Second Glitch

55 5 0
                                    

V A U G H N

"Lamunin ka sana ng blackhole!" Sigaw ni Vil sa kaklase namin ngayon na inagawan siya ng arm chair. Vil is a gay. Kwela. Siya madalas ang kausap ng prof namin dito. Classmate ko rin siya sa P.E. Nilapag niya 'yong bag niya sa katabing upuan ko.



"Hi Vaughn! Can I sit here? OMG thank you! You're so bait!" Vil asked enthusiastically. I just gave him a nod.




It's 2:30 PM. I can't feel the heat inside this room. Todong-todo yata 'yong aircon. Nagsisipasukan na ang mga kaklase ko ngayon sa subject na 'to. Big History ang klase ngayon. Maya-maya ay dumating na rin si sir. He's on his early 40's, fat and bald. May pagka-tamad.



"Good afternoon Set 15!" Masiglang bati nito.



"Good afternoon Sir!" We responded in unison.



"Nabasa niyo naman sa Google classroom na may group activity tayo today 'di ba?" Ibinaba niya ang mga bitbit niya—laptop, at pencil case.



'Yong iba 'opo' raw. 'Yong iba nagpanggap na walang alam..



"Huh? Meron ba? Kala ko next week pa 'yon?" Someone uttered. Mukhang pinanganak kahapon.



Our professor raised his right hand signaling declaring silence.




"Na-print niyo na ba mga handouts? Andoon 'yong activity sheet?" Sa laki ng katawan niya, napagod na siguro katatayo. Naupo siya sa monoblock chair.



"Sir si Candary po inassign ni'yo." Vil answered him. Pinalobo pa nito ang chewing gum niya. Hindi naman siya sinita.



"Okay. 'Asan si Candary?" Our prof roamed his eyes.



Shit. Kaklase ko nga pala 'yong Candary na 'yon dito. Naalala ko tuloy 'yong nangyari noong isang araw. She's asking me if I like her. May dumaang tricycle sa harap namin at nagmadali kong pinara 'yon at sumakay agad. I left her there. Sana hindi siya pumasok ngayon.



Biglang namang bumukas 'yong pinto. Iniluwa nito ang babaeng hinihiling kong 'wag makita ngayon. Lady Luck didn't favored me today.



"Good afternoon po sir, sorry I'm late." May dala siyang makapal na bond paper at mukhang hingal na hingal na inakyat 'tong building. Umiwas agad ako ng tingin.




"Kindly distribute those handouts and activity sheets Ezplasa. Paluwado ka pa pala."  He chuckled. Nagsimula nang magsulat si Sir sa whiteboard.



"Okay po sir." She smiled ignoring her sweats. Baka nabigatan sa dala. 50 kami sa klase at ang kapal ng handouts na dala niya.

Above HeavensWhere stories live. Discover now