang pinag-bibintangan mo? Ayan din si Cavin oh. Over kong spoil sa kapatid mo. Sisihin mo din si Cavin,hindi 'yong ako lang"pang-dadamay naman saakin ni Dad kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.

Hehe. Malay ko ba din ba. Eh masaya akong nakikita si Sandra ng masaya eh, masisisi niyo ba ako? Atsaka hindi ko naman alam na mag-kakaganiyan si Sandra, ang pakiramdam ko ay may nag-sabi o kaya nag-kwento sa kaniya kaya siya naging interesado sa nakaraan niya. Kailangan kong malaman kong sino ito para matanong ko kong bakit at ano ang pakay niya sa kapatid ko. Pero bakit ako dinamay ni Dad eh pati naman si Cassigy noon ah.

"Maka-sisi ka parang hindi mo rin ini-spoil ang kapatid natin ha? Ako Cassi wag mo akong utakan. Alam kong mas marami kang naibigay kay Sandra na hindi naman niya hinihingi. Kaya wag kang mambintang saamin ni Dad!"pang-dadamay ko din sa kaniya kaya napakamot nalang siya sa ulo niya at ngumiti ng nahihiya.

Kahit kailan talaga. Anhilig mambintang ni Cassigy kahit siya naman ang pasimuno ng lahat. Napa-iling-iling nalang ako.

"Kasalanan pala nating tatlo eh!"sabay-sabay naming sigaw sa isa't isa kaya nag-katinginan nalang kami at tumawa.

Ewan ko ba bakit ganito kami. May problema na nga kami,may gana pa kaming tumawa. Itinakwil na nga kami ng kapatid namin,nagawa pa naming tumawa. Siguro ito rin 'yong kagandahan saaming pamilya dahil kahit na ang hirap-hirap ng problemang dumadating saamin,nagagawa pa'rin naming tumawa kahit na hirap na hirap na kami. Siguro kapag may-nakakita saaming ibang tao sasabihin nilang nababaliw na kami. Masaya ako at ganito ang takbo ng buhay namin. May problema mang dumating,nagagawa pa'rin naming tumawa ng sama-sama. Sayang nga lang at wala si Sandra ngayon...

"Hayaan niyo muna si Sandra na mapag-isa. Siguro kakausapin nalang natin siya kapag naging okay na ang lahat. Alam naman natin na mahirap ang sitwasyon niya ngayon dahil gulong-gulo na siya. Pabayaan niyo muna siya hanggang sa makapag-isip na siya ng matino. Alam kong nadala lang siya ng emosyon niya kaya niya iyon nasabi. Pero ngayon,problemahin na muna natin ang dapat problemahin. Kailangan nating mari-solba agad ito para hindi na lumala..."mahabang lintaya ni Dad kaya napatango kami.

Mag-hintay ka lang Sandra,maiintindihan mo rin ang dahilan kong bakit hindi muna namin sinabi sayo ang totoo....

"Sir! May masama po'ng balita! Ang Killer Clan,nag padala po ng sulat.."pag-uulat ng isang gwardya ng paaralan saamin. Hanggang ngayon ay andito pa'rin kami sa office ni Dad at nag-uusap sa kong anong magiging susunod na plano namin.

Agad namin itong kinuha at binasa.

'If you all want to see the younger sister of family Cateller. Come at the abandoned building,near at UL. Don't call a pulis or any kinds of officers or else, goodbye Sandra! Note:Clock is ticking.
Tik-tok.Tik-tok!'

Nakita ko'ng nanginginig ang mga kamay ni Cassigy dahil sa nabasa namin. Galit ako,sobrang galit dahil pati nakakababatang kapatid namin dinamay nila. Walangya talaga 'yang si Jared! Pag-babayarin niya ang ginawa niya! Kami ang kalaban niya pero iba ang dinadamay niya. Duwag siya! Napaka duwag niya! Humanda siya saakin dahil kapag may nakita akong isang galos sa katawan ni Sandra,hinding-hindi ko siya mapapatawad! Sisiguradohin kong pag-babayaran niya ang mga ginawa niya.

"Napakawalangya niya! Pati si Sandra dinadamay niya! Hinding-hindi ko siya mapapatawad kapag may nangyaring masama sa kaniya! Papatayin ko siya! Papatayin ko siya!"galit na galit na sigaw ni Cassigy.

Ramdam ko ang galit niya dahil pareho kami ng nararamdaman. Hinding-hindi namin siya mapapatawad. Humanda siya saamin. Dadaan muna siya saakin bago niya magalaw ang kapatid ko.

