Chapter 35

95 3 0
                                    

Chapter 35




Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ko nang maupo ako sa stipa. I couldn't sink in my mind what just I saw.

I mean, it's not a big deal to see Primo kissing someone. Pero bakit siya nandito sa Paris? Ang lawak-lawak ng mundo at daming mas magandang pag-bakasyunan. O hindi kaya nananadya iyon?

I just arrived two days ago para e-meet si Dexie. Nabalitaan ko kasing buwan na rin noong bumalik siya dito. Hindi ko alam ang reason niya pero hindi na siya nag-work.

How would I create great moments if Primo's here? Ayokong umasang nandito siya dahil sa'kin para sundan ako o pagselosin. Sa loob ng apat na taon, never kaming nagkita. Kaya malaki ang tiwala kong baka nagkataong nandito rin siya para magbakasiyon at nagkataon ring iisa kami ng hotel.

O pwedi ding hindi. Baka 'yung babaeng kahalikan niya kanina 'yung same kami ng hotel.

Mabuti nalang matindi ang kontra ingay ng mga room, hindi ko maririnig ang mga masagwa at babuy-baboy na mga ungol ng dalawang 'yun.

Nang mag-alas syete ay napagpasiyahan kong lumabas para mag-dinner. I can't contact Dexie so I'll take supper alone.

Lumabas na ako matapos mailagay sa bagong biling baguette bag ang mga gamit ko. Banayad kong sinarado ang pinto habang ang mata ay nasa pintong pinasukan ni Primo kanina.

Hindi ko maramdaman iyong sakit nang makita ko siyang may kahalikang ibang babae. Siguro sa loob rin ng apat na taon, ang dami pang nangyari at mukhang natutunan ko siyang kalimutan.

Nagmamadali na akong lumabas. I then dined at the restaurant nearby. Naghintay akong mag-message si Dexie sa kung siya ngayon pero hindi dumating.

Hindi naman siguro iyon tumakbo na naman palayo? I also don't doubt if it was Aiken whom she had a date with.

Bago ako lumipad pa-Paris, sinabi sa'kin ni Isla na nagpunta nga rin daw dito si Aiken para habulin na naman si Dexie. Kaya baka nga si Aiken iyong kasama niya kanina.

I put down my french champagne and glanced at my phone. Tumatawag na naman si Mama.

"Ano, Chen? Namasyal ka ba diyan? Binalikan mo ba iyong mga napuntahan mo noon?" pambungad niya.

"Sa Paris lang ako naglibot. Hindi na ako nagpunta sa ibang cities, Ma. "

"Pero bukas na ang uwi mo. Sigurado ka bang hindi ka magto-tour package diyan?"

"Mama, hindi ko plano. Hindi ko rin binalak magtagal dito." tugon ko.

Wala sa plano ko na balikan ang Deauville at Marseilles. Mahaba ang byahe at nakakatakot pang mag-isa lang.

Though Dexie toured me around Paris and I couldn't wish for more. Ayokong umuwi sa Pilipinas na butas na ang wallet.

"Bakit naman hindi? May bad memories?" natawa siya sa kabilang linya. "Nga pala, kailan mo balak magpunta sa Cagayan? Iyong bahay kasi, Chen, mababawi na natin. Iyon nga lang ay kung papayag 'yung nagma-may ari na ngayon."

I stared at my wine glass and heaved a deep sigh. Matagal ng nasa isip ko ang tungkol doon pero hindi pa ako kumikilos.

Ngayong maganda ang timing dahil nandito si Primo, bakit hindi ko na simulang suyuin siya? Mukha naman siya iyong tipo ngayon na madali ng mapaamo.

Siguro rin naman may konsensiya parin siya? Marahil nga big time na siya ngayon. Bakit pa niya kakailanganin ang lumuluma ng bahay sa Cagayan?

"Dideretso ako sa Cagayan pag-uwi ko diyan, Mama. Kailangan ko ring humabol sa birthday ni Lius. " tugon ko sa kaniya.

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now