Seventeenth Glitch

30 4 0
                                    

Flashback ( Two years ago)

Third Person's POV


“Dad please, it’s my boyfriend’s party. Payagan mo na ako please?” Pakiusap ng dalaga sa ama upang payagan siya nito na magtungo sa karatig siyudad para sa party na gaganapin sa mismong bahay ng kanyang nobyo, isang linggo bago ito mangyari.

“Sabi ko naman sa'yo diba anak delikado? 'Di mo ba nabalitaan na may pumapatay sa Woodmiste City?” Napailing na lang ang ama habang sinusuot ang unipormeng pang-pulis na nakaharap sa malaking salamin sa kanilang sala.

“Dad naman! Promise I’ll be safe po. It’s a booze party! And my boyfriend's-“ Natigilan siya sa pagsasalita  nang biglang mapaso ng plantsa ang kaliwang kamay.

“Wala akong tiwala sa lalaking 'yan. Sinabi ko naman sa 'yo diba? Hindi ko nga alam na nakakaabot ka sa kabilang lugar. Nababarkada ka yata masyado?” Napailing na lang ang ama at isinuot ang cap.

“Ouch. Dad sige para ma-assure mo na ligtas ako, I’ll bring my brother with me.” Binunot niya ang saksak ng plantsa at lumapit sa ama. “Please?” Pinagdikit ng dalaga ang dalawang kamay na animo’y nagdarasal.

“'Wag mo idamay ang kapatid mo rito Monette!” Bahagyang nagulat ang pulis sa kanya mismong naging reaksyon. Napagtaasan niya ng boses ang anak na madalang lang mangyari.

“You’re so damot dad!” Padabog itong naglakad, kinuha ang plantsadong uniporme sa pakabayo at saka umakyat tungo sa kanyang kwarto.



“Daddy 'wag mo pong payagan si Ate. Ang scary ng news doon nabasa ko sa dyaryo natin. Dadamay pa ako kaloka!” Narinig ng nakababatang kapatid ang pagtatalo ng ama at kapatid kaya naman nagmadali siya sa paliligo, nagtapis at pumunta sa kinaroroonan ng ama.

“Anak, hindi talaga. Ano na lang sasabihin ng mommy ninyo diba? Baka isipin niyang pinababayaan ko kayo.” Tinapik niya ang balikat ng anak at ngumiti.

“Ay dad ganda mo sa part na 'yan! Pak! Mommy in heaven! Kung naririnig mo ako, ang pak din ni ate! Pakshit!” Sigaw nito habang nakakapit sa tuwalyang nakatapis sa babang parte niya. Natawa naman bahagya ang ama.

“Sige na anak, pasok na ako. Bantayan mo ate mo baka tumakas. Busy lang talaga sa duty.”

“Bye papshiebels!”





Hindi naging maganda ang maghapon na 'yon para kay Monette. Ni ayaw niya ngang makinig sa propesor niya. Naisipan niya sanang pumunta sa bar, pero naisip niya na magpa-'good shot' muna sa ama. Baka sakaling payagan siya nito. Dalawang buwan palang ang relasyon nila ng nobyo, pero ginagawa niya na itong mundo. Kaya naman, kahit sa kabilang lalawigan pa ito, gumagawa siya ng paraan upang madalas silang magkita kahit tutol ang ama niya sa relasyon nila.




Nang araw na 'yon, pagkauwing-pagkauwi niya mula sa klase, dumiretso siya sa kwarto para mahiga at makapagpahinga. Inihagis niya ang bag sa kama, padabog na hinubad ang black shoes, niluwagan ang ribbon na suot. Humilata siya nang payapa sa malambot na kama at napapikit. Nakararamdam na siya ng kaunting antok nang bumwelo siya patagilid upang yakapin ang unan sa gilid.

Nagmulat siya nang makapa ng kaliwang paa ang kakaibang tekstura na nasa kama niya. Bumangon siya sa pagkakahiga at kinuha ang bagay na nadaganan ng paa.

Maliit na puting papel na tila ba pinunit lamang. Medyo lukot din ito. Hawak niya ito sa kanang kamay at saka ito tinitigan. Halos malaki lang ito ng kaunti sa pangkaraniwnang sukat ng sticky note.

Above HeavensWhere stories live. Discover now