Chapter 13

70 4 0
                                    

Chapter 13




I put down the Eyes and Lips Palette na binili ni Primo sa'kin doon sa boutique ng Dior, nang makarinig ng katok.

Niligpit ko ang mga kalat sa kama bago pinagbuksan si Primo. He was holding a box of pizza and drinks.

"Kaonti lang ang kinain mo kanina sa Lunch so..." he smiled.

"I'm actually full but thank you. Baka makain ko mamaya." sabay tanggap ko ng mga nilahad niya.

Mabilis kong nilapag iyon sa table at naupo sa kama, hinihintay ang pagpasok ni Primo pero nanatili lang siyang nakatayo sa pintuan.

Ngayon ko lang napansin na nakabihis na siya at parang handa ng umalis.

"Hindi ka ba lalabas para mamasyal, Chen? I can tour you around if you want me to. "

"Baka pupunta lang akong salon mamaya. Wala na'kong plano dito maliban doon. "

He nodded and roamed his eyes around my room. Tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya.

"Bakit hindi ka pumasok? May lakad ka ba?"

He slightly nodded and ran his hand through his hair. Mahaba na ang buhok niya kaya kahit sinusuklay niya pataas iyon, bumabalik sa dating ayos na pahati ang pwesto.

"We'll fetch Aiken in the airport. Biglang umuwi ang gago. Pero uuwi ako agad. Can I come with you?"

"Ha? Saan?"

"Salon? "

Pumayag ako dahil baka mabagot lang ako doon kapag wala akong kausap. Nang umalis siya ay sinubukan kong tikman ang bigay niyang pagkain.

Kagat-kagat ko ang pizza habang naghihintay na sagutin ni Mama ang tawag. Nakailang tawag pa'ko bago tuluyan niyang nasagot.

Kitang-kita ko siya sa screen at ang pagbabago ng histura niya. She looked so stress though I could see changes on her weight. Nanaba siya.

"I'm sorry ulit, Chen. Babawi ako next time kapag nagbakasyon ka ulit dito. Tayo mismo ang magsasama sa tour package. " malaki ang ngiti niya.

Ngumiti nalang ako. I couldn't speak. May bumabara sa lalamunan ko habang naalala ang hindi man lang niya pagsulpot sa'kin doon sa France kahit saglit bago ako umuwi dito.

I mighy breakdown if I try to speak.

"'Wag ka ng magtampo, anak. Nagta-trabaho naman ako para sa'yo, eh. Naiintindihan mo naman ako, 'diba?"

Hirap akong tumango.

"Mama, 'yung tungkol sa hinuhulugan mong bahay sa Padula subdivision..."

"Ah, buti nalang pinaalala mo, Chen. Nabayaran ko na ang kulang sa bahay. Sinabi ko na ang tungkol doon sa Tita Helen mo kaya kung sakaling lilipat ka na sa Manila, sasamahan ka niya. "

"Kami lang?"

Ang malawak niyang ngiti ay napawi. She turned her face sideways and drew in a long breath.

"Kailan ka titigil magtrabaho sa France, kung ganoon? Akala ko kapag maayos na ang titirahan natin sa Manila, uuwi ka na?"

"Anak, hindi pa sapat ang ipon ko. Itong dugo't pawis ko ay sapat pa lang para sa pag-aaral mo. Kung walang tumulong sa'kin sa pagbabayad ay baka hindi ko na tinuloy ang pagpa-plano para bahay na 'yan. "

"Tumulong?"

Sumikip ang dibdib ko sa nalaman. Napakuyom ako at ang nagbabadyang luha ay hindi tuluyang bumagsak.

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now