Bumuntong hininga si Tita at akmang sasagot ngunit naunahan siya.

"Because her diagnosis leads to the worse complication of pneumonia."

Napabaling ako sa taong pumasok mula sa pinto na siyang sumagot sa akin. Hawak niya ang isang papel at saka iyon ibinigay kay Tita.

"Chris," ani ko.

Tumingin siya sa akin at saka mapait na ngumiti. 

"Hindi tumatalab ang antibiotics na pina-iinom sa kanya and worse is nagka-complications pa."

Narinig ko ang mga pagbuntong hininga ni Tita at mas bumakas sa mukha niya ang kaba. Napapikit naman ako at saka hindi nag-isip ng kung ano-ano.

"Anong naging complication?"

"Sepsis."

Napakunot ako ng noo. "What kind of illness is that?"

Napabuntong hininga siya at saka tinignan si Jane na mahimbing pa rin natutulog. 

"Blood poisoning."

Napabulagat kami nang makita na bumagsak sa sahig si Tita. Agad-agad namin siyang tinulungan na tumayo at pina-upo sa may couch. Pinagpapawisan siya at ang mga pawis na dumadaloy sa kanyang mukha ay may halong luha. It must be really hard for a mother to see her child suffer from an illness.

Ilang saglit ay lumabas si Chris. Pinagpahinga muna namin si Tita dahil sobrang pagod na rin siya. Sumulyap ulit ako kay Jane na mahimbing pa rin ang tulog. Nagwawala raw kasi siya kaninang madaling araw at sinasabi niya na gusto niya ako makita. 

Napangiti ako. 'I thought you never care about me. Don't worry, Jane. I will take care of you from now on.'

Lumabas din ako ng kwarto at nakita ko si Chris naka-upo sa mga upuan sa labas ng kwarto. Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya sa upuan.

"Alam mo lahat ng 'to, 'di ba?" Tanong ko kahit hindi man lang siya lumingon nang maka-upo ako sa tabi niya.

Nakita ko ang paghilamos niya sa kanyang mukha patungo sa buhok hanggang sa tumango siya.

"Yeah. I just don't want to see her suffer. Nakita ko kung paano siya nahirapan noong bata pa kami. I only want to protect her."

Huminga ako nang malalim. "Even me, Chris. Masakit sa akin na makita siya sa ganyang sitwasyon. Hindi ko na nga maramdaman yung sakit na binigay niya sa akin, eh. It vanished after I saw her suffering."

"Pero mas masakit para sa akin, Dave. Ako yung laging nandyan pero in the end ikaw pa rin ang hinahanap niya."

Tinapik ko ang isa kong kamay sa balikat niya. "Sorry, bro. Alam ko naman na mahalaga si Jane sa 'yo. Mas matagal kayong magkakilala compare sa akin."

Umiling-iling naman siya. "No, Dave. I'm sorry. Dahil sa akin parehas kayong nasaktan. Both emotionally and physically. I'm sorry, Dave."

Napangisi naman at saka tuluyan ng iniakbay ang aking kamay sa balikat niya. "Forget it, Pre. Let's just hope na gumaling na siya as soon as possible."

Tumango-tango siya at saka napangiti na rin. Nagkwentuhan pa kami sa labas katulad nang madalas namin ginagawa dati. Nakaka-miss din pala ang lalaking 'to. Mas mabuti na magkaayos kaming dalawa para kay Jane.

"Dave! Dave! Dave!"

Sunod-sunod na pagtawag sa akin ang narinig naming dalawa ni Chris. Napalingon kaming agad sa kwarto at nakita si Tita doon. Tumakbo ako agad papasok ng kwarto nang makita ang pag-aalala sa mukha ni Tita.

Natigil ako nang makita ang nagsusumamong mukha ni Jane. Lumuluha siya at pa-ulit-ulit na binabanggit ang aking pangalan. Agad kong lumapit sa kanya at sak tinapik-tapik ang kanyang mukha.

"Jane! Wake up!"

