Kabanata 70.2

24 1 0
                                    

PAALALA: ANG MGA SUSUNOD NA KAGANAPAN AY MAAARING MAGTAGLAY NG SENSITIBONG EKSENA. IGINIGIIT NG MAY AKDA NA MAGING BUKAS ANG ISIPAN NG MGA MAMBABASA.

Heshia


"PAKASALAN MO AKO, HESHIA." bulong sa akin ni Lumnus at dinaganan ako. Hinalik halikan niya ang aking labi at panga samantalang naglalakbay ang mga palad ko sa kanyang buhok at likod.

"Pakasalan mo ako, Heshia." ulit niya na hindi nagtatanong. Kun'di nanghihikayat. Na kung hindi ako tutugon ay tila hindi niya itutuloy ang aming ginagawa.

Subalit sa pinakailalim ng aking puso, sa mga oras na ito ay hindi lang ang init at tamis na hatid niya ang kailangan ko. Kailangan ko siya ng buo. Bilang isang tao na makakasama ko buong buhay ko, at bilang tao na paglaanan ko ng aking pagmamahal at puso.

Kaya nang muling magsalubong ang aming mga mata, sinambit ko na ang mga salitang magpapaalala na hindi na ako kailanman mag-iisa. Hinaplos ko ang pisngi niya.

"Pakakasalan kita, Lumnus." malumanay at puno ng sinseridad kong satinig.

Gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi. Hinalikan niya ang pagitan ng aking kilay at winasak na niya ang bagay na nagiging simbolo ng aking inosenteng kaangkinan. Dumaing ako at halos ibaon ang mga kuko sa kanyang likuran dahil hindi ko inaasahan na pati sa bagay na ito ay kailangan ko pang masaktan at dumugo.

"L-Lumnus.."

Narinig ko naman ang angil niya nang idaing ko ang kanyang pangalan.

"M-masakit.." Hindi ko pinigilan na sabihin sa kanya ang totoo.

Lintek.

Hindi ko talaga akalaing may hatid na kirot ito.. sobrang kirot. Hindi ko napaghandaan. Hindi ko alam..

Malalim ang paghinga niya at may lumalabas na mahihinang daing sa kanya. Hinaplos niya ang aking mukha, nakita niya ang ekspresyon kong nasasaktan bago niya tignan ang magkaugnay naming katawan. Hiningal siya at sunod-sunod na lumunok.

"Aalisin ko na. N-nagdurugo ka." nag-aalangan niyang wika.

"Huwag.." pigil ko sa kanya. Mukha siyang nag-aalala at nag-alinlangan na. Kinagat ko ang aking labi at hinapit ang batok niya palapit.

"P-patawad. Hindi ko alam na masasaktan ka. Ngayon ko lamang ginawa ito kaya.. h-hindi ko alam, Heshia." nag-aalangan niyang imporma.

"Ayos lang. S-sa tingin ko'y normal lamang ito. Hindi na ako.. birhen." uminit ng husto ang aking pisngi sa sinabi.

Nakita ko siyang pumikit ng mariin at hindi mawari kung bakit bigla na lamang siyang ngumiti.

"At ako ang nakakuha nito. Ngunit araw araw pa rin kitang sasambahin, Heshia." marahan niyang wika at banayad siyang gumalaw. "Panghawakan mong sa iyo lang rin ako ng buo. Sa iyo ko lamang gagawin ito.."

Napaigik ako dahil makirot talaga. Ngunit hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam dahil habang tumatagal na kami ay nagniniig, naglalaho na ang kirot at napapalitan ng ligaya. Maingat niyang hinalikan ang aking labi habang umuulos siya, habang nagpapalitan kami ng mga halinghing.

Basta alam ko.. wala akong pagsisisihan. Basta alam ko, ginusto ko ito at sa kanya ko lang paulit-ulit ilalaan. Hindi ko akalaing posible pala ang ganito, ang maramdaman ang malalim mong koneksiyon sa isang tao. Higit pa sa bagay na naramdaman ko sa taong matagal ko nang kilala at nakasama. Bagay na kay Lumnus ko lamang nadama..

The Untold EraWhere stories live. Discover now