VOLUME II

12 4 0
                                    

Flashback (Five Years Ago)

Third Person's POV


"Hoy Timothy! Ikaw nga magbuhat neto!" Bulyaw ni Aaron sa kamag-aral na nakaupo sa silya habang nagsusulat ng lecture. Tumuro ito sa dalawang kahong naglalaman ng grade-12 modules.

Payapa na sana ang buong klaseng kumokopya ng aralin sa blackboard, kaya lang, pumasok pa ang basagulerong si Aaron.


"Ano? 'Di ka tatayo riyan? Aba, aba, sinusubukan mo na naman ako!" Mas lalo itong napikon kaya naman tumayo na 'to sa kinauupuan at lumapit kay Timothy.

"Ikaw 'yong inuutusan ni ma'am." Mahinahihong tugon nito habang patuloy pa rin sa pagsusulat.


"Sumunod ka na Timothy." Bulong naman ng katabi nitong si Owen. "Baka ma-sample-an ka niyan sige ka."



Walang magawa itong si Timothy dahil ayaw niya rin namang makaabala pa sa klase ang ingay na nililikha ni Aaron. Samantala, tahimik lang din ang iba nilang kamag-aral dahil takot silang madamay. Kilala si Aaron sa mataas na paaralan bilang kinatatakutan ng lahat dahil sa ugali nitong manghamon at manakit palagi. Suki ito ng guidance. Hindi man brusko ang pangangatawan, malakas ito sa suntukan.


"Sa'n ba 'to dadalhin?" Tanong ni Timothy na ngalay na ngalay na sa pagbuhat sa magkapatong na kahon.


Mula sa 5th floor ng building nila, ay narito na sila ngayon sa 3rd floor. Tahimik dahil walang gaanong tao, ang mga classroom sa parteng ito ng building ay kasalukuyang pinapalitan ng mga kisame.


"Sa MAPEH department. Bilisan mo!" Umiling-iling itong si Aaron at sinipa nang malakas sa may alak-alakan si Timothy dahilan para malaglag ang isang kahon. Aksidenteng bumukas ito kung kaya't nahulog sa baitang ng hagdan ang ilan sa mga libro.




"Ah aray." Binaba ni Timothy ang isa pang kahon habang nakahawak sa nananakit na parte ng binti. Napaupo siya sa sahig. "Sumosobra ka na ah!" Nahaluan ng bahagyang galit ang tono ng pananalita niya.


"Ang lampa mo talaga! Tanga-tanga ka! Wala ka bang bayag hah? Ako pa ngayon ang sumosobra?!" Mas lumapit ito sa kanya 'di alintana kahit natatapakan niya na ang ibang mga libro.


Hindi ito ang unang beses na itrato ni Aaron si Timothy nang ganito. Sa katunayan, isa siya sa paborito niting i-bully.


"Mahina ka Aaron. Wala kang ginawa kundi pag-trip-an ang mga nakikita mong mas mahina sa 'yo at ang mga walang balak pumatol sa kagaya mo! 'Yong totoo? 'Di ka ba mahal ng mga magulang mo--" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil sinuntok siya ni Aaron sa may bandang ilong dahilan upang dumugo ito.



"Iniinsulto mo ba mga magulang ko ha? 'Tang ina mo pala eh!" Sa galit ay pinaulunan niya ng suntok sa tiyan ang walang kalaban-laban na si Timothy. "Akala mo kung sino kang matalino ah? Sipsip ka lang naman sa mga teacher natin! Gago ka!"




Pilit pa ring bumabangon itong si Timothy. Nakahiga na siya ngayon at nadadaganan ni Aaron na patuloy pa rin ang pagsuntok sa mukha niya. Nadamay na rin ang kanyang bibig sa pagdurugo.

"Ta-tama na sabi!" Inipon niya  ang natitirang lakas upang maitulak si Aaron sa pagkakaibabaw sa kanya.


"'Wag kang magsalita! 'Tang ina ka!" Nagulat ito nang matulak siya ni Timothy at mabilis itong nakatayo.






Agad din siyang nakabawi sa pagkakatumba at nakatayo. Muli niya nang susugurin si Timothy ngunit nagawa nitong sanggahin ang mga suntok niya sa pamamagitan ng sariling mga braso.







Kapwa nagsusukatan ng lakas ang dalawa. Pinipigilan ang braso ng bawat isa. Hindi nila namamalayan na unti-unti na silang napapalapit sa baitang ng hagdan.





"Tama na Aaron!" Kasabay ng pagsaway ni Timothy ay ang buong lakas niyang pagsipa sa kanang tuhod ni Aaron.




Naging dahilan ito upang mawalan ng balanse ang binata at walang anu-ano ay nahulog, at nagpagulung-gulong ito pababa ng hagdan. Mabilis ang mga pangyayari. Pagkagulat ang puminta sa mukha ni Timothy nang makita ang nakabulagta nang si Aaron. Umaagos ang dugo nito mula sa likurang parte ng ulo nito at hindi na gumagalaw pa.







Lalapitan sana ng takot na takot na si Timothy ang kamag-aral. Hindi niya ginusto ito. Ngunit, sa labis na takot at pagkataranta, na baka siya ang sisihin kung sakaling wala na nga itong buhay, kumaripas siya ng takbo at bumalik sa 5th floor tungo sa kanilang classroom. Hingal na hingal, nagbubutil ang mga pawis mula sa noo. Bakas sa mukha na may nangyaring hindi maganda.










Pagkaupo sa kanyang arm chair, pinilit niyang ipagpatuloy ang sinusulat gamit ang nanginginig na kamay.




"Oh ba't parang nakakita ka ng multo riyan?" Takang tanong ni Owen. "Sa'n si Aaron?"






Hindi dapat siya mahalata, 'yan ang kanyang nasa isip.








"Ah-eh ano, sa-sabi niya si-siya na lang daw magbubuhat." Nauutal nitong sambit, naalala ang kawawang sinapit ni Aaron.


















Thanks for reading!💙
All of the plotholes and flashback chapters will be answered ahead.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Above HeavensWhere stories live. Discover now