Kabanata 55

28 3 0
                                    

NANG MASAGAP ni Heshia ang impormasyong si Eowyn ang idiniin sa nangyari kay Marcus ay hindi niya maiwasang magtaka. Bakit ang binibining kapatid ng taong itinakda kay Marcus? Anong rason nito upang gawin iyon kay Marcus? Hindi niya ito lubusang kilala ngunit sa tingin niya'y wala sa malamyos nitong pagkatao ang gumawa ng kasamaan.

"Hinuli siya?" si Lumnus iyon na kalalabas lamang sa isang silid upang ipasuri ang kalagayan. Tila maayos naman ng tuluyan ang ginoo kahit namumutla pa rin ito dahil sa nalanghap na lason.

"Iyon ang narinig ko." kunot noong sagot ni Heshia.

Hindi niya akalaing ang ganoon kaamong mukha ay isasadlak sa piitan. Hindi iyon kapani-paniwala...

"Sa tingin mo, siya talaga ang gumawa?" tinanong siya ni Lumnus.

Lumalim lamang ang pagkunot ng noo ni Heshia. Kung ang basehan niya'y ang panlabas na wangis ni Eowyn, masasabi niyang hindi nito kayang gumawa ng bagay na karima-rimarim. Ngunit sa panloob na katangian... iniisip niya. Sa tingin niya'y mabait naman ito, tulad ng kapatid nito'y malumanay at tila bagong mulat sa mundo. Ginawa'n nga din siya ng tsaa na may gamot upang bumuti ng tuluyan ang katawan niya kahit hindi nila kilala ang isa't-isa.

"Hindi ko alam.." mahinang sambit ni Heshia.

"Sa palagay ko'y hindi niya magagawa." giit ni Lumnus.

Kunot noong nilingon niya tuloy ito, "Paano mo nasabi?"

"Napadaan ako kaninang umaga sa pasilyo. Nakita ko kung paano niya i-abot ang saro sa taga-silbi.."

"Anong kinalaman niyon?"

Bahagyang kumunot ang noo ni Lumnus at huminto, "Narinig ko na ang sabi niya'y ihatid ito para sa kanyang kapatid. Imposible namang hinaluan niya iyon ng lason upang lasunin ang kanyang kakambal, hindi ba?"

Napaisip si Heshia at mabilis na nairehistro ang punto ni Lumnus.

"Ngunit natagpuan ang saro sa puwesto ng Prinsepe, nangangahulugang sa kanya ito ibinigay ng taga-silbi sa halip na kay Katherin."

Isa lamang ang ibig sabihin niyon...

"Kung pagtatagpi-tagpiin, balak niya talagang lasunin ang Prinsepe at ginawang sandigan ang kapatid ni Katherin upang ito ang maidiin at pagbintangan." seryoso pang dagdag ni Lumnus.

Umigting ang panga ni Heshia at mariing kinuyom ang mga palad. Mabilis ang salagimsim ni Lumnus kahit hindi pa nito siniyasat ng mabuti ang mga nangyari. Ngunit kahit na ganoon, hindi niya maitatanggi na napakalaki ng posibilidad ng mga iginiit nito.

"Ang tanong, ano kaya ang motibo niya upang lasunin ang Prinsepe?"

"Hahanapin ko ang sagot." mariing saad niya at mabilis na iniwan si Lumnus upang hanapin ang taga-silbing iyon.

Madali niyang nalaman kung sino ito dahil ilang ulit na niya itong nakita sa tabi ni Katherin. At nakita niya din ito kanina sa linya ng mga tauhan.

Nagpunta siya sa santuwaryo ng bawat tauhan ng palasyo at doon nag-umpisang hanapin ang babae. Iyon ang babaeng nanginginig kanina habang nagsisiyasat sina Ser Ñego, batid niya.

"Si Nihan... hindi ko alam kung nasaan siya. Baka nasa tabi ng Prinsesa, binibini." sagot iyon ng isa pang taga-silbi ni Katherin na si Salem.

Lalong hindi naging maganda ang emosyon ni Heshia. Nasa tabi ng Prinsesa? Sa pagkakaalam niya'y nasa silid ng Marcus si Katherin at wala itong baon na taga-silbi. Kaya kahit uminit ang loob niya sa kaisipang naroon si Katherin ay isinantabi niya muna. Nasa tapat siya ngayon ng silid ni Marcus na naliligiran ng maraming kawal.

The Untold EraWhere stories live. Discover now