Chapter 4

148 7 0
                                    

Chapter 4




On the 2nd day of our tour package, we went to Cathedrals, mga monuments at iba pa. Katabi ko parin si Primo sa bus pero hindi naman siya nanggugulo.

I scanned his dress secretly. Busy din kasi siya sa pagtingin-tingin ng mga pictures sa DSLR niya kaya hindi naman siguro niya mapapansin ang tingin ko.

Suot niya ang short pants niyang above the knee. My eyes stopped at his knee. May sugat doon pero kaonti lang. Then I remember what I did last night. Nasipa ko nga pala siya gamit ang takong ko. I somehow felt sorry.

"What? Staring is rude. "

Naiwas ko agad ang tingin sa kaniya.

"Assuming ka. "

"Kailan mo balak ibalik sa'kin ang sandals ko? "

"Nasa Hotel! Kunin mo mamayang gabi. "

Hindi na'ko tumingin sa kaniya dahil titig na titig siya sa'kin. I don't know why I felt uncomfortable with his stares.

"Isacc, narinig mo 'yun? Mamayang gabi daw. "

"Narinig mo ba kung anong gagawin nila, Chaz?"

"I'm not sure. Pero mukhang gagawa sila ng croissants na walang filling. "

Naikot ko ang mata sa mga bulungan nila Isacc at Chaz sa likuran namin. Ang sarap ipag-salpok ang ulo nilang dalawa. Isali na rin si Primo. God, they're so obsessed with croissants!

Nagpunta kaming Notre-Dame Cathedral na hindi namin nagawang puntahan kahapon. Nasa likuran ako ni Ate Bianca habang panay kuwento at salita siya. Ang dami ko pang nalaman at napuntahan sa France dahil sa kaniya. Minsan, siya pa ang kumukuha ng mga pictures ko.

Napahinto kami sa facade ng Cathedral, kitang-kita namin ang mga kahali-halinang sculptures, gragoyles at iba pa. Naiangat ko tuloy ang phone ko para kumuha ng litrato pero full storage na pala ako!

"Madame Chen, picture-ran kita. " lumapit bigla si Aiken sa'kin.

Napangiti ako. He really took photos of me. Nang tingnan ko ay ang ganda ng mga shots. May mga candid pa ako doon. Nang maglahad siya ng kamay sa'kin ay natigilan ako.

"3 Euro. Pambili ng memory card."

Napamaang ako. Dumating si Primo at tinulak palayo si Aiken. Ang ungas na 'yun, pine-perahan pa'ko!

"Doon ka kay Acel mangulit. Bantayan mo 'yun, baka mamaya bumalik na 'yun sa bus. " tinulak ulit ni Primo si Aiken.

"Ayoko. Ang tahimik masyado ni Acel! Mapapanis saliva ko sa kaniya. "

"Aiken, doon ka na sabi. " inis na pamimilit ni Kade.

Nakangusong lumingon si Aikem sa'kin at naglahad na naman ng kamay sa'kin bago tumalikod. Nanghimutok ako at iniwanan si Primo. Nagkahiwa-hiwalay kaming lahat at sa facade na kami magkita-kita after 20 minutes.

Napunta ako sa sanctuary. I'm unable to take pictures kaya naglakad-lakad at tingin lang ako ng tingin.

"Pwesto ka do'n. "

Napabaling ako kay Primo na nasa tabi ko na. I blinked twice.

"Don't worry. I won't ask a payment for taking you a pictures. "

"No thanks. " nagkibit-balikat ako at tumalikod.

Naglakad ako palayo pero sumunod naman siya. Nang huminto ako sa north transept ay nakabuntot parin siya. May naririnig pa'kong tunog ng pag-click panay ang lingon ko sa kaniya. Ang loko ay kunwari sa iba nakatutok ang camera.

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now