Chapter 1

480 10 8
                                    

Chapter 1




"Mama, uuwi po ako ng Pilipinas at mag-aaral ako! I can't just stay here to work! Hindi ito ang pangarap ko!" sigaw ko sa kaniya.

Napalunok ako nang magsimulang manubig ang mata ko. Mama shook her head while massaging her temple.

Pinapasakit ko na naman ang ulo ni Mama. Kakagaling lang niya sa trabaho tapos mag-aaway na naman kami?

"Bakit hindi ka dito mag-aral? Nang sa ganoon, maalagaan kita dito, Che. Hindi pweding mag-isa ka doon sa Pilipinas! Nandito ako sa France, nagta-trabaho para sa'yo kaya pweding dito ka na rin! "

Umiling ako. Hindi niya maiintindihan.

"Cheyenne-"

"Ni hindi niyo nga mapangalagaan ang sarili mo kaka-trabaho! Kahit dito, hindi mo magawang pagtuunan ako ng pansin. Sa Pilipinas, masaya ako doon! Mama, nandoon ang buhay ko. " giit ko.

Tumayo siya at nagpunta sa kusina. Sinundan ko siya at halos manlumo ako nang makitang kumuyom ang kamao niya habang nakatitig sa maliit na table. Shit, hindi ako nakapagluto.

"You don't even know how to cook. " malamig na bumaling siya sa'kin. "I can provide all your needs, I can enroll you to a prestige University here if that's what you want, anak. Dito ka nalang kay Mama. "

Inis na pinahiran ko ang luha at umiling sa kaniya. Hindi talaga niya maiintindihan. She started working here in France when I was still in 14. Wala na si Papa kaya mag-isa si Mama sa pagkayod.

Doon ako kay Tita tumitira habang nasa ibang bansa si Mama at ngayon lang ako nakapunta dito.

Kung alam ko lang na ayaw na niya akong pauwiin ay hindi na sana ako pumayag na dito mag-bakasyon. France is a nice place, alright. Pero sa Pilipinas parin dapat ako babalik.

Nagpunta ako sa park at doon namahinga. Nandoon lang ako hanggang sa magsawa. I was checking my wallet if there's a money left inside but I suddenly bumped into someone.

"Je suis désolé, monsieur. (I'm sorry, Sir. )" yumuko pa ako.

Hindi naman ako pinansin ng lalaki. Naka-shades siya kaya hindi ko masyadong kita ang mukha niya. Sinundan ko ang lalaki ng tingin at napailing-iling na lang.

Tumingin ulit ako sa wallet ko at doon lang napansin na nahulog pala ang mga barya ko.

I bend-over to get those coins. May umubo bigla sa likuran ko kaya napaayos ako ng tayo. Nakapalda pala ako!

May nakaupong lalaki doon sa may bench at naka-shades na naman. He's crossing his arms across himself. Hindi ko alam kung umubo ba siya dahil may nakita siya habang naka-bend over ako o baka dahil wala because he's blind?

Lumapit ako sa lalaki at nilagay sa tabi niya ang mga coins ko.

"Bonjour. Take this money. "

I feel proud of myself. Parang ngayon lang ako nakagawa ng mabuti. Sa French man pa. Mama would be proud if I tell her what I did tapos papauuwin na ako sa Pilipinas.

"Hé, je ne suis pas aveugle! Ni pauvre! Toi, idiot! Comment oses-tu?! (Hey, I'm not blind! Nor poor! You, dumb! How dare you?!)" may sumigaw bigla.

Akala ko may nag-aaway na mga French na naman pero may tumamang parang barya sa ulo ko kaya humarap ako.

May nakatayo ng lalaki hindi kalayuan sa'kin at masama na ang tingin. Hindi blind 'yung lalaking binigyan ko ng Euro!

"Me?" I pointed myself.

Hindi makapaniwalang suminghap siya. He turned his head sideway habang hinahawakan ang panga niya. Ang ganda ng side profile niya. Matangos ang ilong, ang cute ng mata, matangkad. Para siyang hindi French. He's more like... Korean or Pinoy?

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now