Pabalik-balik ang tingin niya mula kaliwa at kanan. Ang mga mata niya ay hindi matigil sa pagluha habang lumulukot sa sakit ang kanyang mukha. Ang kanyang katawan ay tila namimilipit sa sakit dahil 'di pangkaraniwan nitong paggalaw.

"Wake up, Jane! Nandito na ako. Nandito na si Dave. C'mon! Wake up!"

Napa-atras ako nang bigla siyang bumangon at napa-upo. Agad kong hinawakan ang kamay niya at saka muling lumapit sa kanya. Namumutawi ang kanyang hagulgol sa buong kwarto kaya napapikit na lang ako at saka siya yinakap.

"Shhh. I'm here, Jane. I won't leave you."

"I'm s-sorry, Dave. Sorry for hurting your feelings. Hindi ko dapat ginawa 'yun. Hindi ko dapat sinabi na kalimutan mo na ako. It hurts me a lot, saying those words."

"It's okay. Nothing will change. I still love you," bulong ko sa kanya habang patuloy na hinahaplos ang kanyang buhok para patahanin siya.

"I'm sorry," muli niyang saad sa gitna ng kanyang pag-iyak.

Inalis ko ang mga yakap ko sa kanya at saka siya hinarap. Hinawakan ko ang kanyang baba at saka iyon itinaas. Nanatili lang na nakatingin ang kanyang mata sa ilalim habang ako ay nakatitig sa kanya.

"Look at me."

Dahan-dahan niyang tinaas ang kanyang tingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. Ngiti na nagsasabi na magiging maayos din ang lahat.

"It's alright, okay? Promise me na magpapagaling ka. Promise me na hindi mo na ako iiwan ulit. Promise me, Jane." Bakas sa boses ko ang sinseridad habang sinasabi iyon sa kanya.

Nakahinga ako nang maluwag matapos niyang tumango at ngumiti.

"I promise."

Napanatag ang loob namin lahat nang maging kalmado na si Jane. Nanatili naman ako sa tabi niya habang pinapakain siya ng mga prutas na binalatan ni Tita kanina.

Lumabas naman si Chris para bumali ng makakain namin. Gabi na rin kasi kaya siya na ang nag-insist na bumili ng pagkain.

'Di maalis ang tingin ko sa kanya habang inaabot ang mga prutas na kinakain niya. Naging tahimik din kasi siya simula nang maging kalmado siya. Paminsan-minsan din ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.

"Kumusta pakiramdam mo?"

"I'm good. Nagiging worse lang kapag nakakaramdam ako ng pamimilipit sa iba't ibang parte ng katawan."

"It must be really painful."

Tumango-tango naman siya at saka tumingin sa akin. 

"Yeah. Painful than any other aches. How about you? Kumusta ka?"

"I'm also good. Umuwi ako ng Angeles kanina at binisita ang parents ko pero tumawag si mama mo. That's why I'm here," sagot ko sa kanya sabay abot sa huling prutas na kakainin niya.

"Tinawagan ka ni mama?" Tanong niya sabay silip kay Tita na natutulog sa couch.

Tumango naman ako at saka rin tinignan si Tita. "Mahal na mahal ka ni mama mo, Jane. Kaya magpagaling ka, okay? Hindi ka namin pababayaan."

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim at saka bumaling sa kabilang side ng kama. Napakunot ako ng noo at saka siya sinundan siya ng tingin.

"May problema ba?"

Umiling siya agad at saka bumaling ulit sa akin. Nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha at tila may bumabagabag sa kanya.

"I'm scared, Dave. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin. Natatakot ako para sa inyo," saad niya.

Binitawan ko ang hawak ko na plato at saka muling hinawakan ang kamay niya. Mahigpit iyon at pinaparating ng mga hawak na 'yun na nandito ako para sa kanya.

"Huwag mo kami intindihin, Jane. Intindihin mo kung paano ka magpapalakas hanggang sa gumaling ka."

"But--"

"Hindi kita pababayaan, Jane. I will take care you. Hindi kita iiwan, I promise."

~~~~~~

Friendly Love [Novella Version]Where stories live. Discover now