Chapter 14

73 4 0
                                    

Chapter 14



"Cheyenne!"

Kumaway ako kay Tita Helen nang makita ko siya sa labas ng airport. Hinigit niya ako at mabilis na niyakap.

"Tita, I missed you! Ang bata mo pa rin!"

She giggled.

"Wala kasing lovelife kaya iwas problema ako. I missed you, too, Chen! Akala ko doon ka na sa France kasama si Cherry. "

Ngumiti nalang ako sa kaniya. Hinila niya ako papuntang isang taxi. Habang hinihintay na maipasok sa compartment ang mga bagahe ko ay nanatili muna kami sa labas.

Byuda na si Tita at hindi na nagkaanak. There's a problem on her matress so she couldn't bear a child, the reason why his husband cheated and left her.

Siya na rin ang nag-alaga sa'kin nang mag-abroad si Mama. I didn't have problems living under one roof with her dahil kapatid niya si Mama at hindi naman strikta.

Before I bound to France, hindi siya ganito kaganda. Hindi na halata ngayon na diborsyado siya.

"So ano? Kamusta si Cherry doon at anong nangyari sa'yo sa Pransiya?" malaki ang ngiting tanong niya.

"Workaholic parin si Mama. And I was fine there. Pina-tour package pa ako ni Mama bago ako umuwi. "

"Wow, Cheyenne! Parang nakakahiya ng humarap sa'yo. Amoy Pransiya ka ka na, eh. "

"Parang amoy Manila, Tita. " inamoy ko pa ang sarili ko.

Tumawa siya at hinila na'ko papasok sa taxi. Kung anu-anong tinanong niya sa'kin habang nasa byahe kami. Natigil lang nang tumawag si Mama kaya sumilip nalang ako sa labas.

Nang mayamot ay chineck ko ang cellphone ko. May mga messages na kanina pa na-received pero ngayon ko lang napansin.

From Unregistered Number:

This is Acel. Save my num.

From Unregistered Number:

Di ka nagpaalam, Madame. Si Aiken 'to :(

From Unregistered Number:

Hi, Madame. Break na kayo ni gago? This is Chaz.

From Unregistered Number:

hi, sa condo mamaya.

Sa panghuling text ako natigilan. It's Isacc for sure. Na-wrong sent ata. At some point, nagbabaka-sakali akong si Primo 'yun.

Nireply-an ko sila isa-isa bago binalik ang cellphone sa sling bag.

"Pag-uusapan namin ang tungkol diyan, Ate. Hindi ako sigurado kung papayag siya pero susubukan ko. "

Sumusulyap-sulyap sa'kin si Tita habang magkausap sila ni Mama. Nagkibit-balikat nalang ako at nagplanong umidlip. May kahabaan din kasi ang byahe papuntang Indahag.

Nagising ako nang tapikin ako ni Tita Helen.

Napasinghap ako nang makita ko ulit ang bahay. It's their mother's house. May kalakihan at kalumaan na pero kinumpuni noong isang taon ng isa pang kapatid nila Mama kaya kahit papaano ay gumanda.

Nasa syudad na tumira si Tito Carlito kasama ang pamilya niya kaya kami nalang ni Tita Helen ay ilang kasambahay ang pansamantala sa bahay na 'yun.

Ako ang nagbukas sa tarangkahan habang si Tita naman ang naghihila sa maleta ko.

Tahimik ang paligid nang makapasok kami.

"Noong nakaraang buwan, umalis ang dalawang kasambahay noong natanggal ako sa trabaho, Chen. Tayo nalang ang matitira dito." aniya.

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now