Chapter 12

81 4 2
                                    

Chapter 12



"Are you sure you want here? I know some famous restaurants nearby. " Acel smiled at me.

"Ayos lang dito. Nayayamot na'ko sa mga mamahalin. "

He pursed his lips and nodded while pulling a chair for me. Nagpasalamat ako nang maupo ako.

I watched him slightly raising his hand to catch the attention of a waiter.

"What do you want? Andouillette is famous here. Gusto mong matikman?" may tinuro siya sa menu.

Tumango ako dahil pamilyar sa mata ko ang itsura ng pagkain. Siya na ang pinapili ko ng ibang food at para sa dessert.

I don't know how to start a word while waiting for our order. Mabuti nalang at may malaking bintana sa tabi namin. Doon ako sumisilip habang naghihintay na magsalita si Acel.

"It's a classical French meal. Try it. " anas ni Acel nang dumating na ang mga food.

Sinubukan kong tikman ang sinasabi niyang Andouillette na classical French meal. Pinanood niya ang reaksiyon ko.

"Wow! Parang sausage lang pero may kakaibang amoy. " bahagya akong napangiwi.

"Dito, sabi nila, the worse Andouillette smells, the better it is. And it's a sausage made with the intestines, Chen. "

Saglit umawang ang bibig ko dahil sa mga nalalaman niya. Kung hindi lang siya nagtatagalog ay baka mas lalo akong naniniwalang French siya.

He doesn't look like his friends na parang may mga lahing Koreans o Chinese. Sa kanilang lima, siya at si Isacc lang ang hindi instik ang mga mata.

"Parang isaw lang. " mahinang sabi ko.

Narinig niya kaya tumawa siya. Nag-usap kami ng kung anu-ano habang kumakain at may mga nalaman ako sa kaniya at sa banda nila.

He really has big difference from his friends. Ang mga bagay na nagkakasundo sila ay ang kinuha at kukuning kurso dahil puro sila mga Business Ad, sa pagbabanda, sports at syempre sa babae.

Nailang ako nang maging sa pagpahid ko sa bibig ay nakamasid parin siya sa'kin. Hindi ko siya ma-espelling.

Ang dami na naming napag-usapan at hinihintay ko nalang ang gusto niyang sabihin sa'kin.

"Are you dating Primo?"

Saglit akong nagulat sa biglaang pagtanong niya.

"Kami? Kami ni Primo?" I laughed a bit.

Hindi siya umimik o tumango man lang. I knew it. He wanted to talk me because of Primo.

"Hindi siya nanliligaw..." halos pabulong kong tugon.

"Hindi siya seryoso, kung ganoon."

My heart inside me rumpled as I avoided his gaze. Parang biglang ang mga paruparo sa tiyan ko dahil kay Primo kanina ay naging bato.

"I know Primo. I've seen him fooling girls since then and up until now. Ayokong sa'yo mo maramdaman ang sakit na binibigay ni Primo sa mga babae niya noon. "

"Hindi naman ako magpapaloko." giit ko.

"I hope so. Hindi pa maayos ang gusot sa pagitan nila ni Isla. I know what she did to you yesterday. It could happen again, Chen. "

Hindi ako umimik at pinaglaruan nalang ang baso.

"If you're hurting, I'm here. You can run to me. " malumanay niyang sambit.

Tumitig ako sa kaniya, hindi malaman ang gagawin. He's too good for me. Hindi nakakapagtaka kung bakit ko siya nagustuhan noong unang araw sa tour package.

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now