Twenty-Eight Glitch

9 3 0
                                    

C A N D A R Y

"Ano ba kasing ginawa mo?" Pagtataka ni Teffy.




Tanaw namin si Vaughn mula rito sa pila ng nga magpapa-pirmang clearance sa librarian. Nagpasama ang iba naming mga kaklase.


Kahit din naman ako hanggang ngayon eh. Dalawang araw na akong hindi  kinakausap ni Vaughn. Oo hindi naman required na kausapin niya ako dahil sino ba naman ako. Pero kasi ramdam ko 'yong galit niya. Bigla na lang siyang nag-walk out noong gabing 'yon. Saktong dating naman ni Rai at Teffy pero wala rin kaming nagawa. Nang i-message ko siya sa Twitter ang sabi niya, 'wag ko na raw siyang kakausapin' .


Kahapon, sinubukan ko ulit siyang habulin  at kausapin sa personal, pero in-english niya lang ang sinabi niya at pinatindi, 'don't you ever talk to me!' Narinig pa 'yon ng mga dumaraan sa hallway. Pakiramdam ko napahiya ako no'n. Pero wala sa akin 'yon eh. Ang iniintindi ko, bakit siya magagalit sa akin nang wala akong ginawang sa tingin ko naman ay nakagagalit? Anong dahilan?

Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Teffy na kailangan namin ni Vaughn ng communication dahil may kailangan pa kaming pigilan. Naiinis na ako. Pakiramdam ko ay wala akong magawa. Ilang araw na lang at Christmas break na. Bigyan niya lang ako ng malinaw na dahilan. Nag-sorry na rin naman ako kung anuman ang nagawa kong 'off' sa kanya. 'Yon nga lang, ayaw niya na rin akong kausap.

Anong nagawa ko sa 'yo Vaughn?

Hindi ka maalis sa isip ko.







V A U G H N

It was a long tiring week. I finished all the requirements for second semester enrollment. Kahit pa sa January pa ito. I don't want something that will ruin my holiday vacation. Pero nangyari na bago pa man ang lahat. Ezplasa shit was really a piece of shit.

Truly unforgivable.

Even if she's trying to apologize each day, it doesn't change the fact that I feel betrayed now.

This is the first time I continuously talk to a person like her. I really am introverted but I trusted her.

The song too much love will kill you must change into too must trust will kill you.


I'll leave it to her. Bahala siyang umalam. I want to clear my mind. My heart filled with anger like it's going to explode anytime.



Na-impake ko na ang mga damit at ibang gamit ko sa dorm bago umuwi sa Maynila. My mom was originally from here and my dad is from Manila. Doon din naman ang trabaho niya and most of my kins from his side.

My cousin Road the detective, which is two years younger than me will pick me up using Tito's car. I sent him my location. Sabi ko, rito na sa may harap ng dorm ako sunduin. People are suffocating me.


Road's mom was my dad's youngest sibling. Among all of my cousins, he's the one closest to me. Smart kid and somehow we share several traits. But he is more genius on his age. He is the one I asked and decoded that runic Alphabet. Kahit close pa kami, if I tell him my Sci-fi life, he will surely talk to dad to get me a therapist.



"You look like the same Vaughn from last year." Kahit kailan, hindi niya ako tinawag na kuya. Yes, we haven't seen each other for almost a year. Kahit ba sa kabilang bayan lang siya nag-aaral.




Above HeavensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon