Chapter 21

86 3 0
                                    

Chapter 21






"Are you sure you won't put lipstick, Chen? Parang hindi naman namula ang liptint na nilagay mo. " si Tita na kinuha pa ang chin ko at pinaharap sa kaniya.

"Ayoko ng lipstick. "

Umangat ang gilid ng labi niya at binitawan na ako.

It's really not my thing to use lipstick on my lips. I'm still Grade 11, hindi ako natutuwang pulang-pula na ang lips ko sa paglabas gayong ang bata ko pa. Liptint is okay as of now.

Nakitingin-tingin pa siya sa mga gamit ko at hinayaan ko na. Muli akong humarap sa salamin at inayos ang buhok.

I chose to wear a pink blouse and a cropped pants, sa paa ko ay ang loafer na bigay ni Primo sa'kin.

Weekend ngayon kaya magtutugtug ang Omorfos sa Tittup. Primo and the three invited me. Maliban nga lang kay Acel.

"Ayos na ba kay Sabine na kayo na ni Primo? Mukha kasing nitong mga nakaraang araw, napapansin kong hindi na umiimik. "

Natigilan ako sa pagtali ng buhok. Nang nilingon ko si Tita ay kibit na ang balikat niyang naghihintay ng tugon ko.

"Ewan ko sa babaeng 'yun. Kinausap naman 'yun ni Primo, eh. Baka broken hearted kaya tahimik, Tita?" tumawa ako.

Napabuntong-hininga siya sa'kin. Pinagpatuloy ko nalang ang pagtali sa buhok.

Nang may kumawalang baby hair ay inipitan ko ng hairpin.

"Chen, alam mong nakikinabang din tayo sa perang pinapadala ng pamilya ni Sabine. Pwedi namang pakitunguhan mo siya ng maayos, 'diba? O pagpasensiyahan mo nalang ang pinsan mo. "

Natikom ko ang bibig habang pumipili na ng sling bag.

"Huwag mo nalang patulan ang ugali niya. Kapag kasi nanlaban ka pa, syempre, hindi 'yun magpapatalo." pagsasalita niya ulit.

Humarap ako sa kaniya na hawak-hawak na ang itim na bag.

"Kapag sumobra na, Tita, hindi parin ba ako manlalaban? "

"Of course, you can. Pero sana ay hanggang sa pananalita ka lang, Chen. "Wag ng paabutin na nagsasakitan na kayo. Ayoko ng gulo sa bahay na'to, naiintindihan mo?"

Tipid akong tumango. Gusto ko mang sabihing si Sabine ang dahilan kung bakit ako nakabukol noong nakaraang araw, wala rin namang mangyayari.

Nangyari na ang nangyari at nawala na rin naman ang pamamaga ng noo ko.

Sabay kaming sumilip ni Tita Helen nang makarinig ng busina. May naka-park ng Sedan sa harap at nasa labas na rin si Primo.

He was wearing jeans and a plain v-neck shirt, and then a chunky sneakers. Paniguradong Dior na naman iyon.

Nagkatinginan kami ni Tita at sabay ring bumaba.

"'Wag mong pagabihin sa pag-uwi itong si Chen, Primo. Mag-ingat rin sa pagmamaneho. " sabay tulak ni Tita sa'kin kay Primo.

Pinanlakihan ko ng mata si Tita. Pareho kaming nagulat nang humakbang si Primo palapit kay Tita para magmano.

"Maaasahan mo ako, Ma'am. " aniya.

Lumayo si Primo at lumapit sa'kin. Naiwan naman sa ere ang kamay ni Tita, parang hindi makapaniwalang may nagmamano na sa kaniya.

Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na, saka ko na hinila si Primo sa loob ng sasakyan.

Kumaway ako kay Tita Helen habang nagmamaneho na palabas ng subdivision si Primo.

"Hindi nagpapa-mano si Tita." agad kong sabi sa kaniya.

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now