Chapter 25

81 3 0
                                    

Chapter 25




"Saan tayo pupunta?" I asked Primo.

While his elbow rested on the car's window, he looked at me with smile plastered on his face.

"Condo. " tipid niyang sagot at binawi ang tingin.

Saglit akong nagulat bagaman ay hindi na nagtanong pa. Kibit ang balikat kong lumingon sa labas.

Ang aga-aga, sinundo niya ako at sinabing mag-uusap daw kami. Hindi na namin naabutan si Tita Helen kanina sa bahay kaya sa text nalang ako nagpaalam. Mabuti naman pumayag.

Tahimik ako buong byahe. Panay sulyap ang katabi ko at paminsan-minsa'y tumitikhim.

Inis parin ako sa ginawa niya kagabi. Ang magalit siya sa nakita niya kagabi sa'min ni Acel ay kaya ko pang patawarin agad.

Pero dahil nanuntok siya, hindi ko pweding e-tolerate 'yun kahit pa sa totoo, forgiven na siya.

Kapag sinabi kong napatawad ko na siya, masasanay siya at iisipin palagi na ayos lang ulitin iyon o higit pa roon kasi marupok naman ako dahil napapatawad ko agad. That's insane!

"Uuwi ako before ala-una." agad kong sabi nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Mariin siyang tumingin sa'kin at hinuli ang kamay ko.

"Uuwi ka before ala-sais." giit niya at saka ako hinila.

Nanghimutok ako at hinayaan siyang marahan akong kinakaladkad. Maging sa loob ng elevator ay tahimik ulit kami.

When we reached our floor and the elevator opened, may dalawang babae ang natigilan nang makita ang kasama ko. Nakangiting nagbulungan sila at gumilid para makadaan kami.

Pumulupot ako sa braso niya nang lumabas kami at nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Magluluto ka? Anong lulutuin mo?" tanong ko, nagpaparinig sa dalawang babae.

"Hindi ako marunong magluto."

My mouth fell opened and annoyance transformed my face. Hindi ko na nilingon ang dalawang babae sa kahihiyan at kinurot siya sa inis.

"Mag-order nalang tayo. Anong gusto mo?" tanong niya.

Hindi ako tumugon. Tinanggal ko ang pagkakapit sa kaniya at nagkibit-balikat ulit. Walang ka-sweet sweet ang isang 'to!

"I'm the worst when it comes to kitchen chores, Chen. Ano nga ang gusto mong kainin? Mag-oorder na lang tayo." ulit niya at pinaharap ako.

"Beef steak."

"Iyon lang?" his brows furrowed and I nodded. "'Wag kang mahiyang mag-request. Kahit pa baka ang hihilingin mo, ibibigay ko. "

Kumukurap nalang ako sa ka-cornyhan niya. Ngumuso siya at binuksan na ang pintong nasa likuran ko. He grabbed me inside.

Bumungad sa'kin ang maaliwalas at malinis na unit niya. Puti at itim ang primary color. I've lost my words on its simpleness.

Sa pader, doon nakadikit ang malaking TV. Sa ibabang bahagi ay may cupboards na may mga CD players at video games. Syempre, may stipa din na kulay puti at mga itim naman na pillows.

Nakasabit doon sa wall ang ilang painting, pictures at ilang mga awards. Gusto kong puntahan at suriin isa-isa ang mga 'yun pero hinila ako ni Primo palayo.

May isa pang mas malaking cupboard na nagsisilbing pader sa pagitan ng living room at kitchen. Sa loob ng mga shelves doon ay ilan pang picture frames, wines, diferrent sizes of shot glass at ilang collections ng mga album.

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now