Chapter 36

85 2 0
                                    

Chapter 36



"Ingat ka doon, Chen, at balitaan mo kami. Saka ikamusta mo na lang ako kay Lucilius at sa pamilya niya. "

I smiled and nodded at Tita Helen. Hinigit niya ako at niyakap niya. Pagkatapos ay humarap ako kay Mama na muli akong pinangaralan.

"Oo nga, mag-iingat ako doon. " paulit-ulit kong tugon.

"Sigurado ka bang sa Indahag ka tutuloy, Chen?" nag-aalalang tanong ni Tita Helen. "Puwede ka namang mag-stay sa Tito Carlitos mo. Wala namang problema iyon sa kanila."

"Hindi po talaga. Nandoon si Sabine, eh."

Tita Helen's eyes crinkled at me, marahil naalala na naman iyong mga bangayan namin noon.

Bahagya akong lumuhod at hinarap si Channa na kanina pa tahimik. Kanina pa 'to nagmamaktol sa mga ipapabili niya pero hindi napabigyan dahil wala si Tito, hindi nakasama sa'min dahil maaga ang trabaho.

"When will you go home?" she pursed out her lips.

"Next week, makikita mo ulit ako. Don't miss me too much because I'd surely buy toys for you. " pang-uuto ko dahil maging ako, hindi siguradong may mabibili ako para sa sarili ko.

"Anong kind ng toys?" her eyes glittered with excitement.

"Boyfriend. " sagot ko at agad nakatanggap ng hampas mula kay Tita at Mama. "Joke. Akala ko ba hindi ka na baby?"

Mas lalo siyang ngumuso at niyakap na ako. I hugged her tight before I stood up. Muli kong niyakap sila Tita at Mama saka ako nagsimula ng humakbang palayo.

Kumakaway ako sa kanila hanggang sa hindi na sila nahagilap ng paningin ko.

Maging sa loob ng eroplano hanggang sa nakalapag na kami sa Cagayan ay patuloy parin sila Mama sa pagte-text. I replied to them when I finally found a taxi.

Mahaba-haba ang byahe at hindi ako puweding matulog. Delikado. Ang tagal ko pa namang hindi nakabalik dito kaya hindi ko na alam kung anong mga bagong modus ngayon.

Inabala ko na lang ang sarili sa pagbabasa ng ibang messages at kung anu-ano pa, kahit pa pagod ako sa byahe at ang sarap ng umidlip.

Isla suddenly called. Thanks, God.

"Did you arrived na?" pambungad niyang tanong sa'kin.

"Oo. Napatawag ka?"

"Saan ba? Cagayan Valley o Cagayan de Oro?"

Napasinghap ako sa kaniya. Hanggang ngayon, nalilito parin siya kung saang Cagayan. She's really not good in places though smart siya sa ibang bagay.

Kaya minsan nababalitaan ko nalang na nawawala siya dahil sa kamang-mangan niya sa mga direksiyon at lugar. Pati si Primo noong nasa Paris kami noon, na-agrabyado niya.

"CDO, Isla. " tamad na tugon ko. "Magdo-doctor ka niyan? Baka maligaw ka sa hospital at mamatay iyong pasyenteng naghihintay sa'yo. "

"Parang boba. Pero mabuti na lang at sa CDO ka pala. " tila nakahinga siya ng maluwag doon.

"Why? May problema ba?"

"Wala naman. Pero nagpunta daw si Primo sa Cagayan Valley, eh. Aiken told me. Akala ko magkikita kayo pero magkaibang place pala. Don't worry. You won't be seeing your ex again."

Iyon lang ang pinaalam niya at maya-maya'y pinutol na rin ang tawag. Nakamaang na binaba ko ang phone habang salubong ang kilay.

Nakaramdam ako ng kaba. Anong gagawin ni Primo sa Cagayan Valley? May mali at ayaw kong makompirma ang iniisip.

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now