"Tara na! Pumunta na tayo doon bago niya pa magalaw ang kapatid ko. Sisiguradohin kong pag-babayaran niya ang mga ginawa niya"galit na turan ko.

Sumang-ayon naman sila. Dali-dali kaming tumayo at lumabas sa Office...

•Ariane's Point of View•

Hindi ko alam kong nasaan ako. Ang naaalala ko ay nasa labas ako ng Academy at bigla nalang may sumuntok siya tiyan ko at pinaamoy ako ng isang pabango na nag-pawala ng malay ko. Pag-kagising ko andito na ako. Andito ako sa isang napakadilim na kwarto. Hindi ko alam kong paano ako nakarating dito pero alam kong andito lang sa parte nito ang may pakana nito.

Hindi ako makagalaw ng maayos dahil naka-posas ang mga kamay ko at naka tali ang mga paa ko. Parang naulit lang ang nangyari saakin. Napadaing ako. Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alan pero kada madudukot ako sumasakit ang ulo ko. Minartilyo ba nila uli ako? O kaya pinukpok ng bato? Grabe ha, ang sakit ng ulo ko.

Sinubukan kong tumayo pero napaupo uli ako dahil hindi makayanan ng paa ko na suportahan ang katawan ko. Kailangan ko na ata'ng mag diet dahil bumibigat na ako. Napabaling ang tingin ko sa pintuan ng bigla itong bumukas at tumambad saakin ang isang armadong lalaki. Kulay itim lahat ng kaniyang suot at naka sungglases din siya. Napairap ako. Akala mo naman nasa beach para mag sunglass. Langya,feel na feel hindi naman gwapo. Bwisit naaalibadbaran ako sa panget niyang pag-mumukha. May pa suyod-suyod pa ng buhok. Feel na feel ng bobo panget naman. Hindi matcho, payatot nga lang na lalaki. Hindi rin gwapo,parang sinubsub sa tae ng kalabaw. Hindi rin naman katangkaran,parang hanggang balikat ko lang. Hindin naman malusog,sobrang payat na parang skeleton lang. Tapos,feeling gwapo,hindi naman gwapo. Tse!

"Hoy! Itigil mo nga 'yang ginagawa mo! Naaalibad-baran ako sayo. Feel na feel mo naman gwapo ka! Bakit gwapo ka ba?! Tse!"sigaw ko sa kaniya kaya natigil ang ginagawa niya. Tumingin naman siya saakin at dahan-dahan niyang tinanggal ang suot niyang sungglasess. Inirapan ko nalang siya.
Argh! Feel na feel na bobo! Napaka! Sarap niyang ingudngud na inidoro!

"Hey miss. What's your name? I'm Totong,your night and shining armor. Nice to meet you"nababaliw na wika nito.

Waaahh! Bakit ganito?! Dudukutin na nga ako pero panget pa! Bakit?! Nasaan ang hustisiya?! Sa mga movie na napapanood ko,kapag dinudukot sila,napaka gwapo ng mga lalaking dumudukot sa kanila pero bakit?! Bakit iba ata ang nangyari?! Asan ang hustisya para saakin?! Bakit?! Waaahhh! Ampangit niya!.

Ilayo niyo ako dito sa lalaking 'to! Masasapak ko na talaga siya! Grrr. Nakakagigil! Ang sarap niyang ingudngud sa inidoro! Waahhhh! Hindi ko na kaya! Hindi sa mapang-lait ako ha. Ampanget niya kasi! Nag-sasabi ako ng totoo,walang halong biroooo.

"Ano'ng kailangan niyo saakin?"pigil na inis ko'ng tanong. Kapag talaga hindi ako nakapag-pigil,sisirain ko mukha nito! Ampangit! Pweee!

"Itong kailangan namin sayo"nakangisi nitong wika at dali-dali ako nitong sinugod at sinuntok sa sikmura. Hindi pa siya nakuntento at ilang beses akong sinuntok sa sikmura na hindi ko na nakayanan. Napadura nalang ako ng dugo at tinignan siya ng masama.

Sinuntok,sinipa at sinabunutan niya ako ng ilang oras. Lupaypay na ako at halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko. Kanina pa ako dumudura ng dugo dahil sa walang tigil nitong pag-papahirap saakin. Natigil lang ang papahirap niya saakin ng dumating ang isa niyang kasamahan at may binulong ito sa kaniya habang nakatingin saakin at napangisi.

Author:Last 3 chapter!✔

GENERAL GANGSTER ACADEMYWhere stories live. Discover now