Chapter 47

108 3 0
                                    

Chapter 47



Naalimpungatan ako sa tunog ng gitara. Nalipat agad ang paningin ko sa nakaupong Primo sa sahig, sandalan niya ang kama at mahinang kinakalabit ang hawak na instrumento.

I remained laying, hindi na pinaalam sa kaniya ang pagkagising ko. Pinakinggan ko na lang ang tunog at naghintay sa pagkanta niya.

Mukhang wala siyang balak kumanta. Until he saw me awake that made him stopped from what he was doing. 

"I'm sorry. Sana pala ay sa labas na ako." he then put down the guitar and went back beside me.

"Ayos lang. Kakagising ko lang din naman."

He pressed his lips and nodded. Muli kong nilingon ang gitara niya. Bakit hindi na lang siya magpatuloy at kantahan na lang ako? I missed that.

"It's still 5. You want some snacks? Gagawa ako." tinukod niya ang siko sa ulunan ko habang nakatagilid siya sa'kin.

I tried to nod even I could feel my head's hurting. Nang sinubukan kong kumilos at maupo ay parang bumigat ang katawan ko.

"Are you okay, Chen? May masakit ba sa'yo?" nag-alala niyang agad na tanong.

Hindi pa man ako nakakasagot nang hipuin ni Primo ang noo't leeg ko. I stiffened upon realizing something.

"May lagnat ka." anas niya sa mas lalong nag-aalalang boses. "Stay here. I'll get you food and medicines. 'Wag ka ng gumalaw pa."

I nodded like a kid. Humalik siya sa ulo ko bago nagtatakbo palabas. Nanghimutok ako nang mapag-isa. Bakit pa ngayon ko pa naramdaman itong panghihina!

The rain is still pouring but not as hard as earlier. Bagaman ay malamig parin, mas lalo pang lumamig ngayong nilalagnat nga ako. Even my body and head is quite aching.

Hinila ko ang kumot pataas sa leeg ko. Ang malas-malas talaga. Hindi ko alam kung nagkaroon ba ako ng bakasyon na matino't masaya o paulit-ulit lang talaga akong dinadapuan ng kamalasan.

Si Primo lang ang nakakatuwang dumating sa bakasyon ko. Sounds corny.

"Ang bilis mo dapuan ng sakit. Parang kanina lang, gumala pa tayo." iling-iling na sambit ni Primo habang hinihipan ang sopas.

"Baka masyado lang akong nalamigan doon sa Aloha. Hindi rin naman ako nagkakasakit ng matagal. Mawawala din 'to kinabukasan."

There's a bed table made of wood between us. Doon ay may nakalapag na mangkok na sopas, mga nakahiwa ng prutas at hindi malamig na tubig.

"I'm glad Nanay Estella cooked us this soup. Makakabuti ito sa'yo kaya ubusin mo." saka niya dahan-dahang pinasubo sa'kin ang hinipan niya sa kutsara.

"Busog pa ako." I slightly avoided my face from the spoon. Hinawakan ko ang hindi gutom na tiyan.

He heaved a shallow sigh and stared at me, still his hands in the air with the spoon he's holding.

"Normal 'yan sa nagkakasakit pero kailangan mong kumain para magkalaman ang tiyan mo. And you can't take medicines without something in your stomach. Unless if our baby's already there..."

Mabilis kong inagaw ang kutsara sa kamay niya habang madilim ang tingin sa kaniya. Kung anu-anong mga pinag-iisip nito.

"Hindi tayo makakagala bukas. Dito na lang tayo buong araw, kung ganoon? O baka uuwi na lang din tayo bukas?" I asked while my eyes on the soup.

He crossed his legs as he rested his elbow there. Nangalumbaba siya sa harap ko habang abala ang isa niyang kamay sa pagpapahid ng dumi sa labi ko.

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now