Fourteenth Glitch

39 4 0
                                    

C A N D A R Y


Ito siguro 'yong moment sa buhay ko na gusto kong magsabi ng masasamang words—gaya ng nababasa ko sa Facebook. Pero hindi dahil naiinis, o nagagalit ako. Kundi sobra akong nasurpresa! Kami ni Vaughn…


“Hey. Try to calm down.” Mahina niyang sambit sa akin. Deretso lamang ang tingin niya sa may stage.





Napansin niya siguro ang malalalim kong paghinga. Paano ba naman kasi hindi gumagalaw ang lahat ng prof at estudyanteng narito ngayon maliban sa amin! Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang dalawang kamay kahit alam kong hindi naman ako matutulungan ng hangin na nagmumula rito para makahinga ng maayos. Parehas kaming nakatayo ni Vaughn mula sa posisyon ng mga upuan namin. Magkapantay kami ngayon.

Papalapit sa direksyon namin ang mga sarili namin! 'Yong ako, na nakita ko lang kahapon. HRM uniform pa rin ang suot niya kagaya ng sa akin pero mapapansin na wala siyang suot na malaking ribbon na de-buhol, kahapon meron ah.

Samantalang si Vaughn naman, medyo magulo ang buhok hindi gaya noong una kong nakita na parang bagong gupit o nakaayos lang?






Habang papalapit ang dalawang mula pa sa hinaharap, lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Bakit? Eh nakita ko naman na sila pareho ah? 'Yon nga lang hindi gaya ng sa ngayon na magkasama sila at kami ni present Vaughn. Nararamdaman ko na ang pawis sa gilid ng mukha ko. Samantalang ang kasama ko ay pilit huminahon. Babalik pa ba sila Teffy sa dati? O forever Disney na sila? Frozen! Kalma Candary. Ito na 'yon 'di ba? Ang pagkakataong hinihintay ninyong masagot ang lahat ng mga katanungan. 'Yon nga lang sa hindi inaasahang lugar, oras, at sitwasyon. Auf. Ayan na. Todo na 'yang masamang word na 'yan.






“That’s the side effect. They will be motionless if beings from other direction managed to visit planet Earth.” Tumuro si future Vaughn kila Rai at Teffy, at sa iba pang mga tao rito sa amphitheater na hindi gumagalaw.


Katapat na namin ngayon silang dalawa! Walang emosyon ang mukha ni future Vaughn. Si ako—este si Candary from future ay ngumiti pa at kumaway. Ngumiti rin akong maliit. Ano ba 'yan, para na naman akong nakaharap sa salamin na may magic ng beauty plus!





“’Pag higit sa isa ang pumarito mula sa ibang dimension, ganyan ang mangyayari. Gaya ngayon, dalawa kami ni Vaughn na nandito.” Sinuklay ni future self ang mahahaba niyang buhok gamit ang kaliwang kamay. Parang 'yong ginawa niya kahapon.



Pumamulsa naman si future Vaughn. Animo’y nagsusukatan sila ng tingin ni Vaughn sa tabi ko.




“Tell us everything now.” Kalmado ngunit, may diin ang bawat salita ni Vaughn.

















Mula sa amphitheater ay lumabas kami at nagtungo rito sa pavilion na kadalasang pinagdarausan ng ibang campus activities. Kapag walang events, may nakapwesto ritong iilang bench na pwedeng pagtambayan ng mga estudyante. Gaya sa loob ng amphitheater, may nadaanan din kaming mga tao na hindi gumagalaw. May hawak na libro o 'di kaya'y pagkain. 'Yong iba naman naglalakad sa hallway ng ibang building. May estudyante, may prof. Kitang-kita mo ang ekspresyon sa mga mukha nila. Para bang stop-dance! Sige na namamangha na ako. Parang sa mga palabas na tumitigil ang oras. Ganitong-ganito ang scene!



Namayani ang ingay ng hanging humahampas sa mga puno.








“Sit.” Maotoridad na utos ni future Vaughn sa amin at marahas na itinuro ang bench sa tapat niya.






Seryoso bang nangyayari ang lahat ng 'to? At hindi ako nananaginip mula pa noong mga nakaraang linggo? Ugh! Sinunod naman namin siya at naupo kami pareho ng kasama ko.




Above HeavensWhere stories live. Discover now