Twenty-Fourth Glitch

12 3 0
                                    

C A N D A R Y

Naging busy ang ikalawang week ng December. Pasahan na ng mga requirements, at ang finals week. Swerte kami, dahil may integration day kami. Kung saan may isang araw na walang pasok bago ang finals, para mailaan para sa pagre-review.



Normal ang lahat sa ngayon. Nagkikita lamang kami ni Vaughn tuwing magkaklase kami sa Big History. Wala na rin kaming sub-prof sa Ethics at ire-iretain na lang ang grades namin sa Ethics noong midterms ayon sa handle ng grading system at dean. Patapos naman na rin kasi ang semester. Rest in peace, sir.



Napag-usapan namin ni Vaughn na kung may kakaiba kaming mapansin sa paligid ay inform agad ito sa isa't-isa sa chat. Nakakadala na kasi.



Heto't kagigising ko lang mula sa pagkakaidlip. Suot ko pa ang uniform ko. Kanina ang huling exam namin sa isang major subject. May isa pa akong exam bukas sa minor. Sa Big History. Nagyayang mag-group study si Vil sa bahay nila noong Sabado. Dahil maraming mga dapat i-memorize, sumama ako. Si sir kasi kahit true or false ang hirap pa ring magpa-test!




Minsan talaga mapapatulala ka na lang sa 'di malamang dahilan. Masyado yata akong pagod. Nag-iinat at nakatitig lang sa kisame. Natigil lang ako nang mag-ring ang phone ko na nasa bedside table. Bumangon ako at nag-indian sit. Dahil naghihikab pa, sumandal ako sa headboard ng kama ko.



Si Teffy tumatawag...



Hindi kami sabay umuwi kanina dahil inaya siya ng kaklase niya sa PE na mag-unwind kuno. Wala na kasi siyang ie-exam pa bukas—last day ng finals week.



"Bessy!" Medyo nabingi pa ako sa bungad niya bago pa man ako makapagsalita. Para siyang hinihingal.



"Bakit? Ba't ka napatawag-"


"Nasaan ka? Tulungan mo 'ko! Ma-,may sumusunod sa akin!" Hindi niya ako pinatapos sa tanong ko at sa mga sinabi niya, lumakas ang kabog ng dibdib ko. Mauulinigan din ang hingal sa mga salita niya. Anong nangyayari?



"Huh? Sa-saan 'yan? Napano ka?" Aligaga kong tanong. Sa nerbyos, tumayo ako sa pagkakaupo.



"Hi-hindi ko alam huhuhu." Kahit ang pabebe ng iyak niya ramdam ko ang takot niya.


"Shit. Anong nakikita mo sa paligid? Lingunin mo! Anong pwedeng maging sign pupuntahan agad kita!" Shit talaga. Ano 'to? Panibagong panghahamon nanaman ng tadhana?



"Sige. Candary please puntahan mo 'ko natatakot na ako. Ma-may malaking playground dito ngayon. Ouch-" Napahinto si Teffy sa pagsasalita. Nakarinig naman ako ng ingay sa background niya kaya mas lalo pa akong nag-alala.



"Anong nangyayari riyan? Ayos ka lang ba Tef?" Magkakasunod kong tanong.


"Ayos lang. Naabutan na nila ako. Nagtatago ako ngayon dito sa malaking puno. Nakatapak yata ako ng bubog. Madilim huhuhu! Ayokong gumamit ng flashlight baka makita nila ako nang tuluyan." Unti-unting naging pabulong ang boses niya. Nagbigay ito lalo ng lamig sa kabuuan ko.


"Tef, makinig ka, magtago ka lang at maghanap ka ng bagay na pwede mong gamiting pang-self defense. Pupuntahan kita. Promise." Habang nakatutok pa rin ang cellphone sa tenga ko, dali-dali akong kumuha ng bag sa aparador ko at naglagay doon ng kung anumang makuha ko sa drawer kong sa tingin ko ay makakatulong. Flashlight, cutter, at first aid kit. Kailangan kong magmadali.



"Bessy salama-" Biglang naputol ang linya ni Teffy. Shit! Ano? Saan ko siya hahanapin?



Isang tao ang agad pumasok sa isip ko na matutulungan ako. Agad akong nagchat kay Vaughn. Bahala na kung online siya o hindi. Isinukbit ko agad ang bag ko sa akin, bumaba mula sa kwarto. Hindi ko na nagawa pang magpalit ng damit dahil emergency. Hindi ko alam kung nasaan si mama. Wala rin sa kwarto niya. Papa-text ko sana si Kuya Fred para may service ako. Ang malas!







Above HeavensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon