KABANATA 1

32 5 2
                                    

"1,2,3 smile baby girl" kumbinsi ko sa anak ng kliyente namin. Ang cute cute talaga ng mga bata. I smile at the thought na balang araw magkakaron rin ako ng napakacute na baby.

"Trix pack up na tayo parang uulan na din" yaya sakin ni Dale.

Tinulungan niya na akong magligpit at sabay na kaming nagpaalam sa kliyente namin.

"Trix na maganda..." untag niya. Naningkit ang mata ko. Mukhang may kailangan to. ".... pautang muna ha? Kailangan ko pang magpadala para sa tuition ng kapatid ko eh. Tutal dami mo namang pera eh wahahaha char. Seriously, pinagtiyatiyagaan mong maging freelance photographer when in fact kaya mo namang magtayo ng sarili mong studio. "

Sabi na eh. NaDA-LE talaga.

"Ang tanong sarili ko bang pera lahat ng yon? Eh sa tatay ko yon eh. Pinaaral niya na nga ako pati ba naman sa career ko sa kanya ko pa iaasa? Darating din tayo dyan sis nag iipon pa ako"

Illegitimate child ako, nabuntis si Mama ng boyfriend niyang kano pero bago pa man malaman ni mama na buntis siya sakin naghiwalay na sila.

Ulila si Mama kaya nung time na nalaman niya hindi niya daw alam ang gagawin pero nagsumikap siya at eto nga napalaki niya ako.

Nung nagcollege ako don lang siya nahirapan kaya nag isip ako ng pwede kong itulong at don ko nadiscover tong hilig ko.

Photography, mula sa simpleng shots sa bakuran namin at sa kung ano-ano na pinopost ko sa social media may kumuha sakin. Sinali ako sa mga photo exhibits, feature gallery.

Medyo madami dami din akong naipon don plus yon yong naging dahilan para makilala ko yong tatay ko.

That was the time na may tumawag sakin, hiring me for a photoshoot ng isang average type na magazine featuring the Americans who came back in the Philippines after 15 years.

Turns out na isa don yong tatay ko. Well, nakita ko na siya sa picture kaya namukhaan ko pero siya na mismo ang lumapit sakin dahil kamukhang kamukha ko daw siya lalo nung bata siya.

Tinanong niya kung sino ang nanay ko at kung kelan ako pinanganak. Sinabi ko sa kanyang anak niya ako at talagang umagree siya, no doubt daw.

Eventually, may sarili na siyang family abroad. Gusto niya akong kunin pero ayoko, ayokong iwan si Mama kaya ang ginawa niya sinustentohan na lang ako.

Siya na nagpaaral sakin, binilhan niya din kami ng bahay. Gusto niya daw punan yong pagkukulang niya kahit sa ganung paraan lang.

"Nga pala birthday party mamaya ni Ally right? Pool party yon kaya tara na't maghanda sa bahay! Magpapagwapo pa ako pero on the second thought wag na baka lingkisan na naman ako nung babaeng yon haha" sabi niya na tila nandidiri pa.

Si Ally kasi may crush sa kanya pero hindi naman ganun kasobra pero gaya ng sabi na Da-le na ito nililingkisan siya ni Ally dahil sa trip lang nitong makita yong naasar na mukha ni Dale.

Natatawa na lang ako dahil sa pasaway na Ally at kawawang Da-le. Oo Da-le tawag ko pero Deyl dapat, trip ko lang din.

Pagdating namin sa bahay, naabutan naming nanonood ng tv si Mama.

"Ma, may lakad kami ni Dale mamaya. Party ni Ally sa bahay nila" sabi ko at humalik sa kanya.

"Opo Ma, don't worry behave kami ni Trix promise" sabi ni Dale at nanumpa pa.

"Sige just don't be late sa pag uwi ah? And ingat sa pagdrive wag masyadong uminom" paalala niya.

"Sure Ma. Akyat na kami" sabi ko at umakyat na kami sa taas ni Dale.

Northern Light (ON HOLD)Where stories live. Discover now