Chapter 4

107 53 28
                                    

Nagkampo ulit ang apat sa kuwarto ni Theo. Kanina pa nagpapari't parito si Eddie, naikot na ata ang buong bedroom. Nag-iisip sila ng paraan kung paano makakausap si Ran.

"Pagtatabuyan lang ulit tayo ng mama ni John 'pag pumunta tayo ro'n," sabi Bean.

"Naisip kong makisuyo kay Tita Roberta kung pwedeng sabihan si Ran na makipag-usap sa'tin, o kaya siya na ang magtatanong. I'm just afraid that we'll be asking too much," nahihiyang aniya ni Eddie.

"Walang hiya-hiya! Ang nawawalang kaibigan natin ang pinag-uusapan dito, ano ka ba?" Bean beamed animatedly. Napatayo pa 'to sa kinauupuan at humaba ang nguso.

"Let's cross the road when and if we get there, okay?" Rove faced Eddie and smiled.

"Look at the time. Huwag muna nating alalahanin ang mga posibleng mangyari pagkatapos dahil hindi natin magagawa ang kailangan nating gawin sa ngayon at mauubusan tayo ng oras. Ayos ba?" sabi ni Rove sa dalawa.

Para namang mga batang tumango sina Eddie at Bean. Mga takot kay Rove.

"Chinat ko na si tita, sabi niya sasamahan niya tayo kina John para kausapin si Ran," imporma ni Theo sa kanila.

Napahinga ng malalim si Eddie. "Hoooo..." he exhaled na ikinatawa nina Bean.

"Bakit?" tanong niya.

"Relax mo lang pututoy mo ah. Kaya hindi pa kayo nakakapag-usap ni Medy eh, masyado kang kabado," pang-aasar ni Bean. Halos mapairap si Eddie dahil sa pagbanggit nito sa tao kahit hindi naman kailangan.

"Sino ba 'yon?" pagmamaang-maangan ni Eddie sa mapaklang tono.

Natawa sila sa tono ng pananalita nito na taliwas sa muntikan ng pagka-utal at namumulang mga pisngi.

***

Sinilip ni Ran ang nag doorbell sa kanilang pinto mula sa bintana. Nakita niya ang isang babae, si Tita Roberta! May apat na lalaki itong kasama na nakatayo't nag-aabang sa harap ng pintuan nila. Ang iba ay nakatungtong sa ilang baitang na sementong hagdan, ang iba naman ay nasa ibabang gilid, tinitingala ang pinto.

Nanlaki ng bahagya ang mga mata ni Ran at umawang ang bibig nang makilala kung sino ang mga kasama ng kapatid ng papa niya.

Agad siyang nagtungo sa pintuan at binuksan 'yon.

"FBI!" sigaw ng isang lalake sa baritonong boses at nakatagilid sa hamba ng pintuan.

"Bean!" stopped Eddie who's almost snorting in an attempt to suppress his laugh.

"FBI," sabi rin ng isa at paglingon nila ay nakita nila si Theo na ipinapakita ang school ID nito.

Taliwas sa inaasahan ay ipinatuloy sila ni Ran sa loob ng bahay. Kinakabahan silang naupo sa mahabang sofa. Kailan pa sila nahiya sa bahay ng kaibigan?

"Umalis si mama," imporma ni Ran at doon lang sila nakahinga ng maayos. Naihiga pa ni Bean ang kalahati ng katawan sa sofa, sinaway naman siya ni Tita Roberta.

"Ran, sila ang mga kaibigan ni John. Boys, ito ang kapatid ni John," pagpapakilala ni Tita Roberta sa kanila.

"Kumusta? Hindi ko alam na kapatid ka pala ni John. Nakapunta na kami rito pero hindi pa kita nakikita, pasensiya na." Nakatingala si Theo sa kanya.

"I lived in a dorm, kasama ang mga ka-squad ko. Dito na 'ko pinatuloy ni mama pagkatapos ng nangyari kay Kuya." Napatigil siya nang ma-realize ang sinabi. She looked up only to see Rove squinting at her.

We Can't See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon