Sixth Glitch

35 5 0
                                    

C A N D A R Y

Pakiramdam ko ay lalo akong napagod sa linggong 'to dahil sa dami ng quizzes. Dagdag pa 'tong sa amin ni Vaughn. Si Teffy nga nahimatay pa kaya nadala sa clinic no'n. Nanghinayang tuloy ako at 'di ko siya mababantayan parati. Hindi naman kami magkaklase sa dalawang subjects. Ubusan ng slots, kung saan ko kaklase sina Vil at Vaughn.




Hindi ko na muna inabalang i-chat sa Vaughn dahil alam kong mas mainam pag-usapan o ikwento lahat ng sinabi ng mga sarili namin sa personal.



Kaya't 'eto ako ngayon, mag-aalas nuebe palang ay nagpaalam na kay mama. Na-guilty tuloy ako bahagya dahil hindi ako nakatulong sa pagmamasa ng tinapay.




Ayos lang naman kay mama dahil related daw ito sa eskwela.

Kahit ang totoo niyan, may aalamin muna kami ni Vaughn bago pumunta kila Vil.



Ako na rin ang nag-prisintang mamili ng materials para sa activity. Siyempre, sasamahan naman ako ni Vaughn. Una, magkagrupo kami. Pangalawa at pangatlo, doon naman ang punta namin sa bahay nila Vil. Hindi nga lang alam ni Vil na magkasama na kami agad ni Vaughn.








Sumakay na ako sa jeep at nag-DM kay Vaughn na papunta na ako roon sa City libary. Bakit nga ba hindi ko pa kinuha ang number niya? O hiningi kay Vil. Kung sabagay, minsan ang hirap niyang timplahin. Tahimik ba siya, o mabait na masungit?






Mabuti at mabilis akong nakarating doon dahil 'di naman masyadong traffic. Maiinit din kaya simpleng plain na gray shirt at pantalon lang ang suot ko. Dala ko rin ang school bag ko. Para mas maniwala si mama. Kahit 'di naman ako nagsisinungaling.
Ang paalam ko kasi maghapon.




Bumungad sa akin ang naglalakihang bookshelves. Halatang may kalumaan na ang mga 'yon pero malinis dahil sa pagkakabarnis nito. Bilang lang sa mga daliri ko ang pagkakataong napadpad ako rito. Noong minsang samahan at tulungan namin ang kuya ni Teffy para maghanap ng local RRL para sa thesis nito.





Akala ko nga walang interesadong estudyante dito. Marami-rami rin pala. Sabagay, sa dami ba naman ng mga libro rito. Mas marami pa nga kaysa sa university namin eh. Kaya siguro dito napili ni Vaughn.


Pagka-log in ko sa visitor's book, napansin ko agad si Vaughn na nakaupo sa dulong bahagi ng library, katabi ng bintana. Nakasuot ng pulang long sleeves at pantalon na itim.



Kumaway ako pero hindi niya pinansin. Ang hirap niya talagang basahin no?



Agad naman akong pumunta sa kinaroroonan niya, at umupo sa katapat na upuan.

"You're seven minutes late." Masungit niyang bungad.



Wow. Ang gandang pambungad. Pati 'yon kwentado niya.


"Sorry. Ayaw mo talagang naghihintay no?" Tumawa akong bahagya para pagaanin ang paligid.



Above HeavensWhere stories live. Discover now