Chapter 16

81 4 0
                                    

Chapter 16





"Saan ang punta ng babaeng 'yan?" agad kong tanong kay Tita Helen nang makitang nagmamadali sa pagbaba si Sabine.

She partnered her mini skirt with a top underneath her long jacket. Ewan ko kung saan ang punta niya pero naka-kitten heels siya, malamang may date 'yan.

"Pinsan mo 'yan, Chen. " giit ni Tita.

"May sinabi ba'kong hindi?"

Sinamaan niya ako ng tingin at napailing-iling nalang sa'kin.

Nagpatuloy ako sa pagbo-browse sa laptop, hindi na muling tinapunan ng tingin si Sabine na tumitingin-tingin pa sa salamin na nasa sala.

"May lakad ka, Sab? Bukas na ang klase niyo, ah. Hindi ka ba muna magre-relax?" lumapit si Tita sa kaniya.

Sabine tittered. Muntik ko ng ibasag ang mouse sa table nang marinig ang hagikgik niya.

"May date ako, Tita. Wait, you didn't saw him yesterday? Hinatid ako ni Primo kahapon. Sayang at hindi mo nakita. "

Tuluyan akong natigilan sa ginagawa. Igting ang bagang ko na nilingon si Sabine.

Ayos na ayos ang mukha niya ngayon samantalang ang sa'kin ay may sugat pa sa pagkalmot niya kahapon.

Sumipat ng tingin sa'kin si Sabine at ngumisi. I don't think if she knew about what I did to Primo. Sa mga ginagawa niyang 'yan ay mukhang nagpapaselos.

"'Wag ka lang magpapaloko. Ako ang malilintikan ng Papa mo kapag nasaktan ka sa mga ganyanan, Sab." pangaral ni Tita.

"Trust me when I say he won't cheat. Hindi pa nanliligaw pero papunta na din kami do'n, Tita."

Gustuhin ko mang tumawa dahil sa sinabi niya, pinili kong manahimik na lang.

Hindi nga din nanligaw si Primo sa'kin pero nanloko na. Iyang kalandian at pagka-easy to get niya, 'yan ang magpapasakit sa kaniya sa huli.

Iniisip ko pa lang na naloko siya ni Primo o ginamit lang ay rinig na rinig ko na ang halakhak ko.

Nawala ang ngisi ko nang marinig ang busina ng sasakyan sa labas. Nagmamadaling naglakad palabas ang dalawa at naiwan akong nakamaang sa loob.

I can't believe Primo is doing this. He's really up for vengeance! I could feel it! Walang kabuluhan ang plano niya hanggat hindi siya magigising sa kaalamang sa aming dalawa, siya ang nanloko at nagsinungaling!

Hindi man ako tuluyang bumigay sa kaniya, nagmukha parin pala talafa akong tanga.

"Napaka-guwapong binata pala ang Primo na 'yun. Oh, Chen? Bakit hindi ka man lang nakisilip sa ka-date ng pinsan mo kanina? "

Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Tita. Sumipat ako ng tingin sa bintana, nagbabaka-sakaling nakaalis na ang dalawa.

"Anong gagawin ko sa guwapo? Kay Sabine na 'yun, eh. Gusto mo agawin ko?" umismid ako.

Nang nagtangka siyang itulak ang sentido ko ay mabilis akong lumayo habang bitbit na ang laptop.

"Ewan ko sa'yo! Delikado talaga 'yang bunganga mo. "

Iling-iling at nakapameywang siyang nagtungo sa kusina. Nagmartsa ako papuntang ikalawang palapag at doon pinagpatuloy ang ginagawa.

Nang mag-facebook, walang new messages ang bumungad sa'kin. Walang nangangamusta mula sa Cagayan at sa school ko, gayunman ay hindi na ako nabigla.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong tiningnan ang message.

From Isacc:

Tittup tayo mamaya? 7 PM.

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now