Kabanata 24

29 1 0
                                    

MAHIGPIT NIYANG niyakap ang makapal na mantel sa kanyang katawan. Sumisinghot siya nang yumuko dahil kumilos ang estrangherong ginoo, ayaw niyang mabatid nito na pinagmamasdan niya ito. Akala niya'y aalis na ito at iiwanan na siya matapos siyang pahiramin ng mantel bilang panabon sa katawan.

Ngunit sa hindi niya inaasahan ay lumipat lang pala ito tungo sa kanyang harap. Iniluhod nito ang isang tuhod sa sahig, at kinuha ang paa niyang napinsala.

Suminghap si Katherin at mabilis itong iniwas sa kamay ng lalaki. Hangga't maaari, tama na ang nakakatulirong pagdidikit ng kanilang balat. Ayaw na niya itong maulit. Sapat na iyon.

Kumibot ang kanyang maninipis na labi nang samaan siya nito ng tingin.

"Hayaan mong tignan ko," pati ang tinig nito ay tila likas nang mapagbanta. Nakakatakot, nakakapanindig balahibo sa sobrang baba at lamig.

"A-ayoko. H-huwag mo na 'kong hawakan." kikimi-kimi niyang wika at tiniklop ang mga binti. Mas lalo siyang nakatanggap ng malamig na tingin. "U-umalis ka na dito. Hindi ka naman dapat narito kung sino ka man." aniya at pinahid ang pisngi.

"Hindi mo 'ko kilala?" Hindi makapaniwala at nagtatagis ang bagang na tanong ng lalaki.

Ngumuso si Katherin at suminghot, nagtutubig ang mata at namumula ang mukha,.

"Isa kang estranghero! Kaya paano kita makikilala, intrimitido!" malamyos niyang angil at tinumbasan ang masamang tingin ng ginoo. "S-sino ka ba? Paano ka nakapasok dito?"

"Anong karapatan mo upang hindi ako makilala?" malamig ang nagbabanta nitong mata at tinig.

Napamaang si Katherin at kalauna'y ngumuso. Yumuko siya at hindi na ito tinignan pa.

"Ngayon lang kita nakita. Bagong tauhan ka marahil ni Ama." malamya niyang sambit.

Nakarinig siya ng malutong na singasing at kulang nalang ay magmura ang lalaki.

"Anong karapatan mo upang pababain ang aking katauhan? Hindi ako isinilang upang maliitin ng kahit sino man." mas lalo itong naging nakakatakot. Hindi naibigan ang mga salitang binitawan niya.

"H-hindi nga kita kilala! Kaya tanggapin mo ang aking mga paratang sapagkat ngayon lang kita nakasalamuha!" ngitngit din ni Katherin na kaparehong nayayamot.

"Walang kuwentang panghuhusga, binibini ng Peryvell." suplado nitong asik.

Ngumuso siya at inirapan ito.

Muli siyang suminghap nang walang pakundangan nitong kinuha muli ang kanyang maputing paa. Aalma pa sana siya dahil masakit iyon, ngunit binawi ng dila niya ang kanyang hinaing nang makitang maingat nitong iniikot- ikot ang kanyang sakong.

Ginusto niya iyong bawiin ngunit hindi siya kinampihan ng sariling paa. Nagpaubaya ito, hindi niya lubos mawari kung paanong ayaw makisama ng kanyang paa. At ano iyong daloy ng animo'y masuyong kuryente ang gumagapang sa katawan niya? 'Yung kiliti, sa halip na kirot, umaakyat mula sa sakong niyang hawak ng ginoo paakyat sa kanyang dibdib.

At ang mumunting kiliti na dulot niyon ay mistulang mitsa upang silaban ang kakaibang init sa kalooban niya.

Ang init na iyon ay tumulak lamang upang pakuluin ang dugo sa kanyang dibdib dahilan upang mag-umpisa nang tumibok ng hindi normal ang kanyang puso. Uminit ang lahat, hanggang sa kanyang mukha na usok nalang ang kulang dahil sa labis na pamumula.

The Untold Eraحيث تعيش القصص. اكتشف الآن