Chapter 42

98 3 0
                                    

Chapter 42


"Let's split." I told Primo as we entered the mall.

Taas ang kilay na nilingon niya ako. Nag-iwas ako ng tingin nang sa muli ay kumislap sa paningin ko ang piercings niya at ang kulay itim na band-aid sa mga galos niya.

"Bakit? Wala akong ibang gagawin dito o pupuntahan. Can't I go along with you?" tanong niya at huminto sa paglalakad.

Bakit kasi siya sumama? Maging sa flight ko mamaya ay nakisabay rin. I thought he would stay here until vacation ends.

"Kumain ka na lang." suhestiyon ko. "May bibilhin akong mga undegarments kaya 'wag ka na lang sumama. "

"What? Anong problema doon?" kalmadong nag-iwas siya ng tingin habang sinusuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon.

"Anong what? Pinayagan na kitang samahan ako rito kaya 'wag ka ng magpumilit na samahan rin ako sa mga store na papasukan ko. "

"It's just undergarments." kumunot ang noo niya at muling nagbaba ng tingin sa'kin. "'Wag ka ng mahiya. Isasama rin naman kita kapag bibili ako ng bagong boxer shorts."

Hindi makapaniwalang inikutan ko siya ng mata. Sa huli, hinayaan ko ng magbuntot sa'kin.

Pumasok kami sa isang store at saglit na nagkahiwalay dahil nagpunta siya sa panglalaki. Hininto ko ang pamimili nang masulyapan ko siyang nasa hindi kalayuan ngunit sa'kin nakapukol ang atensiyon.

Binalik ko sa lalagyan ang bustiers na hawak. I can't choose.

"Nakapili ka na?" he asked when he went to me.

Sinipat pa niya ng tingin ang iba't-ibang klase ng bra sa sabitan saka siya bumaling sa'kin na may ngising nakapaskil sa mukha. 

"Nawalan ako ng mood pumili. Ayoko na dito." kibit ang balikat na tinalikuran ko siya.

"Eh, eto?"

Natigil ako sa paghakbang at hinarap siya. Bumaba ang paningin ko sa kulay burgundy na push up bra na kaniyang hawak-hawak na.

"This would suit you. Alam kong kailangan mo 'to." panunukso niya.

Mabilis akong lumapit at hinablot ang bra para ibalik sa sabitan. Nakakahiyang siya pa ang nag-suggest lalo na't naaagaw niya ng pansin ang mga tao sa paligid.

"Pambihira ka. Paano mo nalaman ang size ko?" bulong ko habang hila-hila na siya paalis sa lugar.

"Hula-hula lang." sumipol siya pagkatapos.

"Sinungaling." binitawan ko ang braso niya at muling nagkibit-balikat. "Kaya pala sobra kang makakapit sa'kin kagabi at tumatama na ang kamay mo sa dibdib ko. Hinuhuli mo na pala ang size ko habang tulog ako."

"Ha? Strategy 'yun ni Chaz, biglang naituro sa'kin. Sayang naman kung hindi ko subukan. Pero paano mo nalaman?"

"Parang gago." matulis ang tingin ang pinukol ko sa kaniya.

Tumawa siya at kinuha ang kamay ko. Natigilan ako nang magtangka siyang ipulupot ang mga daliri namin. Nasa harap lang ang tingin niya pero binabasa ang labi, animo'y pinipigilan ang pagngiti.

I stared at our hands with astonishment clouded in my mind. I don't know what's going on between us. I couldn't comprehend. Nakakatakot din kasing umasa.

Hindi ko masasabing bumalik na kami sa kung anong mayroon sa amin noon. Nalinawan na ako kagabi tungkol sa nararamdaman niya pero hindi ganoon kadaling isipin na maayos na ang gusot ng nakaraan na hanggang ngayon ay namamalagi pa rin.

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now