Dumiretso na siya sa kwarto niya at kakatok na lang daw mamaya pagtapos niya maligo.

Yes, dito nakatira si Dale at Mama na rin ang tawag niya kaya Mama. Para na kaming magkapatid kaya nothing's wrong kahit lalake siya, malaki ang tiwala namin sa kanya.

Wala siyang ginawa kailanman to prove us wrong in trusting him. He's been with me since then, magkaklase kami since elementary nung maulila silang dalawa ng kapatid niya.

Kinopkop sila ni Mama dahil magbestfriend ang mga magulang namin kaso yong kapatid ng Mama nila Dale nakiusap na doon na lang puder niya tumira yong kapatid niya para may kasama siya sa kadahilanang wala itong asawa.

Kaya eto si Dale nagtratrabaho dito at pinapadalhan na lang ng pera ang kapatid. Maybe that's why I really admire him... And Im feeling something like this.

I admit I'm having some sort of feelings to him since college years. May gusto ako sa kanya. Pero I don't think he feels the same. Kapatid at kaibigan lang ang turing niya sakin.

Pagkatapos kong magbihis saktong kumatok si Dale at pumasok. Ganito kami kaclose, walang ilangan, walang hiyaan. I wonder kung aamin ba ako masisira to? No. Erase that.

"Are you done? " tanong niya. Nakasuot siya ng shorts and simpleng tshirt. Sobrang lakas ng dating niya, no wonder ang daming umaaway sakin nun kasi akala nila boyfriend ko siya...

How I wish.

"Yup. Pogi natin ah, kala ko ba dika mag aayos kasi baka lingkisin ka na naman don? " biro ko

"Anong nag ayos? Hindi kaya. Ays ang hirap talaga maging pogi" asar na sabi niya habang ginugulo ang buhok

"Humangin ata bigla, ang lamig na" asar ko

"Gago bukas kaya aircon dito sa kwarto mo" pabalang na sagot niya.

Pagkatapos naming mag ayos nagpaalam na kami kay Mama at sumakay na sa kotse ko regalo ng tatay ko nung grumaduate akong Magna Cumlaude nung college.

Nagdrive na ako papuntang bahay nila Ally.

"Here comes the one and only Beatrix Aurora Evans, wala kapa kanina dito madami nang nag-aabang sayo. Feeling ko tuloy ikaw ang may birthday at hindi ako. Alam mo pag binabati nila ako ganito Happy Birthday Ally andyan na ba si Trix? Oh diba, ako yong may birthday tas tatanungin nila kung andito kana grabe" kwento ni Ally.

She was a college close friend na later on nakilala din ni Dale.

Humagalpak naman sa tawa at pang aasar si Dale don sa sinabi ni Ally.

"Wag mo kong tawanan jan Dale ha baka gusto mong di ako magbehave at lapitan kita jan rawr" pagbabanta ni Ally, natigil sa tawa si Dale at sumeryoso.

Ako naman ang napatawa don.

"Asa pa silang papansinin sila nitong kaibigan nating Dyosa" sagot niya

I rolled my eyes. Eh kung ako kaya pansinin mo? Charot.

"True dude. Come on let's go inside" yaya ni Ally.

Kinuha ko sa kotse yong camera ko at sumunod na sa kanilang pumasok.

"Ally tara picturan kita " sabi ko nung nasa pool area na kami

"Yan ang gusto ko sayo Trix eh, bukod sa sobrang ganda ko pag ikaw ang kumukuha parang ang laki pa ng ginastos ko sa picture na yan sa sobrang ganda eh libre naman. Hahaah" sabi niya

"Sino nagsabing libre? May bayad kaya to" biro ko at sinimulan siyang picturan.

"Ako na nagdedeclare na libre yan, madami kang pera uy" sagot niya at inirapan ako. Attitude pa girl.

"Whoa nagsalita ang anak ng may ari ng isang kumpanya. Dapat ikaw nanlilibre samin ikaw kaya ang madaming pera" sagot ko

"So ano magpapayamanan na lang kayo dito? " singit ni Dale

Napatawa na lang kami ni Ally.

"Naku naman, hanapan ka na lang namin ng jowa" asar namin sa kanya

"Pass ako mga dude, I love my life" sabi niya at nag excuse para kumuha ng inumin.

"Wait lang girl magpapalit lang ako ng two-piece, roam around muna. Picturan mo ulit ako mamaya" sabi niya

"Abusado kana" natatawang sagot ko sa kanya

Rineview ko yong mga pictures ni Ally, sobrang ganda din nitong babaeng to. Parang human barbie doll ganun.

Habang nag aantay, nagrandom take muna ako sa paligid, sa mga nagswiswimming, nagsasayawan.

Hanggang sa matapat yong camera ko sa isang lalakeng nakatayo sa gilid at may mga kausap. He's topless at may hawak na iniinom.

Wala sa sariling kinunan ko siya. Pagtingin ko don he looks like a freaking model, it was a perfect shot for me not because ako ang kumuha but because he is the subject.

And he's ...shit!

Nakatingin siya dito na pinicturan ko. Shit, parang stalker na ba ako?

Pinigilan kong tumingin ulit don sa kaniya at pumasok na lang sa loob ng bahay nila Ally sakto namang pababa na siya kaya pinicturan ko muna siya don.

Pagbalik namin sa labas, nagswimming na kami at di ko na ulit nakita yong lalakeng yon. He looks so attractive dude. Pero di ko na siya nakita eh so hayaan mo na lang.


Thank you for reading!

Northern Light (ON HOLD)Where stories live. Discover now