Third Glitch

41 6 0
                                    

V A U G H N


Weekend is here. Something keeps on bothering me. Nang mga sumunod na araw, matapos akalain ni Candary na nagda-drugs ako, hindi ko siya kaklase sa ibang subject. I don't know why I am stalking her social media accounts. Kagabi ko pa 'to ginagawa. Hinahanap ko sana kung may kakambal ba siya o ateng kamukhang-kamukha. Pero wala naman akong makita sa Facebook account niya. Tatlong profile pictures tapos puro anime na cover photos. Hindi siya active. I even checked the tagged photos. Puro mga events lang like graduation, seminar na na-attend-an niya. Wala rin. Wala akong napala. I tried to check if she have an Instagram account. May lumitaw na account nang i-type ko ang 'candaryezplasa'. Luckily it was her account. But there's only one posted photo. Nakaakbay siya sa babae probably in her early 40's. At ang caption, 'Happiest birthday mamu! Wala na akong mahihiling pa. Thank you for everything!'. It was her mother. I tried to search her name on Twitter. May lumitaw ding account. Mas maraming pictures dito! May uploaded pictures noong isang araw lang picture nila Vil at ng mga kagrupo nila sa Big History. Doon pa sa may convenience store ang groupie. The caption says, 'not Big Bang, but fantastic LOL'. Nag-scroll pa ako, puro pictures lang naman ng mga sceneries. May mga tinapay din. Natawa pa ako sa caption, 'bakers gonna bake, haters gonna hate #BakeItOff'. Another photo caught my attention. I think it was taken from the bar. May hawak siyang gitara at kumakanta. Wow. She do gigs huh? Kaya pala hindi mahiyain. Nakaabot na ako sa dulo dahil wala naman sa 400 ang tweets niya pero wala pa rin akong nakitang kakambal o kamukhang kamag-anak. Mukha ngang wala siyang kapatid dahil pictures lang ng mama nila na panay nagbe-bake ang nandoon.




I snapped myself from what I am doing. Cringe. Ngayon ko lang 'to ginawa. Kukuhanin ko na sana 'yong mga pinlastik kong damit para magpa-laundry. Naiwan akong mag-isa rito sa dorm. Every weekend kasi kung umuwi 'yong tatlo kong roommates. Pagkababa ko sa phone ko, I heard its notification sound.




'@candaryezplasa09 followed you back'




Fuck! Napindot ko pala 'yong follow button kanina? Shit! Iisipin niya ako 'yong stalker. Napasabunot na lang ako.



Bumaba na ano sa first floor. Wala naman na akong magagawa. Nag-trike papuntang laundry shop. Bukas ko pa 'yon makukuha sa dami ng mga estudyanteng nagdo-dorm din na nagpapalaba roon. I decided to go to the grocery store. I'll cook tonight. Pinupurga na ako ng fast food at tinda sa canteen.




Masyadong matao kaya naman hapon na ako nang makauwi. Pagkabukas na pagkabukas ko sa room namin, I saw Candary sitting pretty on my bed wearing her College of Business and Accountancy uniform. A pencil cut maroon skirt, cream blouse with an artsy printed maroon ribbon.  Wait si Ezplasa shit? How come? I locked this room before leaving. I repeated my blinks, baka mamaya hallucinations lang. But it was really her!




Holy shit! Paano siya nakapasok dito?!




"Hi Vaughn hehe." He waved her right hand. Nagkukuyakoy pa siya ng paa sa kama. Binalik niya ang pagkakatukod ng kamay sa kama.




"What the hell are you doing here? 'Di mo ba alam trespassing 'yang ginagawa mo? Paano ka nakapasok dito?" Sunod-sunod kong sambit at binaba ang mga dala kong groceries.




"Sorry na!" Tumayo siya at pinantayan ako. Mahaba na naman ang buhok niya ngayon. Hajr extensions again huh?




"You're getting into my nerves! Ano na naman bang kailangan mo?" I caressed my chin while facing her.



"Umm, ikaw." Lumungkot ang mukha niya.



"Please Vaughn, 'wag ka munang pangunahan ng galit magpapaliwanag muna ako." I can feel the sincerity of her voice. Kukuhanin niya sana ang kamay ko pero agad kong iniwas 'yon.




Above HeavensDove le storie prendono vita. Scoprilo ora