Muli akong tumungga nang maramdaman ang mga butil ng luha sa aking mata. Pumikit ako at hindi iyon hinayaan na bumuhos.

Lumipas ang mga oras na halos nakaka-limang bote na ako ng alak. Muli akong humingi ng ilang bote at patuloy lang sa pag-inom.

Nakakaramdam ako ng hilo ngunit hindi ko iyon ininda habang patuloy pa rin sa pagtungga ng bote. 

Sumapit ang gabi at halos puro alak na ang dumadaloy sa aking katawan. Mas dumami ang tao sa loob ng bar at karamihan sa kanila ay naglilibang lang. 

Tumayo ako habang hawak-hawak ang isang bote. Naglakad ako patungo sa gitna habang nakikisabay sa masayang tugtugin.

"Woooh! Sino rito may kaibigan?!" Sigaw ko at halos isinabay ko pa ang lakas ng aking boses sa lakas ng music.

Marami ang nagsitaasan ang kamay. Halos pala nang nakarinig sa akin ay nagtaas ng mga kamay.

Tumawa ako nang malakas at halos pagewang-gewang pa mula sa aking kinatatayuan.

"IIWAN DIN KAYO NG MGA KAIBIGAN NIYO!" Natatawang sigaw ko at saka muling linagok ang laman ng bote.

Naglakad muli ako sa pinakagitna at saka tumayo sa isang upuan. Itinaas ko ang bote na hawak ko at muling tinignan ang mga tao na nakatingin sa akin.

"SINO RITO ANG INIWAN NA NG KAIBIGAN?! TAAS KAMAY! WOOOH!" Mas itinaas ko ang aking kamay na may hawak na bote.

Nakita ko ang pag-iling ng ilang mga tao at ilang saglit ay may lumaapit na lalaki sa akin.

"Sir, bawal po manggulo rito."

Bumaling ako ng tingin sa kanya at saka siya pinanliitan ng mata. Muli siyang nagsalita ngunit hindi ko masyadong narinig kaya napangisi na lang ako sa kanya.

"ANO?! INIWAN KA RIN NG KAIBIGAN MO?!" Tumawa ako nang malakas at halos kasing lakas no'n ang music na nagpe-play sa loob ng bar.

"Sir--"

"ANG SAKIT 'DI BA?! MAS MASAKIT YUNG IPINAMUKHA SA 'YO NA MAGKAIBIGAN LANG KAYO!" 

Nabitawan ko ang bote na hawak ko hanggang sa tuluyan na iyong nabasag malapit sa aking paanan. Ilang saglit ay may dalawang lalaki na lumapit sa aking likod at saka mabilis na hinawakan ang aking kamay.

"Sandali!" Pagpupumiglas ko sa mga humawak sa akin.

"Sir, lasing na po kayo! Mas mabuti po na umalis na kayo," sabi ng isang lalaki na humawak sa akin.

Hihilain na sana nila ako ngunit muli ko silang pinigilan.
 

"MAY ISA AKONG BABALA!" Sigaw ko. Napatingin ang lahat sa akin at natigil din sa paghila ang mga lalaki sa akin.

Ngumisi ako hanggang sa maramdaman na may pumatak na luha sa aking mata.

"Huwag kayong magmamahal ng kaibigan! Mas masakit pa sa dinanas ko ang mararanasan niyo!"

Sabay-sabay na bumuntong hininga ang mga tao at nag-iwas ng mata sa akin. Pati ang dalawang lalaki ay umiiling-iling din. Nakakunot naman ang noo ko na tinignan silang lahat. 

Tila nanghina ako sa pagkakataon na walang nakinig sa akin. Nakita ko na lang ang sarili ko na nagpapahila sa dalawang lalaki hanggang sa marating namin ang labas ng bar. 

"Pag-ibig nga naman."

Rinig kong saad ng isang lalaki nang makalabas kami ng bar. Binitawan nila ang kamay ko at saka itinulak palayo. Halos madapa pa ako hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko.

Friendly Love [Novella Version]Where stories live. Discover now