Kabanata 10

42 2 0
                                    

HINDI NIYA LUBOS maisip kung ano ang nangyari. Tila nawala siya sa tamang pag-iisip at wala siyang ibang nagawa kun'di ang magpaubaya sa eksperto nang labi ng kanyang kasintahan. Hindi niya maipirmi ang utak. Walang ibang pumapasok doon kun'di ang bagay na halos humila na sa kanyang kaluluwa. Hindi niya mapalis ang kakaibang pakiramdam na iyon sa kanyang katawan. Nanatili iyon doon, sariwang-sariwa. Dinala siya nito sa isang dimensyon na hindi niya pa kailanman natunton. Sa dimensyong wala siyang ibang nakikita kun'di mukha ng lalaking minamahal niya at ang bagay na dinulot nito sa kanya.

Buong gabi ay iyon ang laman ng kanyang isip. Kung ano ang panghihina niya sa pisikal dala ng kuryente ni Marcus, tinumbasan naman iyon ng libo-libo pang bultahe upang atakihin din ang kanyang kalooban kaya siya ay tila isang lantang gulay na wala nang pag-asa pang mabuhay. Kaya sa halip na maghintay ng oras upang bumalik ang lakas niya, nauwi lang rin siyang laylay ang katawan.

"Huwag mo nang gagawin ulit iyon." pati ang tinig ay nanghihina.

"Alin? Ang pagkuryente o ang..." ngumisi ito.

Sinamaan niya lang ng tingin si Marcus.

Hindi niya inaakalang aabot na sila sa ganoong bagay. Kadalasan ay labi niya lamang ang hinahagkan ni Marcus, ngunit ngayon ay naglakbay na iyon at tumuntong sa iba pang destinasyon. Habang tumatagal ay nagkakaroon na ng laman ang kanilang relasyon. Lumalalim na ang kanilang koneksyon. Bagay na ikinabahala niya.

Tama ba na humantong sila sa mas malalim pa?

"Saan ka na naman nanggaling kahapon, Heshia?"

Sumasabay siya ngayon sa hapag kung saan naroon din ang kanyang maestro Quan. Natigilan siya sa tanong na iyon. Awtomatikong nanumbalik sa kanya ang sitwasyon na nangyari kahapon sa malawak na bukirin.

"Namasyal lang." maikling sagot niya.

"Kasama ang Prinsepe." hindi iyon tanong. Kun'di may kasiguraduhang konbiksyon.

Hindi na niya iyon sinagot gayong totoo naman iyon at hindi niya maitatanggi.

At isa pa, kasabay niya si Marcus sa pagdating sa palasyo kahapon. Nakasakay pareho sa Pegasus kaya bilang lamang ang hindi nakakaalam na kasama niya ang Prinsepe. Wala naman siyang pakialam doon.

"Ipapaalala ko sa iyo. Nananatili ka rito sa palasyo, hindi upang mapalapit sa Prinsepe. Kun'di para sa iyong tungkulin." pamimigay ng paalala ng kanyang maestro.

Napabuntong hininga na lamang si Heshia. Parati niya rin iyong pinapaalala sa kanyang sarili. Bukas ang isip niya sa bagay na iyon. Hindi siya narito para kay Marcus, nananatili siya rito sa palasyo para sa nalalapit na kanyang responsibilidad. Sa ganoon ay mas mapapadali para sa kanyang paglilingkuran ang makatanggap ng kautusan o lathala hinggil sa nararapat na gawin sa kanilang kaharian.

"Pareho kayong matigas ang ulo. Hindi ba't napagsabihan na kayo na hangga't maaga pa, itigil niyo na ang inyong relasyon?"

Nag-isang linya ang labi ni Heshia. Nagmula iyon sa pinuno ng konseho na kasabay nila ngayon sa hapag. Alam nilang lahat ang relasyon ni Marcus at Heshia, hindi na lingid sa kanila iyon. Kaya katulad ng Hari, sila rin ay hindi sang-ayon sa kanilang dalawa. Paulit-ulit na nilang pinagsabihan ang nakatakdang Arden, gayundin ang nakatakdang Hari. Ngunit ang mga salita nila ay patuloy na binabali ng dalawa.

Sapagkat mas matibay ang kanilang koneksyon kaysa sa mga salitang iyon. Hindi nila basta maaaring i-utos na itigil ang kanilang relasyon ni Marcus sapagkat hindi laro ang kanilang ginagawa.

The Untold EraTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang