Chapter 46

123 3 0
                                    

Chapter 4



Walang pinagkaiba ang mansiyon doon sa General Tinio at dito sa Carranglan. Iyon nga lang, mas kapansin-pansin nga talaga ang pagiging antigo ng bahay na'to kumpara doon sa kanilang modernong bahay.

I didn't have the chance to roam around the house. Ni makausap at makasama pa ng matagal ni Primo si Nanay Estella ay hindi na rin nangyari.

"Mag-ingat kayo!"

Tipid akong ngumiti kay Nanay mula sa loob ng sasakyan. Primo was busy turning on the engine so he didn't see how Nanay leered at me.

Kumaway si Primo sa matanda bago kami nagsimulang bumyahe. Isinawalang-bahala ko na lang iyong madalas na pag-ismid sa'kin ng matanda.

She doesn't like me, alright! Hindi ko naman iyon mapipilit na gustuhin ako. Pero sa susunod, sana naman ay hindi ko na marinig iyong pang-aalipusta niya sa'kin sa harap ni Primo.

"Sigurado ka bang gusto mong mag-hike? Hindi na nanghahapdi ang mga sugat mo?" sumulyap siya sa'kin.

"Hindi na. T'saka, ikaw naman ang nag-suggest na pumunta tayo doon sa bundok na sinasabi mo!"

"Yeah. But I thought you wouldn't like walking for a long distance. Eh, ang tamad mo."

"You don't know me well, aren't you?" nagkibit-balikat ako. "Pumayag lang naman ako sa sinabi mong umakyat sa bundok na iyon dahil ayaw kong mapahiya ka kapag tumanggi ako! At isa pa, mukha namang maganda doon! Who helped you suggest?"

"Ako lang! Taga dito ako, 'no. I've been there once with the band. At maganda talaga doon. Hindi mo pagsisisihan."

Malapit lang ang Baranggay Puncan sa pinanggalingan namin kaya hindi na umabot ng higit tatlumpong minutong byahe.

Saktong nag-alas syete na nang makarating kami. May araw ng sumisilip at pinagpapawisan na rin kami kahit hindi pa man tuluyang sinimulan ang pag-akyat.

"Sana ay madaling araw tayo pumunta dito. Ang init-init na." reklamo ko habang nagbabayad si Primo sa fees.

"Sana pala ay bukas na tayo pumunta."

"Anong bukas? Bukas na ang uwi natin pabalik sa Manila."

Umirap siya. Ayaw man namin ng guide, wala kaming choice kundi sundin ang sinabi ng head of the association.

Nakakabuti rin iyon papaano para hindi kami maligaw o ano pang insidente ang mangyari sa kalagitnaan ng pagha-hike.

I'm kind of comfortable with the tour guide. Babae at mas matanda ng ilang taon sa'min. Though oftentimes, napapatingin siya sa kasama ko.

"Sabihin mo lang kung pagod ka na." Primo whispered as we started walking at the sloppy flat surface.

Napuputikan na nga itong puti kong sapatos at sa kay Primo din. Habang iyong si Hannah na guide ay kalmado lang.

"Bakit? Isasakay mo ako sa likod mo kapag pagod na ako?"

"Hindi. Tumigil ka na lang at hintayin mo akong makabalik."

I glared at him. "Walang kuwenta."

Tumawa siya at tinulungan akong maglakad. Kasabay ng pagku-kuwento ni Hannah sa kasaysayan ng Mt. 387, ay ang paminsan-minsang paglalandi ni Primo sa tuwing hindi nakatingin sa'min ang babae.

Sa inis ko ay siya ang pinadala ko sa back pack ko. Wala siyang reklamo at tinutulungan pa ako sa paglalakad.

Kasunod ng maputik na daanan ay ang matarik ng karayagan. Dala ng pagod, huminto muna kami saglit. Kitang-kita ko na mula dito ang mga puno ng pino.

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now